Chapter#13 Sa Bahay
Zaryn's POV
"sigurado ka ba dito?"tanong ko kay Jireh
habang papalapit kami ng papalapit sa bahay nila mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko
ewan ko ba kung anong meron sa bahay nila at ganto na lang ako kung kabahan
hinawakan niya ang wrist ko
"magtiwala ka lang sakin"
maya maya pa tumigil kami sa tapat ng isang nipa house
kinilabutan ako
ang bahay na yon,sabi ni Lola...
iwinaglit ko ang kamay niya at tumakbo palayo
"Zaryn,san ka pupunta?"tawag niya sakin
pero tumakbo lang ako ng tumakbo
hindi ko kayang pumunta sa bahay na yun
nang makarating ako sa bahay namin sinalubong ako ni Lola na may pag-alala
"bakit ka hinihingal?may humahabol ba sayo?"tanong niya sabay abot sakin ng tubig
eto na siguro ang tamang panahon para sabihin ko
"Lola,may ipagtatapat po ako sa inyo!"umupo siya sa tabi ko kaya humarap ako sa kanya
hinawakan ko ang kamay niya
"Lola,buntis ako"alam kong papagalitan niya ko
nagigilid na yung mga luha ko
pagkatapos kong masabi yung mga katagang yan napayuko ako
ayokong tingnan ang reaksyon niya
"Hija,Sinong ama?"mahinahon niyang tanong
kaya napanatag ng konti ang loob ko
pero hindi ko na napigilan ang luha kong pumatak
"Lola,si Jireh po!"
"sinong Jireh?kelan pa kayo naging mag-nobyo?"
"hindi ko po siya nobyo!"
"bat ka umiiyak?hindi niya ba pananagutan yan?"
"pananagutan niya naman daw po,sabi niya nga po mahal niya ko pero diba po hindi pwede?"
"anak,anong hindi pwede?"
"baka po mamaya matulad siya sa mga lalaking dumaan sa buhay ko"
"hfmt"napayuko si Lola
may alam ba si Lola tungkol sakin
pinunasan ko ang mga luha ko
"Lola,may alam ka ba tungkol sa nangyayari sakin?may alam ba kayo kung bakit nabubura sa mundo ang mga taong minamahal ko?"
hindi nakatingin sakin si Lola sa halip ay umiyak siya
kaya napa hagulgol na rin ako
maya-maya pinunasan niya ang luha niya
sinimulan niyang magkwento
"tayo ay pamilya ng mangkukulam,ang mga mangkukulam ay gumagamit ng salamangka upang magpagaling ng may sakit o gumanti sa nakasigalutan,payapa ang pamumuhay ng mga mangkukulam.Ngunit isang araw ay may mga dumating na mga taong gumagamit ng ritwal upang makasakit ng kapwa at makagamot din daw.Noon tayo lang ang nilalapitan ng mga may sakit pero nang lumaon ay naging kakumpitensya na natin ang mga mambabarang,ang mga pinapagaling nila ay mas lalong lumalala ang sakit hanggang sa nagkaharap ang pamilya natin at pamilya nila.."naalala ko yung bahay nila Jireh,yun yung bahay ng mga mambabarang
BINABASA MO ANG
A Jinx (now revising)
FantasyLahat sa kanya'y nahahalina,Lahat napapanganga kapag siya'y lumakad na Lahat natutulala kapag tiningnan ka,Nakakahimatay ang titig niya Walang nakakaligtas sa alindog niya,Ngunit mapanganib kung siya'y iibigin PLEASE READ (I highly appreciate your t...