OBSESSION 23

10.7K 204 27
                                    

"Hey baby, aren't you going to sleep?"

Tanong sa akin ni Cauldron habang nakahiga. Magkatabi nga kami ngayon, hindi katulad nung ibang araw na galit pa ako sa kanya, sa kwarto ko daw ako natutulog.. Sabi naman kasi ni Ron sa akin na akin daw talaga yung room na 'yun. Uh.. Nakakahiyang sabihin pero kinikilig talaga ako ngayon. Paano naka back hug sa akin si Ron. Hihihi, landi ko. Bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya.

"Paano naman kasi, Ilang buwan na ako dito.. Hindi na ako nakakalabas." Kumunot ang noo niya. Ang cute!

"You're not going anywhere baby." Ngumuso ako.

"Nabobored na ako dito Ron, gusto ko man lang makalanghap ng hangin sa labas."

Humiga siya ng maayos at tumingin sa kisame. Mukhang ang lalim ng iniisip niya. Ang seryoso kasi ng mukha. Pero kahit ganoon, ngayon ko lang na-realize na kahit anong ekspresyon niya ang guwapo niya parin.

"I don't want to take you outside. There might be other man would steal my girl."

Aaminin kong kinilig ako sa sinabi niyang iyon. Pero hindi parin ako magpapatalo sa kanya dahil masyado na akong nabuburo dito sa bahay niya.

"Hmp. Hindi naman ako mapupunta sa kanila kasi iyo na ako."

Aba, bumabanat ang lola niyo. But, I mean what I've just said. Everyday lalo ko pa siyang nagugustuhan dahil hindi na siya harsh sa akin. He usually treated me like a princess everyday!

Humarap siya sakin at ngumiti. Hinalikan niya ako ng mabilis sa labi at tinitigan.

"I love you so d*mn much baby."

Ngumiti lang ako sa kanya. Sa ngayon hindi ko pa masasabi sa kanya ang pinakaa-asam niya.

"Oo na, Ano na sagot mo? Please Ron.. Gusto kong mamasyal masyal.." He grinned widely when I said his nickname.

"You're calling me Ron? Not bad. *sigh*  What can I do? I can't resist my baby."

Yes! Makakalabas narin ako dito. Nalibot ko na dito sa mansion niya kaya nagsawa na ako. Paulit-ulit naman kasi ako naglilibot dito. Hindi niya ako pinapalabas kahit garden lang niya.

"Thank you Ron."

"You're welcome baby. So, where do you want to go?"

Hmm.. saan kaya? Gusto ko kasi yung sa lugar na serene. Katulad ng sweet haven ko.. Tama! Tutal, alam niya nanaman siguro doon.

"Sa sweet haven ko Ron."

"Okay. Be ready tomorrow."

"Thank you ulit Ron."

I hugged him. Ang sarap talaga yakapin nito. Ang bango bango tapos malaki. I mean, ma-muscle kasi siya. He hugged me back and kissed me on my forehead.

Tumingin ako sa kanya ng biglang may naalala ako. Kumusta na kaya yung mga sisters ko? Ang tagal ko na silang hindi nakikita. Namiss ko tuloy yung tatlong mariang 'yun!

"By the way Ron, kumusta na sila Aly? May balita ka ba sa kanila?"

"I know that you would ask me that. So I hire an investigator, Kristina is doing fine she won first runner up in a fashion show, Aly is fine too, nothing much happened on her but Peachy..."

I was proud to hear that Tintin won a fashion show, though first runner-up lang, I would still say, maganda talaga si Tintin at magaling pumustura. And Aly.. I know na ganyan ang maririnig ko dahil alam kong busy siya palagi.
But what about Peachy?

"But what Ron? Anong nangyari kay Peachy?" I started to panic. What happened to Peachy?

"S-she...was kidnapped."

"What?!"

Bakit naman na-kidnap si Peachy? I tear escaped from my eye. Paano kung may masamang mangyari kay Peachy? I can't handle if my sister will got hurt.

"Sssh... don't cry baby. I will handle this."

Medyo kumalma ako sa pang aalo sakin ni Ron. Kahit paano nakampante ako dahil alam kong gagawa siya ng paraan dito. Pero hangga't maari ayoko na siyang pumatay.

"Please.. Cauldron kung gagawa ka ng paraan huwag ka ng pumatay.."

Tumango naman siya. Ngayon uli, binibigay ko sa kanya ang tiwala ko. Dahil kapag pumatay pa siya hindi ko kakayanin. Ayokong madamay pa ang ibang tao dahil pumatay siya.

"Don't cry baby.. I don't want to  see you crying.."

I nodded at tumahan na. Kung sino ma ang kumidnap kay Peachy ay mag-isip muna siya sa gagawin niya kung may nagawa mang mali si Peachy. Makapangyarihan ang pamilya ni Peachy. Kaya rin nilang ipapatay iyon at ipakita sa batas na malinis silang tao. I smiled and giggled on my thought again.

"Cauldron... pwedeng pa-favor?"

"Anything for you baby." I giggled again.

"Pwedeng magtagalog ka? Nano-noseblood ako eh. Hahaha!"

"Okay."

I inhaled his scent before drifting into sleep.

"Goodnight Ron..."

"Goodnight baby."

--------------

"Parang may ginawa kayo kagabi ah?"

Inaantok na naka-upo ako sa counter habang silang magkapatid ay nag-hahanda ng almusal.

"Gabing gabi na kasi kaming nakatulog Vernice. Ano bang iniisip mo?"

Sandaling nagising ang diwa ko nang mag-tagalog si Ron. At talagang ginawa niya huh? At infareness, mas lalo siyang guma-gwapo kapag nagta-tagalog.

"Eh kasi itong si baby girl, ang laki ng eye bags."

"Tsk. Don't call her baby girl."

So, back to English nanaman? ke aga-aga mano-noseblood nanaman ako. At hula nanaman, nagseselos siya. Pati ba naman 'yung pagtawag ni Ate Vernice na baby girl pagseselosan niya?!

"At bakit naman baby brother? Don't tell me what to do."

"Fvck. Huwag mo nga akong tatawaging baby brother!"

"Shut your filthy mouth baby bro, nasa harap ka ng pagkain."

Ang cute nilang magtalong kapatid. Natatawa rin ako kay Ron dahil palagi siyang taob sa Ate niya. At napapansin ko rin na kapag pinagsasabihan siya ng Ate niya na tumahimik, tumatahimik din siya! Ma-try nga minsan.

"Oh, baby girl.. our breakfast for today is... blueberry pancakes!"

Wow. Ngayon na lang ulit ako makakatikim ng blueberry pancakes. Usually, si Kuya ang palaging nagluluto para sakin niyang when were on highschool.

"Hey sleepy head, how's sleep?"

Ugh, inaantok parin ako. Gabing gabi na kasi ako nakatulog kagabi kung ano-ano iniisip ko.

"Hindi okay. Kita mo na ngang may eyebl bags diba?!" Ate Vernice laughed.

"Wala ka pala baby bro! Hahaha!"

And for the first time, nakita kong tumawa si Ron ng sincere...

-------

Here's the UD! Hope 'ya liked it. Comment comment! (*^▽^*)


His Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon