The Story

150 8 0
                                    

"Miya ! Miya ! Pansinin mo naman ako!" Sigaw ng isang lalaking kanina pang sumusunod samin

"Sino ba talaga ang tarantadong lalaking yun ?! Sinabi ko naman sayong ako na ang haharap para tigilan ka na !" Sabi ng nag-iisa at pinakamamahal kong boyfriend na si Alvin.

"Pwede ba beb wag na ! mas lalo pa yang mangungulit eh" Sinasabi ko yun habang hinihila ko sya papalabas ng mall.

"Tapatin mo nga ako Miya ! May iba ka ba ?!" inis nyang tanong at iniharap nya ako sa kanya ...

################

Natahimik ako at naiiyak ...

... Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat ko.

"Ano ? Ba't di ka makasagot ?"

"Ako may iba ? eh ikaw nga ang palaging busy-busyhan sa iba eh. Ngayon lang ulit tayo nagkasama." maiyak-iyak kong sabi at binitiwan nya ako.

Nagsalita ako muli kasi natahimik kaming dalawa ...

"Ano ba ? Mag-aaway na lang ba tayo dito at sisisrain ang mahalagang araw na ito ?"

Parang nasira na talaga ang araw namin dahil lang sa lalaking yun !

Tapos umuulan pa sa labas ...

Saan na kami pupunta nito.

Hinawakan nya ang kamay ko at bumalik na sa loob ng mall.

################

Tahimik kaming naglalakad pabalik sa loob ng mall.

Hindi ko alam kung bakit na naman ako hinahabol ng lalaking yun ...

Sinabi ko na sa kanyang wag na nya akong sundan ng sundan dahil may boyfriend na ako.

Sya tong super kulit.

Napansin ata ni Alvin na parang ang lalim ng iniisip ko kaya umupo muna kami sa nadaanan naming bench.

"I'm sorry beb, nabigla lang ako. Hindi ko naman sinasadyang sigawan ka eh." habang hinihaplos ang magkabila kong pisngi.

"Ayos lang yun Beb. Pero bakit ka ba ganyan ? Hindi ka naman ganyan dati di ba ? Parati ka ng balisa kapag magkasama tayo."

Palagi kasi syang calm at nakangiti .

Ngumiti lang sya ng tipid at sinabing...

"Wala lang to, siguro namiss lang kita kaya medyo napaparanoid na ako. Sino ba kasi yung lalaking yun ?" ang lame ng sagot nya ...

Tch ! siguro may tinatago ito.

Yun ang aalamin ko.

################

Di na ako makatiis pa.

Hinarap ko sya at tiningnan ko sya sa mga mata nya ..

"Beb ! May tinatago ka ba sakin, bakit ibang iba ka ngayon ? Ang lalim ng iniisip mo..."

Umiwas sya ng tingin sakin.

"Miya, wala akong tinatago sayo, di ba sinabi ko na sayo namiss lang kita ?! so don't bother !." parang di ako kontento sa sagot nya !

Kaya nataasan ko sya ng boses.

"BEB ! ANO BA ? UMAMIN KA NGA ! NG DAHIL BA LALAKING YUN ?! KAYA KA NAGKAKAGANYAN O MAY HINDI KA DIN INAAMIN SAKIN ?!" nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko ...

MY FORGOTTEN FIRSTLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon