Halos kaladkarin na ako ni Shelly dahil sa pananabik niya. Dadalhin niya daw ako sa lugar kung saan ako magiging masaya. Eh, sa higpit ba naman mg hawak niya sa kamay ko at halos matapilok na ako, magiging masaya pa ba ako sa pupuntahan ko?
"dahan dahan naman Shelly! Nasasaktan ako wag kang magmadali"
"Kailangan nating magmadali Eliza! Naiinip na yun!"
"Sino?" Hindi ako sinagot ng hinayupak kong kaibigan. Panay parin ang hila niya sa akin. Muntik pang maiwan ang sapatos ko. Sino kaya ung naiinip na? Hindi kaya si...
"Nandito na tayo!" Nandito na daw kami sa lugar kung saan ako magiging masaya, eh sa nakikita ko, ito yung building na nererenovate dito sa school namin. Napatingala ako sa gusali. Mga construction worker lang ang nakikita ko. Wow? Ito na yun? Ang saya nga! Nakakatuwa.
"Ang galing mo Shelly! Natuwa ako sayo! Dahil sa sobrang tuwa ko sayo sasapakin kita." Napakamot sya sa ulo at parang naiinis.
"Sandali lang kasi. Maghintay ka." Biglang tumingala si Shelly. Tumingala rin ako. At sa isang iglap, may malaking tarpaulin ang biglang bumalandra sa harapan ko. Sobrang laki. Hawak ito ng mga trabahador. Halos masakop nito ang buong building. Namilog ang mga mata ko sa nakalagay.
May picture ako na kasama si Marlou.. ang ultimate crush ko. At may nakasulat na....
"Eliza, will you be my girlfriend?"
Nanlambot ang tuhod ko sa nakikita ko. Nagpapalakpakan ang mga dumadaan. May ibang naghihiyawan.
Hindi ako makapaniwala.... gusto akong maging girlfriend ng crush ko...
Tinakpan bigla ni Shelly ang bibig ko dahil sa panunulo ng laway ko. Bakit niya pa tinakpan? Manunuyo lang ang laway ko sa bibig dahil wala akong masabi sa kamangha manghang ginawa ni Marlou para sakin.
"Ang effort ni Marlou beh, Sagutin mo na!"
Bago pa ako makatili sa kilig, may lumapit sa aking lalaki. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Lumapit siya sa akin. Ang bango niya. Hinawakan niya ang baba ko at ngumiti.
"Eliza, pwede ka bang maging akin?"
pakiramdam ko ay pulang pula na ang mukha ko...
Bigla niya pa akong hinawakan sa pisngi..
At... at... at...
"Eliza! Maglaba ka na! Susmaryosep talagang batang ire!"
Napakamot ako sa ulo.
"Nay! Ano ba naman kayo! Hahalikan na ako ni Marlou my loves eh!"
"Aba ka landi landi ng batang ire! Hende keta pinalaking ganire! Umayos ka at maglaba ka na doon! Hahampasin kita ng walis pag hindi ka pa kumilos, makikita mo!"
"Oo na po kikilos na po.Maglalaba na nga po."
"Puro kalandian ito! Yan ba ang turo sa imo ng titser mo? Ay kung ganyan din lang ang tinuturo ng imong titser wag ka nang mag aral."
"Hala si nanay naman,hindi puro kalandian ang natutunan ko sa aking titser"
Hays. Naputol tuloy ang pag iimagine ko dahil kay nanay. Bahala na. Maglalaba muna ako. Mamaya ko na itutuloy. Hahalikan na ako ni Marlou! Kinikilig ako.
Ako nga pala si Eliza Legaspi at ito ang kwento ng buhay ko kasama ng malikot kong imahinasyon.
❤❤❤❤❤❤❤
This is my first story sana po magustuhan nyo sorry po sa typo
BINABASA MO ANG
IN JUST A SNAP
Teen FictionSi Maine ay mahilig mag imagination. Iniimagine nya na mayaman sila at boyfriend nya ang isa sa pinakasikat sa kanilang campus.Paano kung ang lahat ng imagination nya ay maging totoo magiging masaya ba sya o ito ang magiging dahilan kung bakit sya m...