Memory #4

12 3 0
                                    

Napansin ng squad 'yong closeness namin ni bro. Nga pala, sis tawag niya sa akin. Ewan, di rin daw siya papatalo kaya ayan tuloy awkward na tawagan kinalabasan. Haha

May i-sha-share nga pala ako, si bro, may ka-MU siya. As in, oo, 'yong malapit na maging sila pero di pa daw pwede sabi ni bro.

At alam niyo ba na pinagalitan ko si bro? Well, ngayon alam niyo na. First, ayoko talaga sa mga taong dinadaan sa MU ang lahat. Bakit ba kasi nauso 'yang MU MU na 'yan? Nandidiri ako kakaisip na para nang mag-on ang dalawang tao pero kapag tinanong MU lang daw! Aba aba! Wala sa history ng ating mga lolo at lola na may MU MU! Abaaaa.

Second, I just hate it when a person can't offer commitment to someone they like. All or nothing dapat, hindi ba? It's either, magiging kayo or WALA TALAGA!

Lastly, feeling ko kawawa ang girl sa MU relationships eh.

Iyan 'yong mga reason kung bakit ko pinagalitan si bro! Ahaha

Kwentuhan lang kami ng kwentuhan non nang biglang sumulpot si Kim sa harapan namin. Siya 'yung hyper na classmate namin na may babaeng pangalan pero lalaking lalaki naman ang appearance! Sobrang blunt magsalita ng taong ito kaya hindi na ako nabigla sa sinabi niya.

Kim: Anong meron sa inyong dalawa?

Bro: bro and sis!

Ako: Oo nga!

Kim: diba may ka-MU ka, Kenth?

Kenth: oo, bakit? Masama na ba magkaroon ng kaibigang babae?

Ako: Tsssk.

Kim: Ahhh, hehe. Nililinaw ko lang.

Na realize ko nun, dapat maglagay ng distant between us. Nga naman, ayoko ring makasira ng relationship na may potential! Ahahah at ayoko rin sa kanya. May crush ako dun sa church no! Manhid pa yun pero ma-rerealize din niya ang presence ko. Asa naman ako!!!

Make-believe RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon