Unang taon ko pa lamang noon, marami akong naririnig na mga kwento tungol sa di umanoy nagmumulto sa stock room ng eskwelahan namin. Marami na raw ang mga nangawala at mga hindi na muli pang nakitang mga estudyanteng pumasok doon.
Samo't sari ang aking mga nalaman tungkol sa kaluluwang hindi matahimik sa loob ng stock room. Nariyan na ang umano'y pagrape sa isang working student na si Mara, na natagpuang hubo't hubad at naliligo sa sariling dugo, isang araw na nakita na lamang ang kanyang malamig na bangkay sa stock room. May iilang nagsabi naman na dating bakanteng lote ang bahagi ng aming eskwelahan at doon may natagpuang batang babae na wala ng buhay dahil sa pagkakasakal sa kanyang leeg at puno ng putik ang kanyang bunganga.
Hanggang ngayon na nasa ikatlong baitang na ako sa aking kurso, hindi pa rin mamatay-matay ang nakakatakot na mga kwento tungkol kay Mara o sa batang na babae. "Jasmin, mauna na kami sayo ah." tumayo na si Chelsy at Michelle upang ayusin na ang kanilang mga gamit. "Hindi niyo ba ako hihintayin? Maaga pa naman ah." tinignan ko sila habang suot-suot na nila ang kanilang bag.
"Oras na kasi, e. Hinihintay na ako nina mama sa restau, may family dinner kase kami ngayon e." isplika ni Michelle. "Sige ah, Jas. Ingat ka na lang diyan. Wag kang mag-alala walang multo dito sa campus." ngumisi pa si Chelsy. Nakuha pa niya akong takutin na loka-loka. Kung sabagay, mangingibabaw talaga ang takot mo kapag naunahan ka ng nerbyos. Wala namang multo dito at hindi totoo ang mga multo.
Nagpaalam na silang dalawa sa akin at iniwan akong mag-isa sa office naming mga councils. Marami akong ginagawang mga reports dahil ako ang secretary. Alas otso na ng gabi ngunit hindi tapos ang mga piniprint-out kong mga reports and documents. Inaantok na ako pero hindi ako dapat makatulog, kailangan kong matapos ang lahat ng mga ito. "Hindi ka pa ba uuwi? Anong oras na, Jasmin!" mukhang galit na text ni mama. "Tatapusin ko na lang po ito, ma." mabilis na reply ko sa kanya.
Ang bagal magproseso ng printer na ito, may kalumaan na kasi eh. Iniwan ko muna ang aking ginagawa at lumabas ng office, naglakad ako sa hallway papuntang canteen, may vendo machine sa labas nito kaya makakabili ako ng kape. Nang makabili nako, naglakad ulit ako pabalik ng office. Sobrang tahimik ng paligid, kaya laking gulat ko nang parang may sumusunod sa aking likuran. Hindi ko ito pinapansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Habang hawak-hawak ko ang aking kape, may kung sino ang sumipol sa aking likuran at tila tinatawag ako. "Sino ka? Luhmabas ka riyan! Sino ka?!" lumingon ako at nilakasan ang loob upang makaputa sa kinaroroonan niya. Panandalian akong huminto sa aking paglalakad, pinagmasdan kong mabuti ang paligid at masusi kong pinakiramdaman ang bawat kaluskos na aking marinig. Nang mapansin kong wala namang sumusunod sa akin, ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Narating ko na ang office, pinihit ko ang pinto at umupo. Naubos ko na ang kape na aking iniinom at inayos na ang mga printed reports. Natapos na lahat ng aking mga kailangan na isusumite bukas. Kinuha ko na ang aking mga gamit at lumabas na ng pintuan. Muli akong naglakad sa hallway kung saan mayroon akong naramdamang hindi pangkaraniwan kanina. Madilim na ang hallway dahil nakapatay na ang mga ilaw ng mga kwarto, tanging liwanag ng cellphone ko ang gamit ko upang makita ng daanan.
"Pst..pst..pst..." bigla na naman akong napahinto ng maranig ko ang tunog na aking narinig kanina. Lumingon-lingon ako ngunit wala namang tao, tanging ako lamang ang tao sa building na ito. Paulit-ulit kong naririnig ang tunog na iyon. Biglang lumakas ang hangin at lumamig ang paligid. Sabay-sabay na nagtayuan at nagtaasan ang mga balahibo ko at parang may humahawak sa aking ulo.
Nagsimula ng mangibabaw ang takot sa aking katawan, walang dalawang salita kumaripas na ako ng pagtakbo. Hindi ko inintindi ang pagod na aking nararamdaman, takbo lang ako ng takbo hanggang makita ko ang isang kwarto na nakasindi ang ilaw. Binilisan ko pa ang aking pagtakbo upang marating ko ang kwarto. Dali-dali kong binuksan ang pintuan at pinasok ito. Kaagad kong isinara ito at sumandal sa likuran.
Hingal na hingal ako sa mga pangyayari. Nilibot ko ang aking mga mata sa loob ng kwarto, ang buong akala ko'y may mahihingan ako ng tulong pero ang kwartong ito ay pamilyar sa akin. Puno ng mga sirang gamit ang nakapaloob at nakaimbak dito. "Oh my God..." nanlaki ang mga mata ko at napahawak ako sa aking bibig. Ito ang... ito ang stock room na may kwentong kababalaghan. Nagmadali akong makapunta muli sa pintuan upang makatakas ngunit hindi ko na ito mabuksan. "Tulong! Tulong! Tulungan niyo ako!" pagsisigaw ko habang kinakabog ko ang pinto at sinusubukang mabuksan ang pintuan. Nanginginig na ako sa takot, nabitawan ko na rin ang mga gamit na dala-dala ko.
Sa aking palagay wala namang nakakarinig sa akin. Takot na takot na ako. Pumasok na sa loob ng stock room ang malamig na hangin na kanina ko pa naramdaman. Nagsimula na ring kumurap-kurap ang kanina'y maliwanag na ilaw. At gumalaw na lahat ng mga bagay-bagay sa loob. "Mara, ikaw ba yan?" nanginginig na ang boses k. "Wag ka namang manako, oh. Pakawalan mo na ako." sa sobrang takot ko nagpausog-usog ako ng pwesto para maiwasan siya. "Please lang palabasin mo na ako rito." nagsimula ng pumatak ang mga luha ko.
Kasabay ng ingay na nalilikha ng mga bagay at gamit, tila sumagot siya, "Tulungan mo ako." kakaiba ang boses niya. Nagpakita na siya sa akin, duguan ang kanyang mukha at ang kanyang suot na school uniform. "Tulungan mo ako. Tulungan mo ako, Jasmin." umiiyak na sabi niya. "Mara, ikaw ba yan?" naalala ko na siya. Siya si Mara Herras na hinahangaan sa loob unibersidad ng lahat ng mga kalalakihan. Maganda siya at kinaiinggitan ng nakakarami, ngunit naganap ang hindi kanis-nais na pangyayari sa kanya nang gahasahin siya at patayin ng walang kalaban-laban ng dati niyang nobyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/53530030-288-k4b7f94.jpg)
BINABASA MO ANG
Stock Room
HorrorIto'y isang kwento ng kababalaghan name nangyari noon sa loob ng stock room ng unibersidad. Tunghayan nating lahat kung paano nangyari ang hindi inaasahapn sa biktimang ating tampok sa ating kwento.