HER POV
Ito ako ngayon, nasa tikling. Nag-aabang ng jeep o kaya fx. Basta kahit ano na lang masakyan. Makapunta lang ako sa Antipolo. Tek yan. Late na naman ako! Kainet pa naman, summer kasi! Ang sipag ko kasi, nagsummer ulit ako. HAHA! Mejo tagaktak na pawis ko! Asar!
"Miss san po kayo?" Tanong ng manong.
Ay tek yan! Ayoko sa lahat yung kinakausap ako eh, don't talk to strangers nga daw dba. HAHA! Ano ba Trixie, relax. Tinatanong ka lang kung san ka daw. Naman oh! Taray tarayan ka naman teh!
"Antipolo Simbahan". Sagot ko.
"Ay ganun ba Miss, cge. Tara na. Pakasalan na kita." Banat ni Manong.
Tangna naman yan! Bumabanat, okay lang sanang bumanat kung kasing gwapo at hot lang niya si Nate Archibald ng Gossip Girl eh. Sus.Buti na lang may dumating ng Fx. Nakakairita!
Ako nga pala si Trixie Mae Fontanilla. Short for Trix. Incoming Third Year BSBA college student at La Salle University (not taft, but Top of the Mountain).. Yep, kasi naman ang school namin. Ang daming pipiliing lugar sa antipolo, dun pa sa liblib at bulubunduking lugar. Pero okay na din, malayong malayo sa Manila, masyadong poluted kasi dun. Pero sa Antipolo, hindi naman at wala masyadong traffic, nagkakatraffic lang naman kapag dadaan na ako, ay este kapag ginagawa yung daan, or may nag-banggaan.
Okay, magbabayad na ko. Baka makalimutan ko na naman eh. HAHA! Sarap dito, lamig lamig. Sulit na din ang kinse pesos na babayaran ko. Maluwag na at malamig pa. Whooo. Masulit nga. HAHA!
.
.
.
Okay, dilat ako. Tinignan kung nasan na kami. Alta Vista na. May sumakay, kaso di ko pinansin, pano pumikit ulit ako. Feel na feel nga ng lola niyo ang lamig. HAHA! Ayun. Katabi ko na siya, at pagdilat ko ng aking mga mata isang guy pala siya. Pero dko pa din pinapansin, mukang mayabang eh, ang porma kasi. Basta, ewan. Yoko magjudge, bad yun. HAHA!
At ayun nga nga, Antipolo Bayan na ko, bumaba na. Papunta ng 7'11 para makipag-kita sa mga classmate ko, sabay-sabay kasi kaming papasok. At laking gulat ko, yung guy na nasa FX, sa 7'11 din siya papunta, mejo natigilan ako pero hindi ako nagpahalata, nagkatinginan kasi kami. Cute pala teh! Chubby din, like me. hehe...
(#.#) ------------------------------ (--,)
Yung guy(Naka-shades) Tas ako
Ayun, nauna na ko pumasok sa 7'11, tapos nasa likod ko siya. Gulat ako, may biglaang tumawag sakin.
"Trixie!" Si Joy at Mary pala.
"Oh? Kayo pala. HAHA! Magkakasabay lang tayo mga teh." Ako.
"Ohnga eh, tara! Maya na tayo alis. Magpalamig muna tayo sa loob ng 7'11. hehe." Sabi ni Joy.
Tumango naman ako.
Lakad. Lakad. Lak.... Sabay tingin dun sa guy. Yown! Hule ka boy. Nakatingin sakin. HAHA! Akala mo ah! HAHA!
Umupo na kami nila Joy. Tas yung guy, nabangga dun sa ale. Pano, wagas makipag-titigan. Akala naman, hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. HAHA! Basta kapag gwapo, kaya kong makipagtitigan, pero kapag hindi, amp na yan. Wag na lang. Baka mamaga pa mata ko. HAHA!
At ayun na nga, kunwari nakikipag-usap ako kena Joy, pero pinakikiramdaman ko yung guy na nakashades. Ayon, wala na. Lumabas na ng 7'11.
Tsk. Sayang. Feel na feel ko pa naman. HAHAHA!
BINABASA MO ANG
It's all about him, him, him and her..
Genç KurguMinsan ba, naiisip mo kung bakit hanggang ngayon, wala ka pang boyfriend? Minsan din ba, nasaktan ka na ng sobra ng dahil sa isang lalaking hindi ka kayang mahalin? Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng, hindi ganung kagandahan, pero madamin...