Eh kasi naman .. :3

3.8K 31 7
                                    

Lahat naman tayo may crush.

Childhood crush, elementary crush, high school crush, etc.

Kahit nga sa daan, di ba?

May makita ka lang na gwapo .. Ni hindi mo pa nga nakikita dati, basta gwapo, crush na agad!

Haha :))

Meron ding mga LIFE LONG Crush.

Yung as in, bago ka palang pinanganak, eh crush mo na ata.

...

Sa lahat ng crush na yan, hindi lahat kaya natin ipagtapat.

May mga taong sadyang makapal lang ang mukha at confident na kayang kaya ipagtapat.

*Hep! Not that I'm saying na panget at masamang magkaron ng makapal na mukha ha! May times na ganyan din ako! Kaya nga may boyfriend ako eh! Dahil sinabi kong crush ko siya. Haha :))

May mga tao namang TH, tamang hinala. Yun ung mga taong nafifeel nila na baka may gusto din sa kanila si crush, kaya di na nila sinasabi. Yung parang, natignan lang, eh .. feeling nila crush na sila.

May ganyang moment din ako. Haha :))

Kung merong makakapal ang face, meron ding mga taong sobrang mahiyain. Yung ultimo, nagtapat na si crush sa kanila na may gusto din si crush sa kanila, eh hindi parin sinasabi. Gets niyo? Haha. Pero di ba? May ganun talaga.

Ano pa ba? Ayun! May mga taong sadyang emo na feeling nilang wala silang pag asa kahit ipagtapat pa nila. Yung mga taong feeling nilang sila na ang pinaka panget na tao sa mundo. Baba ng self esteem mo te? Haha. Pero wag kayo. May ganyan talaga. Ang sad man isipin, pero yeah .. Promise may mga ganyan. May kilala nga ako eh. Pero yae na siya. Laki problema niya eh.

Anyway, ano mang klase ng tao ka, may crush ka padin. Di mo man aminin, alam kong may crush ka! Dedeny pa eh.

Sabi nga ng boyfriend ko,

"Kahit nga may boyfriend o girlfriend ka na, pwedeng may iba ka pading crush. Hindi ibigsabihin na mahal mo din siya na parang mahal mo ang boy o girlfriend mo, pero may crush ka padin."

Truelaloo di ba?

Pero ako, isa lang crush ko eh. Haha.

Ung boyfiee ko lang ♥.♥

Pero etong one shot na to, ginawa ko with the POV na may iba akong crush at kung ano ang gusto kong sabihin sa kanya, with the purpose na sana makarelate kayo. ^___^

Enjoy (:

A Letter to My Crush [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon