PAST (ONE SHOT)

9 1 0
                                    


I begin to scan again his messages.

Sariwa pa din ang lahat. Masakit pa din sa dibdib. He's my crush for fvcking 3 years. Then he courted me for fvcking hours --, I'm just so addicted to him. He actually abducted my heart like he's an alien.

We're loving each other for fvcking months. Our feeling is mutual from the beginning of our story.

I actually forgot my promise to God na ang first love ko ay ang taong maghaharap sakin sa altar.

Hindi naman siya gwapo eh. Hindi siya cute. Singkit lang naman siya pero para sakin he's beyond perfect.

'From: Him </3

I love you....because you're the ONE...you're my TWOmorrow(we both know that tomorrow has no ending) ... I love you means THREE (1=I 2=LOVE 3=YOU)...I love you FOURever (we can make this through).... you're my FIVEorite revenge (you're my karma sa lahat ng kalokohan ko. You're my sweetest karma. The sweetest revenge that God sent to me.'

Tumulo nanaman yung luha ng pagsisisi sa mga mata ko.
Tsaka patuloy na nagbasa.

'From: Him </3

Count the stars when cold nights came. Count the strands of your shiny hair. Count all the people in the world. That's how much I LOVE YOU. Can't be counted, can't be measured.'

Sa pagod na rin siguro kakaiyak. Kaya unti unting nagsara yung talukap ng mata ko.

~~

Pagkagising ko ay may kakaibang kaba akong naramdaman. Natatakot ako....sobrang natatakot ako. Yung dibdib ko parang sasabog na sa kaba. For how many months na wala ng tayo. Ngayon ko lang 'to naramdaman ulit.

Natatakot ako kasi tuwing nararamdaman ko yung kaba. Yung puso at tiyan kong parang sasabog na sa sobrang kaba.

Iisa lang ang taong gumagawa sakin nito.

IKAW yun.

Sana mali yung akala ko na nandito ka ulit.... lumuwas galing probinsya kung saan ka nakatira.

Hahaha. Akalain mo yun?.

Kahit sobrang layo ng distansya natin. Hindi yun naging hadlang para mabuo satin yung salitang 'trust','honesty','loyalty', and also the 'love'.

Naalala mo pa kung paano tayo mag-usap nun?. Parang paglabas ko lang ng gate andun na yung gate niyo. Haha.

Yung tipong parang may tali na nagdudugtong sa puso niyo.

Ang hirap pala talaga kapag sa huli ka nagsisi no?.

Masakit kasi alam mong wala na at malabong magkaroon ulit ng salitang 'TAYO'.

10 Months na tayong break. Pero ang lakas pa rin nung epekto mo sakin.

Yung kabog ng dibdib ko andito pa rin.

Tamad akong bumangon tsaka bumaba. Hindi ko napansin yung oras. Hapon na pala. Andaming oras kong gingugol para lang isipin ang taong kahit kailan ay hindi na ulit magiging sakin.

Ako yung nakipaghiwalay pero parang mas malakas yung impact sakin?.

HAHAHA. KUNG LALAKI KA AT BINABASA MO 'TO. INTINDIHIN MO 'TO.

Hindi lahat ng nakipagbreak sayo ay dahil nafall out of love. Minsan may napakalalim na dahilan na tipong pinakailalim ng karagatan ay hindi maaabot.

Nakipagbreak ako kasi binalaan ako ng Papa ko na papalayasin daw ako kapag nabalitaan niyang nagboypren ako.

Akala niyo lang napakababaw na dahilan. PERO HINDI. Mahal ko yung pamilya ko higit pa sa pagmamahal ko sa kanya.

Pero tanging siya lang ang nakapaglagay ng paru-paro sa tiyan ko at daga sa dibdib ko.

Naranasan mo na ba yung feeling na nagvibrate lang cellphone mo. Kinikilig ka na dahil alam mong siya yun?. Yung tipong mag-gigiem ka ng off text at off gm kasi gusto mo siya lang laman ng inbox,sent items at drafts mo?. Yung tipong hindi ka pa nga nagsisimulang magbasa halos mamatay ka na sa kilig.

Yung tipong ganun haha.

Namimiss ko siya.

Siya yung taong laging nagpapakilig sa inbox ko. Yung taong aasarin pa ko lalo hanggang mainis ako pagtapos ay lalambingin ako. Yung mag-eeffort na tumawag kahit hindi mo sinasagot. Yung kakain,maliligo,gigising,matutulog,papasok,gagawa ng school project ay sasabihin pa sa'yo. Kasi gusto niya rin na ganun ka din sa kanya.

Yung mag-aalala sa'yo pag naaksidente ka dahil sa katangahan mo. Kunwari magagalit pero deep inside alalang alala na siya sa kalagayan mo.

Yung magagalit pa sayo kasi bigla mo siyang tutulugan ng walang paalam.

Yung magdedeny na hindi nagseselos pero yung mga sinasabi halatang nagseselos naman.

Yung pag magkaaway kayo... kahit ikaw may kasalanan. Siya yung magsosorry kasi ayaw niyang magkagalit kayo.

Yung pag may tampuhan kayo. Kunwari galit tapos sasabihin 'bahala ka sa buhay mo' na susuklian mo din ng 'bahala ka din sa buhay mo' . Pero wala pang limang segundo may itetext na kahit tuldok lang kasi namimiss ka na niya.

Yung tipong pagseselosin ka kasi natutuwa pa siya sa kagaguhan niya -.-

Yung magigising ka na lang isang araw iba nanaman tawag niya sayo.

KASI GUSTO NIYA LAHAT NG ENDEARMENTS IKAW ANG MAAALALA NIYA.

Nag-ayos ako ng gamit na dadalhin papunta sa probinsya. MALAYO SA PROBINSYA NIYO. Sana andito ka.

Nakaraan ka man sa paningin ng iba. Umaasa akong maging kasalukuyan din kita. Hanggang ngayon mahal pa kasi kita.

Ginayuma mo ko noh?.haisst.

Mabait ata talaga si tadhana at ako pa ang pinili na isama papunta sa pinsan mo na pagtatanungan nung lola ko. Dun ka pa naman namamalagi tuwing lumuluwas ka dito.

Andito ka kaya? Sana wala ka dito kasi nahihiya ako...after all the sh8ts I put you through.

Kaso sadyang mapagbiro ang tadhana kasi halos matunaw ako sa tingin mo ngayon.

Dali-dali akong tumakbo pabalik sa amin.

Saktong nandun na si Mama para dalhin kami sa probinsya para magbakasyon.

I think....tama na...sapat na....siguro dapat na akong makuntento na muli kitang nasilayan ngayon.

Pagdating sa probinsya ay muli akong nabigo sa mensahe ng hindi nakaregister na phone number.

Sayo yun ugok. Ikaw yun.. na nagsasabing mahal mo pa ko at sana sapat na yung binigay mong space para sakin. Bumalik ka kasi miserable buhay mo nung wala ako na halos uminom ka kasi walang araw na Hindi ako gumulo sa utak mo. Na halos umiyak ka sa harap ng mga kaibigan mo na napatunayan ko sa kwento ng pinsan at iba mong barkada . Kaya ka bumalik kasi ayaw ibigay ng pinsan mo yung number ko through phone. ANg cheesy mo dun pero mahal pa din kita...kaya sige tayo na ulit.

~~FIN~~

A/N: true to life yan. Pinagdugtong dugtong ko lang galing youtube . but hindi ako nangopya.  Inspiration sa mga true to life story. I Guess. So that's all.

©mysteriousfame25

PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon