True Man's Love

27 2 0
                                    

Istorya ng na-friendzoned.

Istorya ng magandang babae at di-kagwapuhang lalaki.

Istorya ng hindi pa alam ang gender at babaeng filipina.

Istorya ng mga may crush sa classmate.

Istorya ni Drake at Trix.

Istorya mo rin kaya? --------->

Ako si Drake.

Oo,lalaki ako.

Hmm....

Oo nga?! Gara naman neto!

LALAKI nga ko.XD

Okay sige,lalaki ako pero alam nyo na medyo may kalambutan't kagaslawan :D

Pero kahit ganun pa man,lalaki pa rin ako. :D

Ewan ko ba? Hindi ko maintindihan gender ko eh.XD

Basta yun na yun.

May crush nga pala ko,si Trix.

Maganda sya,cute,pretty,lahat na. Simple lang syang' babae. Matalino pa at magaling sumayaw.

Ultimate crush ko sya,natuto nga ko kiligin dahil sa kanya eh.

"Bes,may assignment ka?" tanong ng nasa likod ko. Si Trix.

Nilingon ko naman sya.. "Oo." tapos tumango lang sya.

Hindi nya alam na may gusto ako sa kanya. Tinatago ko yung nararamdaman ko. Kasi ang tingin lang naman nya sa akin eh "KAIBIGAN."

"KAIBIGANG BAKLA."

Wala eh? Hindi nya siguro ako naiimagine na tunay na lalaking may gusto sa kanya.

Gara kasi eh,silahes talaga ko kumilos.

Kailangan bang' maging straight ang isang lalaki para pwede ibigin?

Hindi na ba pwedeng mahalin ang lalaki kapag hindi sa straight?

Minsan naiisip kong' umamin. Pero...

Naghaharutan.

"Aray ko,Trix! Masakit ha?!" hinampas lang naman ako,harut ih!

"Ayt,sorry na Drake?!" at ginamitan na naman nya ko ng killer smile nya!

"Oo na! Thank you ka Crush kita!" sabi ko.

"HAHA." tumawa lang ang babaita.

Akala nya biro lang yun,pero totoo talaga yun.

Aba?! Ang hirap kaya umamin ng pormal kaya idinadaan na lang ng iba sa biro,kabilang na AKO dun.

Tapos tatawanan lang ako,ang galing nuh? HAHAZONED.

Ikaw mamatay na sa nerbyos,sya tuwang tuwa pa.

Pero wala akong magagawa,sa ganung' paraan nya itinuring yung sinabi ko eh.

Haist.

Okay sa tingin ko,hindi na to' basta CRUSH lang. Tingin ko? MAHAL ko na sya.

Kasi araw araw ko syang' nakikita at nakakasama,yung araw araw lang na pagpasok eh. Plus mo pa yung mga practice at groupings sa araw araw.

Madalas ko rin syang' makasabay sa recess na may harutan portion.

Nahuhulog na ba ko?

Sana may sumalo.

-*-

Practice. Sa Bahay ni Lucas.

(Kaklase rin namin.)

Spin the bottle session.

Halos 1/4 yata ng section namin ay nandito.

"Sino crush mo?"

"Si Nike!"

"Ayiiiie!"

"Sino kinaiinisan mo?"

"Si Rona Kaye,Si Albert,Si Anje."

"UYYYY! Secret lang ah?"

"Walang lalabas ha?"

Nagkakaaminan na.XD Buti hindi pa ko natatapatan! At ayokong matapatan kaya nakikisigaw na lang din ako XD HAHA.

Nandito kaya si Trix! Baka mamaya,nako!

Baka pag nalaman nya,layuan nya pa ko ih.

Kahit wag nya na malaman,wag lang syang' lumayo.

"DRRRRRRRAKE!"

"Whoooooooooo!"

At sa kamalas malasan ko nga naman,tumapat na sa akin yung bote.

Yinuyugyog ako ni Cheska,na naghihisterical.

"Ano?" natatawang tanong ko.

Deep inside,ninenerbyos na ko. Gusto ko na magpakain sa sofang' inuupuan ko.

"Sino crush mo?"

Sadaling katahimikan.

Matang nakatutok sa akin.

Bibig na nakatikom.

Wala ni isang nagsalita.

Hanggang sa dumako ang paningin ko kay Trix,napangiti na lang ako. (Nakangiti kasi sya.)

At sa mga oras na yun,biglang umingay. Hiyaw dahil sa kilig.

Matapos yun at dahil doon ay tinutukso na nila ko kay Trix.

-*-

Practice. Sa bakanteng lote.

Kanya kanyang kumpol ang section dahil wala pa yung magtuturo.

Kabilang ako sa kumpulan nila Trix.

Medyo nakahiwalay kaming' dalawa ni Trix,may pinagkekwetuhan kasi kami hanggang sa mapunta ang topic sa Spin the bottle.

"Crush mo ba talaga ko?"

"Oo. Di ka ba naniniwala?" hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas para makapagsalita pa ng diretso.

"Di naman sa ganun." ngiti nyang' sabi.

"Crush lang naman eh." apela ko.

"Haha." OKAY? HAHAZONED.

"Wala lang sayo nuh?"

"Bakla ka naman kase ih." porket ba? silahes lang kaya!

"Haha.Ganun? Pero okay lang sayo?"

"Oo naman!"

"Di ka lalayo?"

Tumango sya. At Ngumiti kami sa isa't isa.

"Friends tayo ha."

at sa pagkakataong yan,ako naman ang tumango.

Siguro nga? para sa kanya hindi ako tunay na lalaki.

Pero sa pagkakataong ito,masasabi ko na,tunay akong lalaki.

Kasi tunay ang pag-ibig ko. Kasi tanggap ko kahit ni-reject nya ko.

Kasi sapat na sa akin na magkaibigan lang kami. Kasi hindi na ko naghangad pa ng hihigit pa dun.

Siguro kung maiisip kong magiging ganun din yung feelings nya sa akin. Why not? Libre lang naman mangarap. Wag nga lang aasa.

True Man's Love is not about loving you back. Its about accepting,sacrificing,and still loving her in spite of her complains.

Ako si Drake.

Lalaking nagmamahal.

Totoo at hindi biro.

-THE END-

Words Made By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon