Anong Nangyari sa ating Dalawa Part 1

57 3 1
                                    

♂♥♂

Nakilala ko si Markel sa isang Clan na aking sinalihan. At syempre hindi naman mawawala sa isang Clan ang mga Meetings.  So ayun, nakaroon nga kami ng isang meeting. Nung una, nag dadalawang isip pa ko kung aattend ako sa kadahilanang super hectic ang aking schedule. At saka mukhang hindi naman ako mag eenjoy.

Pero ang ending, umattend na din ako sa meeting. Sinundo ako ng isa sa mga member papunta sa Meeting place. At doon ko nga unang nakita si Markel. Siya ay maputi, tamang height, slim body, at higit sa lahat hindi naman maitatanggi na may hitsura siya.

Para sakin napaka misteryosong tao ni Markel. Ang pormal niyang tingnan sa kanyang suot sa kadahilanang galing daw siya sa training. Ang tahimik niyang tao na tila nag oobserba sa mga tao sa paligid niya. Madalas akong tumitingin ng panakaw sa kanya.

Nung dumating na ang oras na nag pakilala kami isa isa, inintay ko talaga ang pagkakataon na siya naman ang magpapakilala. Base sa kanyang pagpapakilala, nalaman ko na may masaklap na nangyari sa kanyang buhay pag ibig.

Pagkatapos ng meeting, kumain kaming lahat sa isang karinderya, sinadya kong maupo malapit sa kanya, ngunit hindi parin kami nagkatabi. Kaya kumain nalang ako ng maayos kasabay ang iba kong mga ka clan.

Susundan...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Anong Nangyari sa ating Dalawa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon