Detective Conan / Cased Closed: It is me... Kudo-kun...

1.7K 26 17
                                    

Detective Conan / Case Closed : It is me… Kudo-kun…

 

RATED G / GENERAL... ANG BAIT MO TALAGA WATTY! PG-13 KA DIYAN! :D

Author’s Note: Hello po! Eto pong One Shot na ito ay inspired sa kanta ni Mai Kuraki na ‘Koi ni Koishite’. Gusto ko rin po itong i-dedicate ang story kong ito kay ‘neko_claire’ dahil siya po talaga ang pinaghugutan ko ng One Shot na ito… Meron din kasi siyang story inspired with the same song… Click lang po tayo sa 'external link' para maiderekta sa sinasabi kong kwento niya :) Basahin niyo pagkatapos niyong basahin ang story ko… Ehehe… :)

 

Ang story ko pong ito ay naisulat ko ngayong nawala ang internet namin sa bahay. Unang naisulat sa notebook pero hindi ko natapos. Sa MS Word ko na tuluyang natapos ang One Shot na ito… Ngayon, nasa-Computer Shop ako para ipakita na ang nabuo kong ewan sa inyo… :D

 

Mahaba ang One Shot na ito… Maiintindihan ko kung tatamarin kang basahin? >__<

 

 

Detective Conan and Koi ni Koishite isn’t mine… (Koi ni Koishite video sa may Multimedia…)

 

 

Sana magustuhan niyo :)))

 

 

--

Isang normal na araw sa Teitan Elementary School at sinamahan ng iba pang ‘Detective Boys’ si Conan sa Locker Room. Nang mga oras na iyon ay maaga pa talaga at kapapasok pa lang nila sa school.

“Bakit pa kasi kailangan niyong sumama?”, naasar na tanong ni Conan sa kanila. “May kukuhain lang naman akong libro…”

Tumingin siya kay Haibara.

“… At pati ba naman ikaw?”

“Isinama lang nila ako.”, sagot ni Haibara. “Huwag mong isiping ginusto ko…”

Namuo sa muka ni Conan ang sikat niyang ekspresyon. (A/N: Alam niyo na iyon… ^-^)

“Baka may iba ka na naman kasing gustong gawin eh.”, sabi ni Genta.

“At baka mamaya may iniimbestigahan ka na naman ng hindi namin alam.”, dugtong naman ni Mitsuhiko.

“Oo nga Conan…”, sabi naman ni Ayumi.

Nang dala pa rin ang sikat niyang ekspresyon, hindi na lang siya sumagot sa mga narinig. Binuksan na lang niya ang kanyang locker.

“Huh?”, bigla niyang sabi. Medyo nagulat siya sa nakita.

Napapikit muna siya ng dalawang beses bago kinuha ang nakita niya sa kanyang locker.

Isa iyong envelope na kulay pink at may cute na disenyo.

“From… Your Secret Admirer?”, mahina niyang sabi.

“Oy Conan, ano yan?”, tanong ni Genta ng lapitan siya nito at agawin ang envelope kay Conan.

“Oy Genta!”, sigaw naman ni Conan sabay hatak pabalik ng envelope.

“Ano ba ‘yan Conan?”, tanong ni Mitsuhiko.

Detective Conan / Cased Closed: It is me... Kudo-kun...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon