kulitan, asaran, habulan yan ang lagi naming ginagawa pag magkasama kami ni excel. Si yves excel del rosario siya ang bestfriend ko. laging nasa tabi niya ko pag may problema siya at lalong lalo na sa oras ng saya. madaming ng nagsasabi na bagay daw kami pero di namin pinapansin yun, kase mas kuntento kami kung anong meron kami ngayon at yun yung friendship namin. Sa lahat ng kakilala niya ako lang ang tumatawag sa kanya ng excel yung iba yves ang tawag sa kanya kaya kilala niya agad ako pag tinawag ko siya. ako nga pala si allisonne murielle rivera ang bestfriend ni excel.
ako : exxxxcccceeeeel!!!!!!!
lumingon agad ang bestfriend ko sabay ngumiti ng malaki
ako : (tinapik si excel sa ulo) ikaw ha kanina pa kita hinahabol ambilis bilis mo maglakad!!!
excel : (hawak ang ulo) bakit ba kase di mo ko tinext para nahintay kita
ako : kailangan pa bang itext ka eh araw-araw naman tayong sabay sa pag-uwi di ba!!!
excel : eh bakit ba kase antagal mo lumabas ha??
ako : cleaner kasi ako ngayon sorry naman
excel : dapat kase tumakas ka na lang
ako : di ako pede tumakas noh, eh di magbabayad nanaman ako nyan!!!
excel : eh di ako na lang ang magbabayad!!!
ako : kaya tayo napagbibintangan na mag syota eh!!! (sabay kurot sa tagiliran ni excel)
excel : aray ah!!! grabe ka kung makakurot!!!
ako : kaw kase eh lagi na lang pag nagkulang ako sa pambayad o kaya pag wala na ko load lagi mo ko binibigyan. di ko na nga alam kung pano kita babayaran sa mga utang ko syo
excel : (ginulo ang buhok ko) kaw naman ano pat naging bestfriend mo ko!!! saka kung yung inaalala mo yung mga utang mo di naman kita sinisingil ah bakit ba inaalala mo pa yun!!!!
ako : siyempre ayoko dumating tayo sa point na mag-away tayo dahil sa pera
excel : (umakbay sa akin) bakit nag-away na ba tayo??
ako : di pa naman
excel : eh yun naman pala eh tara uwi na tayo!!!
magkalapit lang ang bahay namin. 2 bahay lang ang pagitan ng bahay namin. nauna lang ang bahay namin tapos kay excel naman
excel : oh yan na bahay nyo punta ko maya ha?!
ako : sige intay kita ano gusto mong miryenda?!
excel : kung anong gusto mo yun na lang din ang sa akin.
ako : ok sige maya na lang
lagi pumupunta sa bahay si excel naglalaro kami ng ps2 at ang game na paborito namin yung one piece lagi kaming naglalaban ang paborito niyang character si trace at ako naman si princess vivi. lagi ko naman talo yung si trace kahit madaming skills na maganda yung character niya.
ako : talo ka nanaman excel!!
excel : pinagbibigyan lang kita!
ako : talaga wow ha!!
Ng mag 3rd year highschool na kami napansin ko na medjo lumalayo na si excel sa akin di na siya masyadong sumasabay sa pag-uwi. sa text na lang kami nag-uusap minsang nakasabay ko siya sa pag-uwi
ako : ui kaw ha (tinapik ko siya sa braso) di ka na sumasabay sa akin ha!! nakakapagtampo na?!
excel : kase... (nag-aalangan pa sa sasabihin) kase.... may.... nililigawan ako

BINABASA MO ANG
Always Your Bestfriend, Will I Be Your Girlfriend?
Romancesi alliesonne at excel matagal ng mag bestfriend paano kung ma-inlove ang isa sa kanila?? ipapaalam ba niya o ibubulong na lang sa hangin?? maging sila kaya?? o pipiliin na lang nila na maging mag best friend na lang talaga. Will alliesonne be a be...