KABANATA 1

37 4 0
                                    

INTRODUCTION:

Ako si Maine, o Menggay kung tawagin ng mga taong malapit sa akin. Simpleng babae na naniniwalang may forever. Ako yung tipong nangangarap magkaroon ng happily ever after. Yung isang araw may taong dadating sa buhay mo sakay ng puting kabayo at tatawagin mo syang prince charming mo. Yung taong handa kang ipaglaban sa kahit sino, kahit na alam nyang dehado sya. Yung kayang akyatin ang tore para lang makasama ka. Yung taong tanggap kung sino ka. Yung taong hindi magdadalawang isip halikan ka kahit naging palaka ka.

Yan ang tingin ko sa pag-ibig. Mala fairytail. Hopeless romantic daw ako sabi ng mga kaibigan ko. Siguro nga. Ano namang masama kung maging hopeless romantic ako. Malay mo bukas, ROMANTIC na lang. Wala ng HOPELESS. Sana nga dumating na sya.. Ang prince charming ko.. Ang forever ko. :)

"HOY MENGGAY!"

Biglang sulpot ng kaibigan kong si Kristine o Tintin sa harapan ko. Bigla namang bumalik sa kasalukuyan ang isip ko. Haaay! Nangangarap nanaman ako ng gising.

"Tulala ka nanaman dyan. Kanina pa kumakatok tong si Isay sa tindahan nyo. Ayaw mo pagbilan." reklamo nya.

"Ay, pasensya ka na Isay ha. Ano bang bibilhin mo?" tanong ko sa batang si Isay, kapitbahay naming makulit.

"Yoyipop po." sabi sakin ni Isay na nginitian pa ko ng malapad.

Pagkaabot ko sa kanya, agad din syang umalis bitbit ang binili nya.

"Oh bakla, ano ba atin? Kala ko may lakad ka ngayon?" tanong ko sa kaibigan ko.

"Hay naku oo nga, e kasi tatanungin sana kita kung anong balita dun sa inapplyan mong call center nung nakaraan? Tumawag na ba?"

"Wala pa nga e. Olats yata. May pa 'Don't call us. We'll call you' pang nalalaman e isang buwan na wala pa din. Nagagalit na nga si Tyang, wala pa kaming pambayad sa upa." sagot ko.

2 months na kong graduate ng call center sa Tesda. Pero hanggang ngayon, wala pa din akong nahahanap na trabaho. Ewan ko ba. Masasabi ko namang competetive ako pagdating sa pag eenglish pero hindi pa din ako matanggap tanggap.

"Talaga? Gusto mo ba sumama sakin? Kailangan ko pa daw kasi magsama ng isa pa pagpunta ko dun sa aapplyan ko. Ano tara?"

"E teka san ba yan? Anong klaseng trabaho? Naku baka sasabit tayo jan ah."

"Gaga! Personal Assistant yun. At wag ka ateng, 50k per month. O choosy ka pa? Pede pang tumaas depende sa mapag-uusapan."

"Eto na nga e, sabi ko nga sasama na ko. 10 minutes."

Agad akong nagbihis at nagpaalam lay Tiyang.

"Nakooo. Baka maglalakwatsa ka nanaman ha."

"Tiyang naman, pag natanggap ako dito yayaman na tayo. Tiwala lang." sabi ko na lang para hindi na sya magsungit.

Ganyan lang talaga yang si Tiyang. Strikto pero alam kong mahal nya ko.

"Alis na po ako Tiyang."

**

"Ano ba yan Bakla, kanina pa tayo naghihintay dito. Nasan na ba yang kausap mo?" reklamo ko kay Tintin. Magiisang oras na kaming nakaupo dito sa mall. At namamanhid na yung pwet ko kakaupo. Nga pala, bakla lang tawagan namin, pero babae si Tintin.

JUST MAID FOR YOU (MaiDen Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon