Memento Mori: Her life and death

16 0 0
                                    

Third Persons POV:

She wakes up everyday to continue her life. However, it isn't the same life that she had before.

She suffers continuously because if her disease. A kind of disease wherein they haven't found a cure. A kind of disease that takes your life without you noticing it.

Magugulat ka na lang malapit ka na pala mamatay. Yun yung masakit na part dun, mamamatay ka ng walang natitirang alaala.

Lahat ng mga memories mo makakalimutan mo, lahat ng taong nakilala mo malilimutan mo. Pati pangalan mo malilimutan mo.

Aubrey's POV:

"Aubrey ano ba ang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan dati, may problema ka ba?"

Hindi ka naman ganyan dati
Hindi ka naman ganyan dati
Hindi ka naman ganyan dati

Ang mga salitang yan ay ilan sa mga kataga na lagi kong naririnig.

The truth is, I have an incurable disease. Isang klase ng sakit na kung saan mamamatay ako ng walang natatandaan.

Ang saklap ng buhay ko? Oo, pero nagpapasalamat pa rin ako dahil nabigyan ako ng pagkakataon na mabuhay sa mundong ito.

Hindi man ito kagaya ng dati kong buhay, nagpapasalamat pa din ako.

After 5 years

Nanghihina na ako, tanggap ko naman na malapit na ang oras ko pero bakit kailangan ko pang magtagal dito?

Nararamdaman ko na malapit na akong mawala, yung mga simpleng bagay hindi ko na nagagawa ng maayos, nakakalimutan ko kung pano gawin ang mga iyon.

Hindi ko na alam kung anong araw na ba o kung anong taon na ngayon.

Parang isang sanggol ako na walang kaalam alam kung paano gawin ang mga bagay bagay.

Napakahirap na mabuhay ng ganito ngunit susubukan ko pa din lumaban.

Third Persons POV:

Makalipas ang ilang buwan, si Aubrey ay nawala na. Siya ay nagpapahinga na.

Malungkot ngunit para na rin ito sa ikabubuti niya, hindi na niya kailangang maghirap.

Ang kaniyqng mga kaibigan ay umiiyak dahil sa pagkawala niya, nawalan sila ng isang kapatid na maituturing. Nawalan sila ng tao na mahal nila.

Ang kaniyang mga magulang naman ay matagal ng wala dahil bata pa lang siya ay namatay na ang mga ito dahil sa isang aksidente.

Maraming tao ang nandito ngayon sa sementeryo upang ihatid si Aubrey sa kaniyang huling hantungan.

Marami ang malungkot dahil naging malaking parte si Aubrey sa buhay nila.

Mayroon din naman na parang mga walang pakialam, parang pumunta lang dun para sabihing nakikiramay sila sa pagkawala ni Aubrey.

"There is a thought that comes to me sometimes, sa tuwing naaalala ko ito pakiramdam ko nandito pa rin si Aub, nung nabubuhay pa kasi siya ang lagi niyang sinasabi samin ay ang Memento Mori, ang sabi niya sa amin ang meaning daw nun is remember that you have to die. Kaya tuwing sinasabi niya yun sasabihin namin na ienjoy na namin ang buhay natin. Pero kaya pala niya sinasabi sa amin iyon kasi alam niya na mayroon siyang sakit na walang cure. Hindi namin naisip na may sakit pala siya dahil itinago niya ito sa amin. Gusto kong mainis sa kaniya pero alam ko naman na may rason siya kung bakit niya ginawa iyon. Kung nasaan man si Aub ngayon, alam ko na masaya na siya dahil natapos na din ang paghihirap niya. Aub, kung nasaan ka man sana gabayan mo kami. Alam mo ba na miss na miss ka na namin? Kung pwede lang ibalik yung mga panahon na nakakasama ka namin gagawin ko yun. Salamat sa lahat ng mga masasayang alaala, malukungkot, nakakaiyak, nakakahiya, at iba pang mga pinagsamahan natin. Kahit kailan ay hinding hindi ka mapapalitan sa mga puso namin. Lagi ka naming maaalala sa mga bagay na ginagawa namin araw araw." Malungkot na sinasabi ito ng best friend niya.

Sa mundong ito, hindi natin alam kung kailan mawawala ang isang tao o bagay sa atin.

Sa mundong ito kailangan natin matutunan kung paano pahalagahan ang mga bagay na ayaw nating mawala. Dahil sa oras na mawala sila, saka pa lang tayo nagsisisi.

Memento MoriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon