Chase' Point of View
Nasa kitchen ako nang bigla nalang nagblack out at maya maya ay may narinig ako na isang putok ng baril. Binuksan ko yung flashlight ng phone ko at naglakad ng unti papaalis sa kusina. "What the! (Bang. Bang.) oh shoot. What's happening??" Napayuko ako tapos bigla kong naisip sila Ivah, okay lang kaya sila. I need to check on them.
"Ahhhhhhhh!!!!" Si manang Lucy yun ah ano kayang nagyari.
"Manang Lucy!!!" Palapit siyang tumakbo papunta sakin.
"Sir Chase." Nanginginig siya at umiiyak nung makita ko siya.
"Okay ka lang ba manang?" Baka natamaan siya nung mga pumutok kanina kaya tinanung ko muna siya kung okay lang siya.
"Sir. May tao po dun sa salas." Huh? Sinong tao? Si Gray lang nandun ah.
"Natural manang, si Gray nandun diba."
"Hindi sir inakyat niya po sa kwarto yung soup at gamot ni Ma'am Ivah." Ano???!!!! Then sino yung nasa salas.
Bigla namang kumidlat at umulan ng malakas. Talaga naman oh timing talaga e. Siguro takot na takot na yun sila Crizzy. Kelangan ko na talaga makapunta doon.
Tumakbo na ako agad papunta sa kwarto ni Ivah. Baka nakaakyat na dun yung kung sino mang pumasok sa bahay namin. Bigla ko namang nakasalubong si Manong Juan nagkagulatan pa kami dahil ako namin kung sino ang isat isa. "Kuya, puntahan mo si Manang Lucy sa kusina tapos hanapin niyo si Manang Susan magtago muna kayo sa may basement, okay?"
"Okay po sir."
Tumuloy na ako papunta sa kwarto ni Ivah nandoon sa pinakadulo ng hallway yung kwarto niya sa gitna yung akin at sa pinakauna naman yung kela mommy. Pagkadaan ko sa kwarto nila mommy nakabukas na yung pintuan. Kinakabahan ako may baril pa man din yung mokong na magnanakaw na yun. Pagkapasok ko nakakalat halos lahat ng gamit nila sa kung saan saan. Noong palabas na ako ay may nakita akong nakatayo sa labas ng pintuan kong bukas din. Dahan dahan ako lumapit, sinakal at tinakpan ko yung bibig nung lalaki. Hinila ko siya hanggang sa may hagdanan at doon bigla naman niyang inapakan yung paa ko."Aahhhh!!"
Biglang kumidlat ng malakas at nakita ako ang mukha nung lalaki.
Noong bigla niya na akong susuntukin napatigil siya at nagulat. Ako din nagulat at nagkatinginan kami. "Oh gahhdd, you scared the hell out of me."
"Sorry akala ko ikaw yung magnanakaw."
"Baliw. Hindi ako yung magnanakaw nakita ko ngang may pumasok sa kwarto na yun kaya ako nandun." Bigla naming narealize na nagdadaldalan kami habang may ibang tao sa kwarto ko. Kaya agad agad kaming tumakbo papasok sa kwarto ko.
Nung pumasok kami ay nagulat yung lalaking may takip ang mukha. Agad agad namang dinambahan ni Gray ung lalaki at habang nakikipagsabunuan siya ay inabot ko yung baril nung lalaki na nakalagay sa may lamesa. Siniko nung lalaki si Gray sa sikmura at napadapa siya sa sahig agaran din niyang sinipa yung kamay ko kaya nahagis ko na malayo yung baril na hawak ko.
"Hayop kang lalaki ka. Sira ulo ka ah. Sino ka ba!" Sabi ko habang nakikipag sakalan ako dun sa lalaki. Hindi kami magkakitaan kasi flash light lang ng phone kong ginamit kanina yung ilaw namin. Hindi siya nagsasalita at patuloy na pilit akong ginagapos. Shit, this man is strong. Nang biglang naisip ko.
"Gray may baseball bat ako dyan sa gilid ng kama ko."
"Wag ka mag-alala kanina ko pa to hawak humahanap lang ako ng tamang timing. At eto na yun." Pak!! Hinampas ni Gray sa likod ng malakas yung lalaki. Dahil doon napasandal siya sakin, tinulak ko naman siya at napadapa sa sahig. Unupuan ko siya at inilagay sa likod yung mga kamay niya.
BINABASA MO ANG
All we need is Me & You
RomanceIvah is a shy girl with no social life and without a care in the world, she wants her freedom and just a normal, simple life but an accident changed her life. She became CEO and now her normal life is ruined and now she has a mytery to solve involvi...