Kinabukasan....
NAng makapasok na ako sa campus, ayan na naman sila! umagang umaga puro sigawan na naman pero ttekka...ttekka bat.... kasama pati pangalan ko!!!
"Uyyyy!! Di ba ayun, yun si Venice,, ang swerte naman nya at nakakausap nya si prince Drake!!" Sabi nung isang babae na nakatingin sakin.
"Tama ba ang narinig ko!! PRINCE DRAKE!! Abbba...abba prinsipe ba yan eh.. demonyo nga yan eh!!" Pabulong ko.
pagkatapos ay pumunta ako sa pinagkakaguluhan nila pero bago pa ako lumapit ay nakatingin na silang lahat sakin!
"Whhhatt!! ... Venice Tan from mixfinity band! Dont try to cheat on me cause i will make you my slave if I win this competion!" nang mabasa ko itong maraming nakadikit na fliers.
"Wooow...haa!! Ang effort nya naman may pafliers..pafliers pa!! Sinasayang nya lang yung pera nya dahil ako lang din naman ang mananalo!!" Pagtataray ko.
NAng may bigla na lang humila sa wrist ko at kinaladkad ako papuntang bench.
"Arrayy! Ko naman nasasaktan po kaya ako no!!" Sabi ko sa kanila. Oo kaibigan ko na mahilig manghila.
"Uyy! Friend na balitaan namin ahh.. di mo man lang sinasabi na kapag nanalo daw sa competion si Drake gagawin ka daw nyang slave?? Oohhh mmyy gossh!!! Ang swerte mo naman, Venice!" Sabi sakin na kinikilig kong kaibigan na unti na lang ay mahahampas ko na.
"Anong swerte ang pinagsasabi nyo!! Ayoko ka yang maging slave kung gusto nyo kayo na lang pero magpapatalo pa ba naman tayo hindi no!!" Sabi ko na with fighting spirit..hahaha!!.
"Syempre naman...oo magpapatalo tayo,, JOKE!!! hahaha!!!!" Nakakalokong sabi nila. >_<#
Hanggang sa maguuwian ay naisipan na lang naming tumugtog dahil sa Band festival competition.
Makalipas ang tatlong araw na pagpapractice namin sa studio na halos ay hindi na kami kumakain maperfect lang ang tutugtugin namin para jan ay bukas na talaga ang competition kaya dapat ang huling araw na ito ay maperfect namin ng maayos para bukas.
Mayamaya pa ay umuwi na ako ng bahay para magpahinga na ng maaga.
BAgo pa man ako makahiga sa kama ko ay pinatay ko na ang switch ng ilaw kaya ang lampshade na lang ang natirang bukas sa may tabi ng kama ko hanggang sa makahiga na ako at makatulog.
Pagkatapos ay may bigla na lang akong narinig na ingay na may bumukas kaya sinubukan kong imulat ang mata ko ngunit malabo at hindi ko gaanong maaninag pero may nakita na lang akong taong nakatayo sa may malaking bintana ng kwarto ko at nakatingin sakin pero this time ay parang hindi tao ang nakita ko kaya sumigaw ako.
"Daaaaddd!!! tulooong!!!! MAy nakapasok sa kwarto ko!!! Daaadd!!!!" Sigaw ko at bigla akong tumayo para umalis.
Nang sa isang iglap ay sobrang bilis nyang nakalapit sa akin at itinulak ako pabalik sa kama at tinakpan nya ang bibig ko pero nanlaban ako kaya ay may bigla akong natabig na babasagin na kung ano kaya nasugatan ako sa may bandang palad kaya umagos ito.
Pero sa mga oras na ito lalo syang lumakas at nakita ko na pumula ang mga mata nya at napansin ko na umilaw bigla ang parang tatoo sa may bandang ibabaw ng kamay nya.
Pinipilit kong labanan sya pero hindi ko magawa dahil narin sa sobrang sakit ng kamay ko at napansin ko na unti unti syang lumapit sa may bandang leeg ko at napansin ko na lang na humaba bigla ang mga pangil nya kaya lalo na akong kinabahan.
"Kakainin ba nya ako!! Papatayin ba nya ako pero sa totoo lang hindi ko pa naman oras eh!!" Pagiisip isip ko.
Napapikit na lang ako ng kakagatin nya na ako pero hindi na ito natuloy dahil may biglang kumatok ng pinto kaya napatingin ako.
"Daaddd!! Tulungan mo ko!!! Daaaddd!! Please..." sigaw ko kay dad ng bigla na lang naglaho yung lalaki na nakita ko sa kwarto na parang bula kaya tumakbo agad ako sa may pintuan.
"Anak!! Ano ba nangyari sayo?? At saka ano ba nangyari jan bat ka may sugat!" Pagaalala nya sakin habang hawak hawak nya ang kamay ko na may sugat.
--> To be continue...
BINABASA MO ANG
Moonlight Prince
RomancePaano na lang kaya kung dahil lang sa kasunduan mafall ka sa kanya ano ang gagawin mo?? Paano kaya kung may madiskubre ka tungkol sa kung anong mayroon sya na wala ang iba??