PROLOGUE
What is love?
Love is blind?
Love is like a rosary that full of mysteries? (Nasama pa talaga ang rosary.HAHA!)
Love is happiness, or kaya love is sadness. Pwede ding "Love is like a clock that tick-tock in your heart." Pwede din yung "Love is like an onion that makes you cry". Ang kokorny, nakaka-urat, I mean nakakaasar! HAHA! Mga pang slumbook naman,yung tanong na "What is love?" or kaya Define love.
Diba mas maganda yung galing talaga sayo yung meaning. Yung tipo bang kapag iniisip mo yung taong nagmamahal sayo at ang taong mahal mo, bigla na lang lalabas sa bibig mo yung hindi mo akalaing masasabi mo, yung bang nakakagulat, yung tipong nakakakilabot. Yung corny pakinggan pero kapag ginamit mo yung puso mo sa pag-intindi, nakakakilig.
Eh sayo? Ano nga ba ang love? Oh, wag mong ipapasa sakin yung tanong, at wag mong asahang sasagutin kita, kung anong ibig sabihin ng love para sakin. Kakaloka ka, kaya nga tinatanong ko sayo eh. Hindi ko din kasi alam, di ko din alam kung anong pakiramdam pano nga ba ma-inlove.
Ang masasabi ko lang, masarap kapag SINGLE ka. Wala kang poproblemahing itext kung nasan ka na, kung san ka pupunta. Hindi ka din magastos, kasi pede mong ipunin yung pera na pampaload mo sana. Okay lang kung wala kang load, parang wala na ngang silbi yung cellphone ko eh. Nakakatamad nadin kasi magtext. Hohoho..
At kapag SINGLE ka, pede kang makipag-usap kahit sa kaninong lalaki. Pede kang maging friendly, kasi kapag SINGLE daw, friendly ang tawag dun, pero kapag nasa relasyon ka, flirt yun teh! Kaya magkaiba yun. Okay I'am friendly! ^___^
Mga parents mo?Kapag uuwi ka ng gabi, hindi masyadong kakabahan at sasakit ang ulo sayo kakasermon, dahil alam nila ang totoo. Na wala kang boyfriend, alam nila kasama mo ay ang iyong mga kaibigan.
At higit sa lahat, hindi ka matatakot kung bakit delay yung period mo, tek yan. Alam mo naman na hindi mo pa nabibigay kahit kanino ang iyong V-card, and Vusiness Card, ay este. You know naman kung ano yun, right girls? :)
Masaya talaga kapag SINGLE. Wala kang iispin, pero minsan, hindi talaga maiiwasan na mainggit ka. Minsan, tuma-timing na kapag andun ako sa gate ng school namin, tapos umuulan, kita ko andaming boys sa labas, hinihintay ako. Ay este! Hinihintay yung mga girlfriends nila. Ako, ito. Mag-isang uuwi, ay hindi pala! Kasama ko naman mga friends ko. :) Okay na din, may kasabay naman..
At ito pa malupet, tangnah! Pati ba naman sa library sa school namin, may ganitong eksena?! Amp na yan. Nakita ko kasi sa locker (library), may isang bouquet ng flowers! Syempre, ako naman, nakatingin dun. Habang iniisip na, "Ano kayang pakiramdam na bigyan ka ng flowers ng isang guy?".. Engggk. Bitter ko naman. Para kong tanga dito! HAHA! :))
Pero syempre kung iispin mong SINGLE ka, as in NBSB, nakakainggit, tama ba?! Tsk.
Ito kasing lola niyo eh, NBSB. Ho-ohnga! No Boyfriend since birth ang bida ngayon. Sa edad ng lola niyong 18 years old, eh hanggang ngayon wala pa ding boyfriend. Kaya parang nawawalan na siya ng pag-asa.
Pero sabi nga nila, Expect the Unexpected. Hindi habang buhay eh ganyan ka na, minsan hindi pa talaga oras para mapunta at makamtam ang mga bagay na gusto mong makuha. Katulad nga ng sabi nila...
There is a right time for everything.. and that everything, happens for a reason..
_______________________________________________________________________________
Hello Guys. I'am a new writer here. So please do support me.
Please vote, be a fan, and leave a comment. I'll appreciate it..
I promise na I'll do my best para makapag-isip ng bongga, para sa first story ko na ito.
Thank you!
BINABASA MO ANG
It's all about him, him, him and her..
Teen FictionMinsan ba, naiisip mo kung bakit hanggang ngayon, wala ka pang boyfriend? Minsan din ba, nasaktan ka na ng sobra ng dahil sa isang lalaking hindi ka kayang mahalin? Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng, hindi ganung kagandahan, pero madamin...