Fast forward.
2nd year na ko! Ayos naman ang lahat ng naging grades ko so nasa highest section pa rin ako. May maintaining grades kasi kami. Ang daming nangyari bago matapos ang taon.
Flashback.
Nagkaroon kami ng vacant sa isang subject dahil hindi nakapasok ang teacher namin. Kean and Rachelle are sending each other message through a piece of paper. Ako ang isa sa mga dakilang taga-abot ng papel.
Seriously guys? Nasa iisang classroom lang naman kayo bakit di pa kayo magusap? Hayyyyy. At dahil chismosa ang lola niyo, binabasa ko muna bago makarating sa kanila.
"Mahal mo ba talaga ko?" –Rachelle
"Hindi ko alam." –Kean
Anong problema ni Kean? I knew it! Hindi talaga deserve ni Rachelle ang freak na lalaking 'to. Mga gwapong manloloko! Tss! Tumingin ako sa mukha ni Kean to check if he's really serious on that matter. And sa tingin ko, wala talaga siyang nararamdaman para kay Rachelle. Ako yung nasasaktan para sa kanya.
"Hindi mo alam Kean? Mabuti pang maghiwalay na lang tayo! Para saan pa ba 'tong relasyon na 'to kung hindi mo naman pala ako kayang mahalin? Ang sakit sakit na!" – Rachelle
Ganun pa din ang reaksyon ni Kean. It's more of , he doesn't care if he lose Rachelle. Ni hindi niya nagawang lumapit dito at pigilan ang paghihiwalay nila.
Kaya ayokong magmahal.
Lalo na sa isang katulad niya. Manhid!
End of flashback.
Oh diba? Napakawalang puso ni Kean! Kaya ayoko sa kanya! Nananakit siya ng walang dahilan. Pero bago pa ko mastress dahil naalala ko na naman ang kagaguhang ginawa ni Kean,nagfocus ako sa bago naming classroom. Actually, iisang building lang naman ang magiging room naming hanggang 4th year, kasi nga highest section, block section din kami, nababawasan pero never madadagdagan. Napakarefreshing ng ambiance ng room ngayon lalo na at puro bulaklak ang murals ng wall nito with green paint so nakakagoodvibes talaga.
" Goodmorning class! I am your adviser and also your biology teacher, feel free to approach me with regards to your problems kapag hindi natin klase," maligayang bati ng adviser namin na sobrang jolly sa amin. Mukhang mabait siya , at masamang magalit.
" By the way, we'll form groups that will also be your permanent group throughout the year. Any 5 persons who wants to volunteer as leaders? Pilian 'to." She added.
Mukhang hindi maganda pakiramdam ko sa mga mangyayari.
"I choose Jackie Rain Gallardo," narinig kong sambit ni Christian Nefido. He is not a straight guy,but the way he treat us, he's not annoying. Plus the fact that he really is smart.Alam niya kung paano gumalaw ang isang edukado.
Pinili ko naman si Martha Goise Nasis, she is one of my closest friend here aside from Carla. Matalino rin siya and she loves playing online games at nagkakasundo kami dito. The way he looks at Kean, nararamdaman kong ---
"Kean Maiver Escalante," Urgh. Facepalm. Sabi ko na nga ba.
Kaibigan ba talaga kita,Martha? Gahhhhd! Ayoko sa kanya eh! Bakit mo siya pinili? Nakakairita siyang kausap,kasama,as in lahat nang gagawin niya ang sakit sa mata.
Inayos ng adviser naming an gaming seating arrangement and I am seating in between, our leader, Jane Devone and Christian Nefido. Parehong brainy ang dalawang katabi ko,nakakaloka. Nasa likod ko naman magkatabi si Kean at Martha. Buti naman.
YOU ARE READING
Badass Love
RomanceWhen it comes to love,there are few things we have to consider. Happiness together with pain,heartaches,problems and many casual things are normally we have to pass throughout our life. Syempre lumalaki tayo at natututo , kasabay nito ang pagdating...