Dedicated sa iyo kasi ipinauubaya ko sa iyo for the meantime si Marco. Hahaha!
***
"Kailan kaya ako mapapansin ni Crush?" dreamy eyes na tanong ng kaibigan kong si Sheila sa akin. Sarap batukan ng babaeng ito. Hinila hila ako sa soccer field na ang init init para sulyapan ang kanyang crush na CAT officer. Medics nga pala kami, and kami ang magdedesisyon kung saan kami magfo-formation kasi ganun kabait ang aming Medic Officer.
"Ewan ko sa iyo, batch. Pumuwesto ka na nga lang. Babatukan kitang talaga pag napagalitan ako. Ayong mag-pumping noh. Ipa-squat thrusts na nila ako, wag lang pumping. Attention!" sabi ko sa kaibigan ko. Nakakatakot rin naman talagang mapagalitan noh. Ayoko ng punishment. Sakit yun sa katawan. At sakit sa pride. Ayokong mapahiya sa harap ng mga cadets and cadettes noh. Cadet kasi ang crush ko, at andito ako sa harap ng platoon nila. Isa rin nga pala ito sa rason kung bakit ang sarap batukan ni Sheila. Sa lahat ba naman ng platoons, dito niya pa naisipan magform sa platoon ni Marco.
Oh hi! Ang dami ko nang nasasabi sa inyo, pero di pa ako nagpapakilala. Ako nga pala si Chin. Hay nako. Ang init init talaga dito. Pwede namang dun kami sa covered court magform ni Sheila eh, pero lumalandi talaga ang babae. Di na talaga ako makikipag-buddy kay Sheila next week. Nadadamay ako sa kalandian niya eh. Yan tuloy, di na ako nakaka-concentrate kasi tinitingnan ko lang si Marco. And take note! Sinusundan ko siya ng tingin, and alam niyo ba na bawal yun? Dapat diretso lang ang tingin namin pero, wala! Ang pasaway lang namin.
"Pst. Batch." sabi ni Sheila sabay poke pa sa akin. Gosh! Grabe ha. Ipapahamak talaga ako ng babaeng ito eh. Di ko nga siya papansinin. May violations na ako on my own noh, ayoko nang idagdag sa listahan ko ang mali niya. Baka ipa-push-ups na nila ako. Di pa naman ako marunong nun! Wahuhu.
"Pst. Batch. Batch." Di talaga nagpapapigil ang babae kaya nilingon ko na.
"Ano?!" pagalit na bulong ko sa kanya. Ayoko pong mahuli kami!
"May airplane oh!" Sabay turo sa eroplano ng Philippine Airlines. Nakakainis na ha. Ang laki ata ng topak ng babaeng ito eh. Ano sa tingin niyo?
"Anong problema mo?! Hinila hila mo na nga ako dito, tapos kakalabitin mo ako dahil sa lecheng eroplano? Nakakita na ako ng eroplano! Nakasakay na rin ako niyan. Ano'ng tingin mo sa akin?! Ugh." at humarap na uli ako sa platoon. Pero, mula sa aking peripheral vision, nakikita ko na parang mangiyak-ngiyak na si Sheila. Bumuntung-hininga ako at hinarap siya.
"Huy Batch. Sorry na. Di ko sinasadya na mapagtaasan ka ng boses. Pero, honestly, nakakairita." pagpapaliwanag ko sa kanya. Di naman ako ganun ka-harsh na pabayaan nalang siyang umiyak noh. May puso pa rin ako, kahit di halata sa akin.
"Eh kasi Batch. Gusto ko lang sabihin sa iyo yung sinabi ng kaibigan ko. Bilangin mo daw mga nakikita mong airplanes, pag naka-one hundred ka, ang unang makikita mo, yun daw ang soulmate mo." Hay nako. Ang babaeng ito talaga, ang daming pinaniniwalaan.
"Ah. Okay. Attention! Papunta dito si Ma'am." Dinaanan niya lang kami. Woo! Buti nalang di niya kami nakita na nagkwentuhan. Mwahaha! Matagal-tagal pa ang CAT period. Hay nako. Boring. Wala namang nahihimatay eh. Lagi lang nanghihingi ng candies ang cadets. Ginawa ba naman kaming Free Candies Bar. Dapat kasi daw, kaming mga Medics laging may candies na dala dala, para sa mga cadets and cadettes na malapit nang mag-collapse. Hay nako. Yan tuloy, alam ng mga cadets na walking candy bags kami kaya hingi nang hingi. Psh. Okay lang sana kung si Marco ang humihingi. Di naman eh. Hay nako. Tumingala ako. "Lord, sana humingi ng candy si Marco sa akin." dasal ko kay Papa God. May dumaan na eroplano. "One."
BINABASA MO ANG
Hundred Planes
Short StoryWho's your soulmate? Count 100 planes. The first guy you'll see is the one for you.