Noong una tayong nagkita,
Agad kong napansin ang maganda mong mga mata.
Ilang araw pa ang lumipas,
Pag-uusap natin ay napapadalas.
Hindi ko mapigilang matuwa,
At halos hindi na makapagsalita.
Ramdam kong ang mga pinapakita mo sa akin ay totoo.
Sana magkaibigan pa rin tayo hanggang dulo.
Hanggang sa isang araw,
Palagi na kitang tinatanaw.
Binibigyang-pansin ang lahat ng kilos mo.
Iyong totoo, nagkakagusto na ba ako sa'yo?
Malapit ng matapos ang taon,
Mabibigyan pa kaya ako ng pagkakataon?
Upang sabihin sa iyo ang totoo,
Pero sana huwag muna ngayon 'pagkat ako'y gulong-gulo.
Laman ng puso ko'y 'di maintindihan,
Kung ano ba talaga ang nararamdaman.
Pero hangga't maaga pa, ititigil ko na ito.
Hindi naman kasi ako sigurado kung ako'y iyong masasalo.
-END-
BINABASA MO ANG
Tuliro
PoetryIsang simpleng tula para sa lalaking palaging laman ng utak ko, ang nagiging dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso ko, at higit sa lahat, ang kauna-unahang nagparamdam sa akin ng ganito.