CHAPTER 3:Perya

21 3 0
                                    

"Pwede ka nang magsimula bukas"

"Maraming salamat po Sir"

"Maiwan ko na kayo"

"Salamat po talaga Sir"

"Walang anuman"

Thanks God na kahanap na agad ako ng trabaho. Magandang balita to, makakatulong na ko kila nanay

"Sabi ko naman sayo matatanggap ka eh"

"Oo nga eh salamat talaga sayo besty kung hindi dahil sayo wala akong trabaho"

"Ano ka ba what friends for kung hindi kita tutulungan diba"

"Thank you talaga besty babawi ako sayo"

"Wala yon,dahil natanggap ka sa trabaho lets celebrate punta tayo sa perya mamayang gabi treat ko"

"Perya? San may perya?"

"Duh perya hindi mo alam yung maraming rides tsaka dun yun sa may kabilang kanto gala gala din kasi pag may time diba"

"Oo na anong oras ba matatapos duty mo"

"6 didiretso na ko sa bahay nyo para sabay na tayong umalis baka kasi maligaw ka pa hahahahahaha"

"Grabe ka sakin oh sige na uwi na ko kita na lang tayo sa bahay mamaya"

"Ge ingat ka besty bye"

************

Sa tagal tagal ko nang nakatira dito sa lugar namin hindi ko man lang alam na may gantong kagandang lugar pala sa labas pala bubungan na sayo ang nagsasarapang pagkain kahit san ka man lumingon

"Hoy besty tutunganga ka na lang ba dyan o papasok tayo"

"Papasok syempre"

Pagpasok namin sa loob makikita mo ang naglalakihang rides na pinangungunahan ng ferris wheel at octopus

"Ano ang una natin sasakyan besty"

"Try natin yung ferris wheel"

Napalunok ako sa sinabi nya ,ferris wheel what the fuck takot ako sa height

"F-f-ferris wheel pwede viking na lang alam mo naman na takot ako sa height eh"

"Sabi nga nila hug your fear labanan mo yung takot mo hindi takbuhan so ano game ka"

Napalunok ako ng tatlong beses bago sya sagutin

"O-o-oo na"

"So tara na"

Pumila na kami para makakuha ng ticket, pagpasok namin sa loob ng ferris wheel napakapit ako ng mahigpit sa bakal sobra kong kinabahan. Unti unti nang umaandar.

"Ok ka lang besty"

"Oo naman"

"Sumigaw ka na lang para hindi mo maramdaman ang takot"

So ginawa ko nga yung sinabi nya sumigaw ako, habang pababa na feeling ko hinihila yung kaluluwa ko pababa nanginginig ang mga tuhod ko hindi ko na nagawang sumigaw pa sa sobrang panginginig ko. Pumikit na lang ako para mabawasan ang takot na nararamdaman ko. Ipinangako ko sa sarili ko ito na ang una at huli kong sakay sa ferris wheel. Nang matapos na agad akong bumaba alam ko naman na susundan ako ni besty. Naghanap agad ako ng basurahan at agad na sumuka. Hinahangod lang nya yung likod ko

"Ok ka lang besty"

"Oo medyo nahilo lang ako"

"Dapat sinabi mo na lang na hindi mo kaya"

"Ok lang naman eh atleast na ka survive ako. Achievement din yun"

"Oh inom ka muna nang tubig para mawala ng konti yung hilo mo"

"Sasakay pa ba tayo sa ibang rides?"

"Sa viking na lang mukhang hindi naman nakakahilo eh"

"Ok ka na ba talaga"

"Oo nga bumili ka na ng ticket"

So ayun nga sumakay kami naging ok naman ang pagsakay namin sa viking hindi ako nahilo. Pagkatapos namin sumakay tinry pa namin ang ibang rides ng mapagod kami naglaro naman kami ng bingo at hagisan yung maghahagis ka ng piso tas pag tumapat sa baso or bowl mananalo ka. Ang dami kong nakuha 3 baso,5 plato, 4 bowl,nakatatlo rin akong snacks at dalawang big c2 sayang nga hindi ako nakakuha ng stuff toys gusto ko pa naman yun.

"Besty uwi na tayo ang dami ko nang napanalunan"

"Sige nag enjoy ka ba?"

"Oo naman salamat talaga besty ang laki na ng natutulong mo sakin"

"Wla yun ano pa't naging kaibigan kita kung hindi kita tutulungan, kaya kita dinala dito para mag enjoy puro na lang kasi problema ang iniisip mo"

"Maraming salamat talaga siguro kung hindi kita naging kaibigan hindi ako magiging masaya ngayon. Thank you dahil dumating ka sa buhay"

Nagpapasalamat talaga ko kay God dahil binigyan nya ko ng kaibigan na katulad ni Shelly. Mabait na masipag pa at matulungin pa. Sana hindi sya magbago kasi hindi ko alam kung anong mangyayari sa kin kung wala ang bestfriend ko.

IN JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon