Dear Crush .. ♥

2.1K 28 22
                                    

Ano ba naman yan.

Nakita ko na naman si Crush kanina sa school.

Buti pa yung iba, ang lakas ng loob ..

Eh ako? Wala .. Weak. Noob. Super weak. Super noob.

Kaya kong lakasan ang loob ko, pero malamang pag magkaharap na kami, hindi ko na kakayaning magsalita.

Naman oh!! >______<

Alam ko na!

Susulatan ko na lang siya!

Ung parang sa mga korean drama, yung .. susulatan tas bibigay sa crush?

Parang sa "Playful Kiss" .. ♥

Kaso dapat walang maling spelling o grammar.

Baka grade-an din ni Crush ung love letter ko parang si Baek Sung Jo. >3<

Asan na ba ang papel at bolpen? Hmmm ..

Ayun! Game :D

**Background music: We Could Happen - AJ Rafael. Youtube vid on the multimedia box -------->

...

Dear Crush .. ♥

          Hello! Ako nga pala si Princess.

For sure, hindi mo ako kilala. Baka nga hindi mo alam na nag eexist ako eh. Sinabi ko ung pangalan ko kasi baka isipin mo kanino to galing. Sana basahin mo all the way to the end ha?

Well, naisip ko lang na sulatan ka. Alam mo kasi, crush kita. Hindi kasi ako tulad ng ibang tao na may lakas na loob harapin ka at sabihin sayu na "Hey! I like you. Crush kita." May pagka-madaldal naman ako pero alam mo yung feeling na kapag nasa harap ka na ng crush mo, eh parang ikaw na ung pinaka-mahiyaing tao sa mundo? Ayun yung feeling kapag nagkakasalubong tayo o nagkikita.

I'll tell you more about me. Para hindi ka naman nag iisip kung sino ako.

School mates tayo. Alam kong nasa section 1 ka. Nasa section 2 ako. Parehas lang tayong third year. Kaka-lipat ko lang sa school natin. Transferee ako from a different high school. Naka-salamin ako at hindi ako matangkad. Medyo mahaba ang buhok ko at lagi akong may ribbon na clip sa buhok. Ayun (:

Well, unang kita ko palang sayo, na'cute-an na agad ako. Hindi man kita crush at first sight, cute ka pa din sa unang tingin! Pwede na yun di ba? Haha :)) Pero nalaman kong sikat ka pala sa school. Ikaw daw ang campus prince sabi ng mga kaklase kong babae. Hindi ako stalker ha! Hindi rin tsismosa! Naririnig ko lang. Hahaha :))

Naging crush kita dahil sa isang araw na kahit kelan hindi ko makakalimutan. Anung nangyari nung araw na yun? Tinulungan mo lang naman ako. For sure hindi mo na yun naaalala. Pero ako, hindi ko talaga yun makakalimutan.

Anung oras na kasi nun, kakatapos ko lang mag aral sa library at kakatapos mo lang ata magpractice ng basketball. Naglalakad ako sa may hallway nung may nakasalubong ako tas tinisod ako. Ayun, tumumba ako sa lapag. Nakakahiya nga eh. Kasi may mga taong nakakita saken. Pero ayun ka, lumapit saken, at tinulungan ako. May matching ngiti pa :)

Simula nun, naging isa na ako sa mga may crush sayo. Alam kong madaming nagpapantasya sayo at madaming umaamin ng feelings nila sayo araw-araw. Baka nga ang dami mong nakukuhang love letter eh. Sana makita mo itong akin at mabasa mo. Pero ang baliw ko, sa may huling part ko na ng letter sinulat na sana makita mo. Haha :))

Anyway, gusto ko lang malaman mo na crush kita. Crush na crush. Ayokong sabihin na obsessed ako sayo kasi masyadong creepy yun! Di ba? Sana maging friends tayo at sana malaman mong may Princess pala sa section 2 na nag eexist.

Hindi ko na alam ano pa sasabihin. Kung kaya ko lang sabihin lahat to nang harap-harapan, eh ginawa ko na! Pero hindi, di ko kaya. Haha :)) Weak na kung weak ^______^

Ang haba na nito. Sobra. Baka isipin mong nobela na to. Kaya tatapusin ko na.

Well, babye na po. ^___^

Love,

Princess.

P.S. I like you ♥

...

Tinapos ko na ung sulat ko at nilagay na sa isang envelope.

Bago ko lagyan ng sticker sa harapan para i-seal, napangiti ako at napasabi sa sarili:

"Goodluck samen ni Crush." 

A Letter to My Crush [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon