FQ ♥ {Fan Fiction} ♣ 3

222 12 0
                                    

Third Person's POV

Lunes na kaya papasok na ulit sila Chase. Si Ethan, hindi pa rin alam kung ano ang kanyang gagawin tungkol sa kanyang panliligaw. Hindi nga kasi siya marunong. First timer, beginner, or whatever, gusto niyang mapasagot si Jalene. Yun nga lang, sa halos araw-araw na magkasama sila, parang napakakonti pa rin nga alam niya tungkol dito. Wala naman kasi silang ginawa kundi mag-away at magbangayan.

Naalala ni Ethan yung vintage jacket na pinag-agawa nila Jalene sa mall. Nasa kanya pa rin yung jacket. Mahalaga yun sa kanya. Kung hindi kasi dahil doon, hindi sila MAS magkakalapit ni Jalene.

Sa totoo lang, that's a cheesy thing for him. Pero wala eh, nahulog siya. To hell with cheesiness, itatago niya yung vintage jacket na yun.

Dahil hindi pa niya alam kung ano ang kanyang gagawin, at wala pa siyang alam tungkol kay Jalene, gusto niyang makilala pa ito.

Sa tuwing makakaisip siya ng way para ligawan ito, nililista niya yun. Itanong niyo na lang kay Ethan kung bakit. Hindi ko din alam.

Jalene's POV

Hindi kami pumasok nila Chesie ngayon. Nakakatamad kasi eh. Tsaka wala naman na kaming gagawin sa PC kaya natambay kami ngayon sa HQ.

Nasa tailoring room ako. Oo meron kaming ganito. Syempre ako ang nagawa ng damit namin eh. Sila Ashie, Veron at Claire, ayun, nagmemake over ang tatlo. Si Chesie, nasa kwarto niya. May dalang yogurt yun kanina eh. Andami pa. Nanghingi ako pero isa lang ang binigay. Eh dati hati kami pag nabili siya ng yogurt eh. :3 At si Anica? Katext na naman yung kunshuu niya. Iniwan kong katext niya eh, baka nagtatawagan na yung dalawang yun. Hindi mapaghiwalay eh.

Marami pa naman kaming damit kaya pilit kong inaalala yung vintage jacket na nasira namin ni Ethan. Ang ganda kasi talaga nung jacket na yun kaya nakipag-tug of war ako kay Ethan kahit wala akong pera.

At yung jacket na yun yung gagawin ko. Hihihi! Isa lang yung gagawin kong ganun. Syempre para unique! Sira na yung jacket na yun eh. And heaven knows where it is right now.

Nagdrawing muna ako ng outline. Ang inaalala ko eh yung mga details. Haay. Sino bang may photographic memory jan at nakita na yung jacket na yun? Pakidetalye naman sakin.

Dahil nga sobrang pinilit ko yung sarili ko na alalahanin yung jacket na yun. Ang naaalala ko eh yung mukha ni Ethan habang hinihila yung jacket. HAHAHAHAHA! Epic kasi eh.

At yun nga, natapos ko na yung design ng jacket. Nilagyan ko yun ng malaking dragon sa likod. Dun kasi yung part na napunit dahil hinila namin.

Then, tenen! Here comes my vintage jacket! Mas maganda pa yung gawa ko! MWAHAHAHA!! Sure ako na mahal 'to pag binenta ko pero.............

Hindi ko 'to ibibigay sa iba! AKIN LANG 'TO!! PUWAHAHAHAHAHAHAHAHA!!

Ethan's POV

Pagkauwi namin sa dorm, umalis agad ako. Dala-dala ko din yung vintage jacket. Ipapaayos ko yun. Papalagyan ko na lang ng patch para hindi masyadong masira yung design.

Maya-maya ay nagring yung phone ko. Oww~ Si Jalene yung natawag. Sigurado ako. Bakit? Iba yung ringtone ko sa kanya eh. Yung "Hello" na kanta ni G-Dragon featuring Dara. Maganda kasi yung kanta pati yung meaning at halatang couple yung nakanta. Pero sabi nila hindi daw. Tsk! (Appler ako eh! Wahahahahaha!!)

"Yeoboseyo?"-sagot ko.

"WAG KA NGANG MAGKOREAN JAN! HINDI BAGAY!!"-sigaw niya. Bigla kong nila yung phone ko sa tenga ko. Talaga 'tong babaeng 'to!

"Sasabihin lang na hindi niya maintindihan, manlalait pa. Oh bakit?"-tanong ko

"Chonun hangungmal chalmotaeyo, wonsung-i! "-sagot niya. Naman! Pati sa ibang lenggwahe, unggoy pa din ang tawag. Hindi pinaligtas ah. (My Korean is bad, monkey)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FQ ♥ {Fan Fiction}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon