Last Part:Debate

106 2 0
                                    

"Okay class, we're having a debate.Kayo ang pipili kung saang panig kayo."

"Ano po bang pagdedebatihan natin?"

Ayan.Nandito ako ngayon sa room.Siyempre may klase e. =.= May debate daw.Pakielam ko ba diyan.

"Kung kanino mas sasaya, sa taong mahal mo na hindi ka mahal, o sa taong mahal ka pero hindi mo mahal?"

Ano bang topic yan?Nahati na sila sa dalawa ako hindi pa rin gumagalaw.Nang nakatingin na silang lahat sa akin, pumunta na lang ako sa panig ng  'taong mahal ka pero hindi mo mahal'.Kung itatanung niyo si Renz?Nasa kabila.

RINA(Taong mahal ka)

Mahirap umasa sa pag-ibig na walang kasiguraduhan.Bakit mo sasaktan ang sarili mo kung alam mo naman na mas may higit na karapat-dapat sa pagmamahal mo?Mas kaya kang pasayahin at alagaan ng totoong nagmamahal sayo.

Tsk.Ano ba yang topic.Hindi naman dapat pinagtatalunan yan.Nagsasayang lang sila ng laway.

RENZ (Taong mahal mo)

Sa tingin mo ba sasaya ka kung alam mong nasasaktan mo din yun taong nagmamahal sayo?Sa tingin mo ba sasaya ka kung alam mo na sa puso mo hindi siya ang mahal mo?Kahit anung tanggi mo, isang tao lang ang pwedeng makapagpangiti sayo ng totoo.Yun ang taong mahal mo kahit pa nasasaktan ka sa tuwing pagngiti mo.

Si Renz. *sigh*

AKO (Taong mahal ka)

Sa taong mahal mo, hindi ka nag-eexist.Sa taong mahal mo, sa iba umiikot ang mundo niya.Sa tingin mo ba kaya ka niyang papasukin sa mundo niya?Hindi.Hahayaan mo bang maging miserable ka?Magpapakamartyr?Magpapakatangga?Yan ang ginagawa ng mga taong pilit ipinapasok sa utak nila na umiikot lang ang mundo nila sa taong hindi naman sila mahal.Ginawa tayo ng Diyos na may utak, hindi lang puso.Kung lagi mong paiiralin ang puso mo, kawawa ka.Masasaktan ka lang.

JES (Taong mahal mo)

Pero ang pagtakbo at pagtanggi sa nararamdaman mo?Hindi ba kaduwagan naman yun?Gagamitin mo ang ibang tao para sumaya ka?Hindi.gagamitin mo lang sila para itago ang tunay mong naramdaman.Hindi ba unfair naman yun sa kanila?

Tsk.Umepal si Ex.

AKO (Taong mahal ka)

Kailan ba naging fair ang buhay?

RENZ (Taong mahal mo)

Kailan naging fair ang buhay?Edi nung umibig ka.Sa pag-ibig, balanse ang lahat.Sasaya ka lang kung handa kang masaktan.Hindi ito katulad ng instant noodles na hindi pinaghihirapan para kainin.Nasasaktan ka?Asahan mong hindi lang ikaw.Oh diba fair naman?Sa tingin mo ba mamahalin mo ang isang tao para lang masaktan ka?Hindi.May dahilan kung bakit siya ang minahal mo at gaya ng sinabi ni Jes, hindi mo dapat takbuhan yun.Ipaglaban mo.Atleast, hindi ka magsisisi dahil alam mong naging matapang ka, at may ginawa ka.Ipinaglaban mo siya.Sa huli, ang taong mahal mo pa rin ang makapagpapasaya sayo.

Bakit lahat ng sinabi niya tagos sa akin?Habang sinasabi niya yun na diretsong nakatingin sa mata ko para bang may gusto siyang ipahiwatig.Ano bang dapat kong gawin.Simula nung magtapat siya sa akin, hindi na kami gaanung nag-usap.Busy rin kasi kami.Pero ...hanggang sa panaginip ko hindi ako pinatahimik nung mga nangyari.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

"Hoy!Tama na ang titigan niyong dalawa.Haneps kayo, parang may pinaghuhugutan."

"Oo nga naman pare!Kala mo naman mga nasaktan na sa pag-ibig tong mga to.HAHA.Kayo nga diyang dalawa ang kinaiinggitan sa school kasi wala kayong problema sa lovelife."

"Lalo si renz!Ang ganda ba naman ng nasungkit e.May dapat pa bang problemahin yan?HAHA."

Hirit ng mga pilyo kong mga kaklase.Nagtawanan pa sila.Kung alam lang nila.Hay.

"Paano ba yan.Kiss naman diya oh!" May isa pang humirit. =,=

Teka, bakit tumayo si Renz?Papalapit siya sa akin.Wag mong sabihing gagawin niya nga?Dito?Sa school?Nahihibang na ba to?!

Nang makalapit na siya sa akin ng tuluyan, hinila niya ako patayo at inihawak niya ang dalawa niyang kamay sa beywang tapos lalo akong inilapit sa kanya.Ang mga kamay ko ay nasa shoulders niya ngayon.Geez.Nag-iinit ang mukha ko sa ginagawa niya. >.<

Papalapit na ng papalapit ang mukha niya.Hinalikan niya ako ...sa noo.Nagsigawan naman sila lahat.halatang kinikilig. =_=

"Bakit sa noo lang?Dapat sa lips!"

"Oo nga!"

"KIss na yan!!"

"Bawal PDA sa school no!Diba ma'am?" sabi ko para makalusot.

"Okay lang.Di ko pagsasabi.HAHA."Wow, ma'am.Thank you for saving us.Narinig ko pang tumawa ng mahina tong si renz. =____=

"Bilis!Kiss na!"

Nakakahiya naman sa kanila.May special request pa. =___= Nakatingin lang sa akin si Renz.Nagtatanung yun mukha niya.Ano ngayong gagawin ko?Papayag ba ako.Ganun pa rin ang pwesto namin.Ipinihit ko ang leeg ko sa kanan at nakita ko si Jes.Ang sama ng tingin sa amin. Nagpapanggap nga pala kami dahil sa babaeng to.Aish.bahala na nga.

"Kiss me ..on the lips." bulong ko sa kanya

"Huh?" Ang sloooow! >__________________<

"You're silly ex-girlfriend is staring at us like idiot.Do it."

"If you say so." Nag-aalinlangan pa siya nung una pero ginawa niya rin naman.

For the second time, his lips met mine.Eto nanaman yun pakiramdam ko.Parang ang saya?Ang sarap sa pakiramdam.Matagal-tagal din kami na naghahalikan kaya nung naghiwalay kami medyo naghahabol pa kami ng hininga.

"Ang swerte mo pare!Ang ganda niyan!" kantsaw pa nung isa.

Natahimik ang lahat nang nagsalita si ...Jes.

"Si Tiffany rin ... maswerte.Mahal talaga siya ni Renz.Sana maging masaya kayo.Hindi na ako manggugulo.Nagkukunwari lang ako kanina.Ginawa mo yun hindi para pagselosin ako.Ginawa mo yun kasi ayaw mong maagaw ko siya sayo.Alam ko na ang lahat.Okay na ako.Nag-usap na kami ni Renz.Sana ikaw din Tiffany, alam mo na ang nararamdaman mo." at ngumiti siya ...sa akin.

Nararamdaman ko?

'Ginawa mo yun hindi para pagselosin ako.Ginawa mo yun kasi ayaw mong maagaw ko siya sayo.'

'Ginawa mo yun hindi para pagselosin ako.Ginawa mo yun kasi ayaw mong maagaw ko siya sayo.'

'Ginawa mo yun hindi para pagselosin ako.Ginawa mo yun kasi ayaw mong maagaw ko siya sayo.'

'Ginawa mo yun hindi para pagselosin ako.Ginawa mo yun kasi ayaw mong maagaw ko siya sayo.'

Maybe tama sila.Hindi ko to dapat takbuhan.Dapat ko ng harapin ang nararamdaman ko.

Tumingin ulit ako sa mga mata ni Renz na nakatingin pa rin sa akin.Inayos ko ang kamay ko at ipinalibot sa leeg niya.

I kissed him again.

Halatang nagulat siya.HAHA

"I Love You."

                                =====================================================

A/N: Bigla ko lang po itong naisip.Hehe.Sana nagustuhan niyo. >:*<

Fake Relationship, Real Lovers.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon