"Mahirap ilabas sa damdamin"

7 1 0
                                    

Sa totoo lang...Madaling mag ipon ng pera kaysa mag ipon ng lakas ng loob.Ang tagal mong tinatago pero ang daming pagkakataon para sabihin sa kanya.Sana marami akong pera para madali na lang sa akin mabili ang oras niya subalit hindi nabibili ang tulad niya bagkus libre lang naman kausapin ang tulad niya kung meron ka lang tibay ng loob.Mahirap itago ng matagal kasi masyado na masakit kung parating kang nabibigo kausapin ang tulad niya. Buti pa si Lord, nadidinggin ang panalangin ko subalit siya natatakot na ako. Mas maayos na masaktan ng mabilisan kaysa masaktan ng patagal na patagal mas lalong mabubulok ang pag-asa mo. Maniwala ka sa akin. Hindi naman basehan kung tunay kang lalaki na madaling sabihin pero ang dali naman talaga. Bakit ganon hindi ko magawa? Madali naman talaga mag imagine na nasasabi muna ang gusto mong sabihin sa hangin. Parang namang timang kung gagawin ko kausapin ang sarili ko mag-isa? Ano ba nararapat kong gawin para masabi ko ang gusto kong sabihin sa kanya? Palagay ko hindi naman kailangan lumabas at kumain pa kami para lang dyan? Simple lang naman ito; mag tatanong lang naman ako kung pwedi ba ako mag perform sa debuh niya subalit nauunahan ako ng takot eh baka kasi hindi pumayag? Baka maunahan ako ng iba kung hindi ko gagawin? Masyado kasi mahiyain o sadya talagang duwag lang ako? Sino ba naman ako para huminge ng pabor sa kanya? Isa lamang naman akong hamak na ka churchmate lang hindi niya kaibigan. Sa totoo lang pinangarap ko siya maging kaibigan. Yun nga lang naging timang lang din ako at hindi ko yun nasabi at naisip ko tuloy sa takdang araw na lang niya ako magsasabi? Tama ba yun? Kapag dumating na ang araw na yun baka wala na pag kakataon na maulit ko yun at sadya na lang kalimutan at iwan na lang basta-basta ang pangarap ko. Saklap! Feeling ko tuloy nawalan ako ng blessings, dahil nga hindi ko nakuha ang gusto ko mangyari kung binigyan ako ng panibagong makilala tulad niya hika-nga " God gave me you." Yun kasi ang kakantahin ko ka duet yung mga taong makakasama ko. Nahihiya kasi ako kasi naman hindi ako kumakanta? Pero kailangan gawin para magawa ko yung message ko sa importanteng araw niya. Sana magawa ko nga? Wag naman bow! Wala na as in walang nangyari a.k.a. "NGANGA." Lord, help me!

by:

J.B.M.B.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Mahirap ilabas sa damdamin"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon