I'M GONNA GET YOU

214 13 0
                                    


"I'M GONNA GET YOU"
("THE WILD ROSE "serries 1)
written by: Twinheart

EPISODE 10

"SAMANTALA isang batang lalaki ang natagpuang patay!" anang reporter. "Ang batang ito ay kinilala sa pangalang---[Lu
cho hehhe..] Jason Bustamante."

Dahil sa labis na pag alala nilang lahat kay Lucho, pati ang flash report ay napagtuunan nila ng pansin..

Bigla din huminto ang pag inog ng kanilang mundo, nang marinig ang balita. Ngunit napahinga silang lahat ng maluwag, dahil hindi si Lucho ang batang ibinalita.
"Oh,, thanks god! Unang wika ng señora. "We can find him, buhay ang apo ko."

"Of course mahal buhay ang apo natin." inis na sagot ni Anthony sa esposa. Parang sinasabi nitong may hindi magandang nangyari sa kanilang apo.

"Lucho! Baby! Anas ni Cookie. Saka pa lamang natauhan sa kanya-kanyang katinuan ang tatlong binata, pati na rin si Sundee at Fhatty.

Agad yumakap ang dalawang dalaga sa kanilang kaibigan. "I'm sorry Cookie, hindi namin nabantayan si Lucho." ani Sundee.
"sis i'm sorry too! Saad naman ni Fhatty.

Hindi pa rin humihinto ang dalaga sa pag iyak. "Hindi ko kayang mawala si Lucho sa akin. Ayoko!" anang dalaga. Umiiling itong napapaluha.

"babalik si Lucho sa atin iha! Babalik ang apo ko." sabad ni Anthony.

Bumuhos din ang luha ni L.A sa kaalamang siya din ang may kasalanan kung bakit nawawala ngayon ang anak. At dahil sinisisi nito ang sarili, nagmamadali itong lumabas.
"Louie! Si Lander.

"Kuya Louie! Sinundan ito ni Lester at Lander.

SA LABAS ng bahay ay pinagsisipa nito ang gulong ng sasakyan at hinampas-hampas ito ng binata habang umiiyak.
"Tama na Louie! Si Lander na talagang nahihirapan din sa nakikita. Niyakap ito ng binata.

Si Lester ay ganun din, nasasaktan din ito sa nangyayari para sa kanyang kuya Louie.
"bakit napaka unfair ng panahon kuya? Ako ang sinaktan! Pero bakit ako ang lumalabas na may kasalanan? At ang pinakamasakit pa, sa mismong anak ko na hindi ko naman alam." sabay ang hagulgol nito na labis ding nagsisisi.

"walang may kasalanan Louie, paraan lang ito ng diyos, upang ipakita sayo na hindi lahat ng taong nagkasala ay nasa iyong mga kamay ang parusa." ani Lander.

"Hayaan mo ang nasa itaas ang maniningil sa mga taong may kasalanan. At alam kong,, pinagsisihan na rin ni Miss Dela Fuente ang ginawa niya sa'yo."

Napatiim si L.A" huwag mong banggitin ang pangalan niya sa harapan ko kuya, kinsusuklaman ko siya." na ang ugat sa panga ay para ng lalabas.
"Kuya Louie, sa tingin ko mabait naman si Miss Dela Fuente" sumabad si Lester sa usapan.

"Shut up Lester! Hindi mo pa kilala ang ugali ng babaing iyon." galit na galit talaga si Louie kay Cookie.
Humiwalay ito sa kuya Lander niya at sumakay sa kotse.

"where are you going L.A? Tanong ni Lander.

"Hahanapin ko ang anak ko" pinasibad ang sariling sasakyan. Hahanapin niya kahit saang sulok ng mundo ang anak, matagpuan lamang ito.

WALA paring tigil si Collin sa kakaiyak. Pati ang mag asawa ay awang-awa na sila sa dalaga. Hanggang sa pinilit nila itong magpahinga.
"Sa kwarto ako ni Lucho matutulog Sundee, Fhatty." wika ni Cookie sa dalawa, pinahid ang luhang umagos dito. "I miss him! His tantrums, the way he's getting angry to me. All of him, mis na mis ko na." humagulgol na naman ang dalaga.

Ang namis niya kay Lucho ay kung paano ito magalit sa kanya. At kung sumagot na parang baliwala lang dito, ngunit mahal na mahal siya ng anak.

"We miss him too! Anang dalawa.
Sa pag aakalang tulog na ang dalaga ay lumabas na sila. Upang makapagpahinga naman ang mga ito kahit na ilang oras lamang.

I'M GONNA GET YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon