Ang tagal kong di nakapag update sayo, dayari. -_- Eh paano kasi, ang dami kong ginawa. At walang internet. Tapos nalaman-laman kong di pala ako pasado dun sa Page na in-applyan ko. HA! MAGSISISI SILA! Kegaling ko pa naman maghandle ng kung anu-ano lalo na't updated ako lagi sa mga Idol ko. Ang yabang ko naman. -_-
Madami akong iku-kwento sayo dayari, lalo na't matatagalan ako ngayon sa website na 'to kasi ako lang mag-isa dito sa bahay. Ay hindi, dumating nga pala yung papa ko kaya dalawa na kami. :) Di ako takot mag-isa no! Takot lang akong iwan. ^_^
Ganto kasi yan dayari, nung May 22, nakalimutan ko na kung ano yung ginawa ko nun tapos nung 23 ganun din. At nung 24, ayun naalala ko na. Ehem. Nung 23 ng gabi dun ako natulog sa bahay ng pinsan ko o bahay ng tita ko o kaya nung tito ko. So, kinabukasan nagising ako.. sinamahan ko yung pinsan ko kasi nag-transfer sya ng public school from private school eh yung school na yon eh school ko nung high school kaya nakabalik na naman ako sa nilayasan kong school. chos. Mahal ko yung school na yon. <3 Edi ayun nga, 7:30am nandun na kami kasama yung papa ng pinsan ko nag-antay kami ng 30mins kasi 8am pa daw ang simula ng orientation. Asar lang di ba? -.- Kaya ang ginawa naming magpinsan eh, nilibot namin yung school ko/namin. Ang cool nga eh, parang tour guide nya ko. Kahit kaming dalawa lang. Hohoho. So ayun natapos na, nakapag-enroll na siya. Basta ang nakakainis lang sa May 24 eh yung mala-NFA na pila kapag nag eenroll ka. Swear, 7:30am hanggang 1pm kami dun. KAAZAR! >< At nangitim pa ko! Tsh.
May 25, 2013. Hmm? Ah, ginising kami ng papa ko sa bahay ng pinsan ko, nung 24 ng gabi kasi sumunod yung kapatid ko kaya parehas kaming natulog sa bahay ng pinsan ko. Ayun nga, ginising kami ng 6am pupunta daw kasi kami ng 1st Birthday Party ng baby pamangkin namin. So gora naman kami kasi nga Party yun kahit na pangbata eh obvious na maraming pagkain kapag ganun. Kaya ayun, uwi kami sa bahay, ligo, bihis, tas gora na! Todo porma ako! Banaman, naka-kotse eh. Landi ko. -_- Naka tsinelas lang naman. -.-
Nung nakapunta na kami sa lugar na yon, lintek! Isang baldeng ka-boringan ang inabot naming magkakapatid! Tatlo kasi kami. -_- Well, ang May 25 ay, masarap... di masaya. May 24 was nakakaasar na nakakainis.
[GAME REQUEST! GAME REQUEST! Nakakayamot na ah?! Naka-ol kasi ako sa fb. -_- Ako nalang uli mag-isa dito. Hoho, umalis na si Papa. Worky time! lol]
May 26, hmm. Ano pa ba? Edi ang dami naming pagkain. MWHAHAHAHA! I l♥ve foods! I really do! Sinong bang may ayaw? Sige. mamatay ka sa gutom! -_- Edi ayun, yum yum yum! Hati kaming magpi-pinsan sa pagkain. Tinamad kasi silang magluto kaya sa amin sila naki-kain. XD Tapos, bumalik uli kami dun sa pinsan ko para... ewan. Mag pa-aircon? Baka.
May 27, nakalimutan ko na eeeeeeh. Pati nung 28, aj3j3j3. lol nung 29? Ah yun! Nagbakasyon si Mudra. Umuwi sa aming probinsya. ^_^ June 1? Naglaba ata kami? June 2, nag SM kami! Hohohohohoho. Nag Fun Run kaming magpipinsan sa loob ng SM eh. HAHAHAHAHAHAHA! Secret ko na kung bakit. bleh. :P
Tapos ngayong June 3, eto loner ako. Waeyo? Kasi pasukan na nila! Ako hindi pa! Uwaaaah! Need money! T____T Pambili ng album ni idol tska toot ni toot. :///// Di bale, makakaipon din ako. :)
Wala pa nga akong kagamit-gamit eh! Ni-ballpen wala! Kainggit tuloy sila. Hmp!
Dayari, ok na ba? Wala na kong iku-kwento ah? Lovelife ko? Di pa nagpapakita sakin eh. Yaan mo, magkakaroon din nyan. :) bye
5:46 PM