Chapter 1

474 11 0
                                    

I tiptoed para maabot ang pinaka-taas nang book shelf. Ang laki pa naman kasi nang space sa baba pero nilagay na nila sa taas ang ibang libro at talaga nga namang nasama pa doon ang librong kailangan ko.

A sigh of relief escaped my mouth nang makuha ko iyon nang maayos. Natatakot kasi ako baka malaglag sa akin yung buong shelf gayong tinapakan ko ang ikalawang level nito maabot lamang yung libro.

Naka-ngisi ako habang papunta sa paborito kong spot dito sa library. Dito sa may entrance, hindi kasi gaanong malakas ang aircon dito kumpara sa ibang lugar, katamtaman lamang ang lamig at tolerable lalo na't may jacket naman akong suot.

I sat down and opened the book. Hindi ko pa nasisimulan ang pag babasa ay bumukas ang pinto nang library at pumasok ang kaisa-isang lalaking hindi ko inaasahan na papasok dito.

Jiro Montecillo is the name. He was the king of all the jerks here. He was the typical school jock. All the girls wants him and all the boys wanted to be him. Paano kasi'y hindi na niya kailangan pang umeffort para mag papansin sa mga babae, all girls would voluntarily throw themselves at him. What an ass!

Kunot ang aking noo habang sinusundan ko nang tingin ang bagong pasok na mayroon pang kaakbay na babae. It's Kara, the school's most popular btch. Bagay silang dalawa.

Dumeretso sila sa pinaka dulong parte ng library. Nakita kong binuksan ni Jiro ang pinto nag mwestra siya na pinapaalis ang grupo ng mga estudyante na nasa loob ng Conference Room. Sa loob ng library, merong isang kwarto na maaring gamitin ng mga estudyante para sa group activities. Pinapa-reserve ang kwartong iyon ahead of time at meron lamang 1 and a half hour and bawat grupo para gamitin iyon.

Tinignan ko sila with full disgust on my face. Really? They should get a room! Talagang dito pa nila sa Library gagawin ang bagay na iyon? Nakaka-diri!

I am not judgemental, talagang ganon lang talaga ang gawain ni Jiro. He would always bring his girl toy doon sa kwarto iyon at syempre alam na nating lahat kung anong ginagawa nila doon.


Makapal ang mukha nang lalaking iyon dahil ang pamilya niya ang major stockholder ng eskwelahang ito.


Now I'm thinking, 'Lahat ba pera na ang nagpapalakad?' Umiling-iling lamang ako at itinuon ang pansin sa libro.


Kaso, maya-maya'y agaw pansin ang malakas na sigaw ni Kara na nag echo sa buong library.


"You're such an asshole, Jiro!!" she said. Like you didn't know about that! Tss.


Padabog siyang umalis nang library. Kitang-kita ko pa na inaayos niya ang kaniyang blouse.


Walang nagawa ang librarian dahil it's Jiro. Naka-tingin lamang siya sa lumabas na babae at umiling-iling pa.


Napa-titig naman ako kay Jiro na ngayon ay magulo ang buhok.


"Enjoying the view, huh?" anito sa akin na may kasama pang ngisi. Naka patong ang kaniyang mga kamay sa mesa kung saan nakalagay ang mga gamit ko.

Make it RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon