Way Back Into Love - Prologue
L-O-V-E, love, love, love, love, love, love, love.
Sa tagalog, pagmamahal o pag-ibig.
Sabi ng iba, "Love makes the world go round." Ibig sabihin, pag-ibig daw ang nagpapa-ikot sa mundo. Noong una, hindi ako naniniwala sa kasabihan na ito. Paano ba naman kasi mapapa-ikot ng pag-ibig ang mundo, diba? Parang ang gulo pero ganoon din naman ang love eh, magulo. Hindi talaga ako naniniwala dito maliban nalang noong dumating siya sa buhay ko. Ang lalaking minahal ko ng totoo, ang unang pag-ibig ko o first love ko kung tawagin. Ang saya ng mundo ko noon, sobra. 'Yong tipo na wala ng sisidlan 'yong sayang nararamdaman ko, kumbaga, nag-uumapaw na. Si Tom ang naging dahilan kung bakit ang mundo ko na masaya na noon ay mas naging masaya pa.
Pero sa pagmamahal, napagtanto ko din na, "Love is also the root of all heartaches and pain. It also stops the world of someone." Eto, totoong-totoo ito. Ang love pala hindi lang puro saya. Darating din doon sa punto na gusto mo ng bumitaw kasi ayaw mo ng madagdagan pa 'yong sakit na dinaramdam mo. Sobra, kung gaano kasaya magmahal, ganoon din kasakit, doble pa kung minsan. Hindi siya nawala sa buhay ko pero pinaalis ko siya. Ang mundo ko na dati ay masayang umiikot, ngayon ay napuno ng kalungkutan at sakit. Tila huminto sa pag-ikot ang mundo ko, parang nawalan ng pag-asa.
Kaya napag-isip-isip ko, "Pag-ibig ang isa sa pinakamasayang bagay sa mundo pero ito rin ang nagbibigay sa'tin ng pinakamatinding sakit." Ang love sakit lang kasi talaga 'yan sa ulo, kaya dapat hindi na pinagtutuunan ng pansin kasi mababaliw ka lang.
Pero aminin din natin na masarap magmahal. Pero sa love kasi hindi maiiwasan ang masaktan. Kahit pa sabihin mo na kasintapang mo si Superman, masasaktan at masasaktan ka pa rin. Talaga naman yatang kasama na 'yon eh, diba?
Ako si Hailey Samantha Salazar, labing-walong taong gulang, nag-aaral sa University of Saint Cecilia (USC), nagmahal at nasaktan noon. Isa lang akong ordinaryong estudyante ng USC. maliban nalang noong naging malapit ako kay Yhanz Emmanuel Saavedra -- ang guwapo, mayaman, mayabang at sikat na anak ng may-ari ng USC.
Napasok ako sa isang sitwasyon na ni minsan ay hindi pumasok sa kadulu-duluhan ng utak ko at 'yon ay ang magpanggap na girlfriend niya para pagselosin ang ex-girlfriend niya na hanggang ngayon ay mahal na mahal niya pa.
Ilang beses ng nagtatalo ang utak ko at puso ko at ilang beses ko na ring tinanong ang sarili ko kung tama ba ang ginagawa ko. Pero isa lang ang alam ko..
I, Hailey Samantha Salazar, made a deal with Mr. Yhanz Emmanuel Saavedra -- which is to help him find his way back into love.
- Prologue ends here. -
*******
Prologue Updated: Thursday || November 05, 2015
Next Update (Way 1/Chapter I): Tuesday / November 07, 2015
Ayah's oh-so-fabulous note:
Hey! Hello there my co-wattpad readers and authors! This isn't my first time to write a story but this is the first time that I had the courage to post it here. Hihi. :D I hope that you will like my story and you will continue to support me by reading the entire story. Xie-xie (thank you) my loves! God bless! Ciao (bye)!! ;))))))) xx ~
Love,
ohsofabulousayah (Ayah Miracle Blue) xoxo ;]]]]]]]
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love [New On-going Story for all ages]
Teen FictionSi HAILEY SAMANTHA SALAZAR ay isang simpleng babae. Galing siya sa probinsya ng Isabela, sa bayan ng Benito Soliven. Lumipat sila sa lungsod ng Maynila dahil sa umuunlad nilang negosyo. Minsan na siyang nagmahal, nakasakit at nasaktan. Iniwan niya a...