Dear Ulan (one-shot)

227 11 0
                                    

Dear Ulan,

Matagal tagal na rin simula noong huli kang nagparamdam sa akin. Ikaw lagi ang hinahanap-hanap ko lalo na pag summer. Pero alam mo, ikaw lang naman ata ang lagi kong hinahanap-hanap kahit hindi summer eh. Ikaw lang. Gusto na kitang makita ulit. Gusto na ulit kitang makapiling. Miss na miss na kita. Sana tayo na lang ulit. Sana ako pa rin. Sana ako pa rin yung taong mahal mo hanggang ngayon. Pwede bang tayo na lang ulit?

-Cloud (06.05.12)

Oo, in love ako sa babaeng nagngangalang Rain. Dati ko siyang tinatawag na Ulan noong kami pa. Ako lang ang gusto niyang tumatawag sa kanya ng ganun. Ex-girlfriend ko na siya at hanggang ngayon di pa rin ako makamove-on sa kanya. 1 year na kaming break pero wala eh, di pa rin talaga ako makamove-on sa kanya. Mahirap siyang kalimutan, nasanay na kasi akong lagi siyang nandyan. Siya ang nakipag-break sa akin dahil sa magulang niya. Natatakot siyang ipakilala ako sa magulang niya dahil strict ang magulang niya.

Sinubukan kong ipaglaban siya pero siya na mismo yung unang sumuko. Unti-unti siyang naging cold sakin hanggang sa natuluyan na ang pagsuko niya at nakipaghiwalay na siya sa akin. Ang tanging dahilan na iniwan niya sa akin ay ayaw niya raw ma-disappoint sa kanya ang magulang niya. Sinabi niya pa sa akin na kung kami talaga ay kami pa rin naman hanggang dulo. Pero gasgas na yung linyang yun eh. At may pahabol pa siyang "Balang araw at sa tamang panahon." Kahit anong pilit ko talaga sa kanya na makipagbalikan sakin ayaw niya.

Di na rin kami masyadong nag-uusap ngayon kaya dito sa mga papel at ballpen ko na lang ibinubuhos lahat ng gusto kong sabihin sa kanya, kahit parang imposible na maibigay ko pa 'to sa kanya.

Pasukan na naman bukas. Kakatapos lang kasi ng summer vacation namin. Wala namang nangyaring maganda noong bakasyon. Parang ordinaryong araw lang. Wala kasi siya.

...

"Tol, musta bakasyon natin?" tanong ni Jayden, isa sa mga katropa ko. Siya ang pinaka palakaibigan saming lahat.

"Ayos lang. Parang ordinaryong araw lang." sagot ko naman. Umupo ako dun sa bench sa may garden na tambayan namin.

"Ang boring naman ng bakasyon mo. Buti pa ko may nakitang chix nung bakasyon." comment naman ni Levi, isa rin sa mga tropa ko. Pinakamatinik sa chix.

"Nakuha mo ba naman ang number?" tanong naman ni Caleb, pinakamapang-asar sa aming magto-tropa.

"Shoot." nasabi naman ni Levi.

"Oh bakit?" natatawang tanong ni Caleb.

"Nakalimutan ko. Takteeee! Ang timang ko naman oh!" nagpa-panic na sinabi ni Levi at maglalakad sana palayo nang pigilan ni Caleb.

"San ka pupunta?" natatawang tanong muli ni Caleb.

"Babalikan ko. Baka nandun pa siya." wala sa sariling sagot ni Levi.

"Timang ka! Malamang wala na yun dun!" tumatawang sagot ni Caleb.

Matinik nga sa chix, makakalimutin naman. Makakalimutin kasi yan pag may chix na sa harap niya. Madalas makakalimutan niyang magpakilala o kaya tanungin yung pangalan nung babae o katulad ngayon, nakalimutan niyang tanungin number nung babae.

Dear Ulan (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon