Escape From Him

21K 497 15
                                    

Hello guys writing chapter 17 while watching Avengers on Star Movies but honestly I'm more a DC Comic fan specially Superman sana magkaroon naman ng Justice League.

Gusto ko na din tapusin to since gusto ko nang masimulan ang The First Time Ever I Saw Your Face.

Picture of Marvin Santillan on the right========>>>>>

Song is Escape by Enrique Iglesias

=============================================================================== 

CHAPTER 17

Marvin's POV

I'm lost for words  while looking at the bastard that abducted me, gusto kong batukan ang sarili ko sa pagkahulog ko sa bitag niya.

"Don't bother this place is a dead spot kahit saan kang magpunta sa lugar na ito ay wala kang makukuhang signal, and it will be just you and me." narinig kong sinabi nito kahit ganoon ay kailangan ko pa din tignan  kung nagsasabi ba ito nang totoo.

Kung nakakamatay lang talaga ang tingin ay kanina pa bumulagta ang hinayupak na animal na ito sa harap ko, agad kong chinecked ang phone ko at hindi ko napigilang hindi mapamura nang makitang wala akong bar kahit isa.

Dali dali akong lumapit sa kanya habang amuse na nakatingin ito sa akin na para bang natutuwa ito sa paglalaro sa akin.

"Hey puwede naman mamaya nating gawin yan." sinabi nito na hindi man lang ako pinigilan akala siguro kung anong kinky ang gagawin ko dito nang pinasok ko ang kamay ko sa bulsa nang pantalon niya, isang nakakalokong ngiti ang lumabas sa akin nang makuha ko na ang cellphone nito.

"Damnit!" I muttered nang makita kong wala ding signal ang phone nito, malakas kong binato ang Samsung phone nito sa gilid nang bahay at pira piraso itong bumagsak, wala akong pakialam kung latest model nang Samsung ang gamit nito at nasira ko.

Wala naman itong sinabi at nagpatuloy lang sa pagtingin sa akin na para bang isa akong uri nang entertainment para dito, at ni hindi man lang nito sinulyapan ang cellphone na nasira.

"Listen here Xavier, ihatid mo na ako sa resort o kahit sa main road man lang para makabalik na ako sa Manila." pakiusap ko dito trying to compose myself dahil alam ko naman walang patutunguhan kung papakita ko dito ang galit ko dito.

"Ayoko nga." nakangisi nitong sagot sa akin na nagpawala sa composure na pilit kong binubuo.

"Listen here you bastard, take me out of this forsaken place or else!" pagbabanta ko dito with an empty threat at mukhang alam din nito iyon.

"Or else what Marvin?" tanong nito sa naghahamong tono.

"Grrr.... you are so impossible!" hindi ko maiwasang hindi pumadyak kapag naiinis na ako at nang pakiramdam ko ay wala nang patutunguhan ang pag-uusap namin ay nagtakangka akong maglakad pabalik sa dinaanan namin ngunit agad ding napatigil nang marinig ang sinasabi nito.

"Kung ako sayo ay hindi ko gagawin na mag-isang pumasok sa loob nang gubat, madaming mga ahas ang naninirahan sa gubat na iyan at isang maling liko mo lang ay siguradong maliligaw ka agad." paliwanag nito sa nakataas na balikat.

Isang mahabang buntung hininga ang pinakawalan ko bago muling nagsalita. "Don't you think na hindi sila magtataka kung pareho tayong hindi pumasok?" I asked trying to sound convincing.

"No worries since before this company outing I already have your indefinite leave processed at huwag kang mag-alala may bayad ang leave na iyon." ang nakakaloko pa din nitong sagot.

"Well paano na naman ang pamilya ko, siguradong mag-aalala sila lalo na ang Nanay ko kapag hindi ako nakabalik." pinilit ko talagang palungkutin ang boses ko hoping na maniniwala ito, ngunit agad din iyong nawala nang makita ko ang wicked na ngiti sa mga labi nito.

I Lost my Virginity to a Stranger (BoyxBoy) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon