The Nightmare

447 23 12
                                    

Veronica

"Princess, Princess?" Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Papa habang patuloy pa rin siya sa paghahanap sa akin. " Nasaan kaya ang pinsesa ko? Hmm." Sinimulang tingnan ni Papa ang ilalim ng lamesa, likod ng sofa at loob ng mga cabinet.

Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang maliliit kong mga kamay nang isang hagikgik ang kumawala sa akin. Hindi niya ako mahahanap, sapagkat naririto ako sa loob ng isang lumang jar. Kaya hinding-hindi niya ako matutunton!

"Princess--" Napalayo ng kaunti si Papa nang isang 'meow' ang bumungad sa kanya pagkabukas niya ng isa sa mga cabinet. "--ay naku!" Napahawak siya sa kanyang dibdib nang makita ang pusa naming si Louie sa loob nito. Pinigilan ko ang sarili kong tumawa sa takot na marinig niya ako.

Isang impit na tawa ang nakawala sa nakangiti kong labi. Inilagay ko kaagad ang aking mga kamay sa aking bibig nang mapatingin siya sa pwestong kinaroroonan ko. H-hala!

Nagsimula siyang maglakad patungo sa aking pwesto ngunit agad ring lumagpas. Nagpakawala ako ng hininga. Mabuti naman at hindi ako nakita ni Pa--

"Huli ka, Princess!" Nagulat ako nang buhatin ako ni Papa mula sa jar na pinagtataguan ko. Tumili ako na agad ring nahaluan ng tawa nang simulan niya akong kilitiin.

"Papa! N-nakakakiliti po!" Patuloy lang ako sa pagtawa habang nagpapapadyak. Sa hindi inaasahang pangyayari'y bigla kong nadali ang jar. Kasabay 'non ang pag-alingawngaw ng tunog ng isang baril. Sa pagkakataong iyon, tila bumagal ang buong paligid. Pareho kaming nahulog ni Papa sa sahig, subalit nagawa niya pang takpan ang aking ulo.

Napapikit ako sa sakit nang madaganan ng kalahati ng katawan niya ang akin. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at natulala nalang sa nakita.

"Papa!"

Napaupo ako sa kama nang mapaginipan ko na naman iyon.... Sumasakit ang ulo ko... Ayaw ko na... Ayaw ko nang alalahanin muli ang mga pangyayaring iyon! Ngunit pinipilit nitong manumbalik sa aking ala ala.

Napatingin ako sa alarm clock sa tabi ko. Alas-singko ng madaling araw. Bumangon na ako at naghilamos. Lagi ko nalang napapanaginipan sina papa at mama. Hindi ko naman nakita ang pagkamatay nila eh.... Pero lagi na lang.... Lagi na lang putok ng isang baril at bigla silang maliligo sa sarili nilang dugo at mamamatay.

Pangatlong araw na simula noong bangungutin ako ng panaginip na iyan. Ewan ko ba, pero... Parang.. Parang may gustong ipahiwatig ang mga eksenang iyon. Hindi ko alam kung para saan, pero... Naniniwala akong mahahanap ko ang kasagutan sa tamang panahon.

"Nica! Mamaya, ha? Aabsent pa naman si Jerome ka kailangang kalinangan ng mag huhugas ng mga pinagkainan. Tamang tama, sa katapusan na ang bayad mo sa renta eh." nakangiting sambit ni Aling Selina habang nagdidilig ng halaman sa bakuran. Ang ibig niyang sabihin ay ang pagtatrabaho ko sa kaniyang karinderya. Ganyan kabait si Aling Selina, binigyan niya ako ng trabaho sa kaniyang karinderya kahit hindi niya naman ako ka-anu-ano. Sinimulan ko nang mag-lakad, walking distance lamang kasi ang apartment na aking tinitirhan papunta sa school na aking pinag-aaralan. Isa sa mga dahilan kung bakit dun ako nangungupahan.

"Nica!" Narinig kong tawag ng isang lalaki sa bandang likuran ko. Tsk, ayan na naman siya.... Binilisan ko ang aking paglalakad. "Nica! Sandali lang!" Tumakbo siya para sabayan ako. "Kamusta ang tulog mo?" Hindi ko siya sinagot. Ayaw kong makipag usap sa kanya. Don't get me wrong! Hindi ko siya manliligaw or what, nagpapakilala kasi siyang Bestfriend ko daw siya. Ngunit, wala, wala akong natatandaan sa mga pinagsasabi niya.

"Nica, nga pala, may inaalok na trabaho si tito , tuwing weekend lang, baka gusto mo? Pandagdag sa pangungupahan?" Hindi ako nagsalita. Binigay ko 'yung I.D. ko sa guard namin at nagpatuloy ng lakad. Hanggang sa nakarating kami ng classroom, dada pa rin siya ng dada, ewan ko ba! Kalalaking tao ang bunganga ratatatatat! Umupo na ako sa bakanteng upuan katabi ng bintana. Tumingin ako sa labas at nakita ko ang magandang view sa labas. Ang daming puno. Maliwalas. Huminga ako ng malalim nang humangin, napaka-presko! Hindi air-conditioned ang school na ito. Eco-friendly kasi ang school na ito, isa sa mga nagustuhan ko. Okay lang naman din dahil malamig gawa ng mga puno na nakatanim at patuloy na inaalagaan.

"Ang lalim ng hiningang iyon, ah..." Hindi ko siya tinignan, sa halip ay itinuon ko ang pansin ko sa mga halamang nakikita ko. "Alam mo, noong mga bata pa tayo, lagi tayong naglalaro sa kagubatan, lagi tayong nagtatanim ng mga puno sa gubat," ayan na naman siya "idinadala mo pa nga ang pusa mong si louie sa gubat na iyon, tapos--" napahinto siya ng patigilin ko siya. "Stop." Napahawak ako sa ulo ko, sumasakit na naman ito. Louie... Louie..... Napabuntong hininga na lamang siya. "Alam mo, kahit nagmumukha akong tanga dito sa kakasalita...." Napatingin ako sa repleksyon ng malungkot niyang mukha sa salamin ni bintana. ".... Alam kong maaalala mo rin ako" sambit nito. Kasabay nito ang pagpasok ng aming guro.

Habang nagtuturo ang aming guro ay naramdaman ko ang pagbigat ng aking mga mata. Oo nga pala, hindi ako nakatulog kagabi ng ayos. Dahil sa...

"Suotin mo ito palagi, ha?" Sambit ng isang batang lalaki na nasa edad na 8 years old kung tatantiyahin. "Simbolo ito ng ating pagkakaibigan." Napangiti ang isang batang babae na para bang galak na galak ito sa ibinigay ng lalaki. "Wow! Ang ganda naman nito! Saan mo ito nabili?" Aniya habang hinawakan ang necklace isinuot sa kanya ng lalaki. Sa halip na sagutin siya nito ay nginitian niya ito. At biglang naging abo ang lalaki at tuluyang hinangin....

"Huh?" Napaigtad naman ako ng may tumapik ng aking balikat. Si Clark. Nakita ko ang aking mga kaklase na nagsisi-alisan. Inayos ko na ang mga gamit ko at tumayo. Nakita ko namang lumabas na si Clark ng kwarto. Nakapagtataka. Nagtampo ba siya? Pero... Hindi pa ba siya nasasanay? Araw araw ko siyang ginaganon. Teka..... Why the hell am I affected?!

~~~~~~~~

Date Finished as draft: April 21, 2015

Date Published: May 14,2016

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Twist of Fate ~Inlove With My Bestfriend Series~ |REVISING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon