Chapter 5: Ang Lihim

6 0 0
                                    


Ysabelle: Ombre, may sasabihin ako sayo.

Ombre: Ano yun?

Ysabelle: Alam mo pansin ko ah, may gusto sayo si Blue.

Marie: Pansin ko rin yun, akala ko nga ako lang ang nakakapansin, kaya hindi ko sinasabi sayo Ysabelle.

Ombre: Sus, si Blue? Magkakagusto sakin imposible yun.

Ysabelle: Seryoso kami Ombre.

Marie: May tanong ako sayo.

Ombre: Ano yun?

Marie: Nagkakachat ba kayo ni Blue?

Ombre: Oo.

Ysabelle: Lagi?

Ombre: Hindi naman.

Marie: Anong pinag-uusapan nyo?

Ombre: Wala naman, tungkol lang sa mga bagong anime series at kung may mga anime conventions ba.

Ysabelle: Nagtetext kayo ni Blue?

Ombre: Hindi, hindi ko alam number nya eh.

Marie: Nako, sayang naman.

Ysabelle: Pero alam mo Marie, bagay sila ni Blue.

Marie: Oo nga eh.

Ysabelle: Baka naman may gusto sayo si Blue?

Ombre: Walang gusto sakin si Blue.

Marie: Pero aminin mo samin, crush mo si Blue?

Ombre: Oo, crush ko sya pero slight lang.

Ysabelle: Ayie, crush nya si Blue.

Ombre: Bakit ba sikat na sikat yang sila Blue at Nishiki?

Ysabelle: Sikat si Blue dahil sa katalinuhan, kagwapuhan, magaling sa online games, at magaling maglaro ng basketball.

Ysabelle: Si Nishiki naman dahil bestfriend sya ni Blue, matalino, gwapo, magaling sa online games, magaling maglaro ng basketball, at mahilig sa mga anime series.

Ombre: Mahilig naman din si Blue sa mga anime series ah.

Ysabelle: Ay oo nga pala.

Marie: Pero karamihan dito sa Batasan hindi nila alam na mahilig si Blue sa mga anime series.

Ysabelle: Ang alam lang nila ay nakikinuod lang sya kay Nishiki.

Ombre: Ah kaya pala, nagtatanong kasi sya sakin kung anong mga bagong release ng mga anime series, at kung meron, kailan, at saan ang mga anime conventions.

Ysabelle: Ah kaya pala.

Marie: Teka, nagkakalimutan tayo dito eh, balik tayo Ombre bakit slight lang?

Ombre: Ang alin na slight lang?

Marie: Slight lang yung pagkakagusto mo kay Blue.


Ombre: Ah ewan ko eh, siguro dahil sa parehas kaming mahilig sa mga anime series, uy secret lang natin yun ah.

Marie: Oo, secret lang natin yun, nagulat lang kasi ako na niyaya ka nya na sumabay pauwi.

Ombre: Oh bakit? Ano meron dun?

Ysabelle: Ngayon lang kasing nagyaya si Blue na sumabay pauwi.

Marie: Usually kasi hindi sya nagyayaya, kung minsan sabay talaga sila ni Nishiki.

Ombre: Ah kaya naman pala eh, oh kayo naman ang magsabi kung sino ang mga crush nyo?

Ysabelle: Wag kang maingay ah, parehas naming gusto si Nishiki.

Beneath The Sakura TreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon