It's you from the start

14 0 0
                                    

"JOOOOOOOOHN!!" Tumalon ako ng tumalon para makuha yung tablet ko. Kainis. Kung di ko lang to gusto matagal ko na tong sinipa sa birdy nya e.

"Grabe. Ganun ba ako kagwapo at nagawa mo pang gumawa ng album para sa mga pictures ko?" Sabi nya.

Pulang pula na ako sa galit at sa hiya. Ikaw ba naman makita ng cursh mo yung mga kahibangan mo at sya pa mismo nagpahiya sayo. Tss.

"Ang kapal naman masyado ng mukha mo! Ipapakulam kita kaya ako gumawa nyan! Ang pangit mo kasi!" Rason ko.

"Asuuuuuuuus! Pangit daw. Kaya pala kalat sa buong school na crush mo 'ko." Sabi nya habang nakangisi.

Well, hindi naman talaga sya pangit. Gwapo sya. And yes, crush ko sya. Matagal na. 1st year pa lang kami ay gusto ko na sya. Pero ngayon 4th year na kami.. gusto ko parin sya. Wala namang nagbago. Ni hindi ko nga alam kung anong nagustuhan ko dito e. Nagulat na lang ako na isang araw nahihiya na ako sa kanya, kinikilig ako kapag nginingitian nya ako, nung mabait pa sya, lalo na kapag nagkakadikit kami. Pero take note! Lagi kaming nagaaway nyan. Simula nung may sumapi na sakanyang ewan.

'Di na 'ko nakapagpigil at sinipa ko na sya. Wag kayong OA. Sa tuhod ko lang sya sinipa para makuha ko yung pinakamamahal kong iPad. Rich.

"Araaaaaaaay!" Napaluhod sya at ininda ang sakit. Ayun na yung chance ko!

Kinuha ko yung iPad ko sa kamay nya at tumakbo ng mabilis palabas ng room.

"Lagot ka talaga sakin Kristine Buenaventura!!" Sigaw nya. Oops. Mukhang galit na ang prince charming nyo.

Bumalik ako sa pinto ng classroom namin at nakita ko syang nakaluhod parin hawak hawak ang isang tuhod nya habang pinagtatawanan sya ng mga kaklase namin.

Nakita kong lumipat ang tingin nya sakin. Bakit parang slow motion? Yung parang sa mga movie? Pero nakakunat parin ang noo nya. At...

"KRISTIIIIIIIIIIIIIIIINE!!"

Binelatan ko sya at tumakbo na papuntang canteen. Mahirap na pag nagtagal ako doon at baka majombag pa ako ng Almighty prince nyo.

Ay hindi pa pala ako nagpapakilala. Shame on me. Ako nga pala si Kristine Buenaventura. Ang pinaka-magandang babae sa Gymnazo High School. Joke! oo. Maganda ako. Pero di naman yung maladyosa. Ah jusko, basta maganda ako! At yung kanina? Ayun lang naman si John Montemayor yung crush ko. Oo crush ko. Shh lang ha? Kahit alam na ng buong school. 😂 Pero palagi kaming nagaaway, nagaasaran, naggagantihan, nagkakapikunan. 'Di ko alam kung bakit gusto parin sya kabila ng lahat nang ginawa nya sa akin. 'Di ko alam kung bakit nagpapaloko parin ako sa itsura nya. Gwapo sya, matangkad, messy hair, matalino, mayaman. Sino bang niloloko ko? Sino bang di magkakagusto dyan. Pero kabila ng positive side nya aba syempre may negative din! For example, pangit ugali! Mayabang! Pilosopo! Nananakit! Ng damdamin ko. Choss. Drama.

"Juliann!" Sigaw ko nang matanaw ko ang kaibigan ko.

"Hi Kristine!" Bati nya sabay sabay ngiti. Nilapitan ko sya.

"Oh? Ba't mag isa ka? Asan boyfriend mo?" Tanong ko.

"Present."

"Ay gwapong kabayo!" Napatingin ako kung saan nanggaling ang boses na iyon. "Oh. Hi Harby!" Bati ko.

"Hi Kristine. Wow blooming. Nainlove lalo kay Janjan?" Sabi nya habang tumatawa. Nilapitan nya si Juliann na nasa harapan ko sabay kiss sa cheeks at yakap. Ew! Kalandian!

"Naku Juliann ilayo mo sa'kin yan bago ko pa masapak yan. Tsaka wag nga kayo maglandian dito! Kay aga aga!" Biro ko.

Tumawa sila at nagyaya nang hanap ng mauupuan para makakain.

Ayun nga pala si Juliann Quintana at Harby Sy. Ang pinakamalandi sa school. Si Juliann kababata ko. Friend ng mama ko yung mommy nya. Mayaman sila, may kaya lang kami. Family lawyer din nila ang papa ko. Kaya simula nang isama ako ni papa sa trabaho nya nagkakilala kami ni Juliann at naging matalik na magkaibigan.

"Alam mo Kristine. Konti na lang iisipin ko na na may gusto na rin sayo yang si Janjan e." Sabi nya habang kumakain ng fries.

"Oo nga Kristine. Di ka man lang ba sumagi dyan sa utak mo na may gusto din sya sayo?"

"Ay naku! Wag nga kayo magisip ng ganyan! Alam nyo namang..." Di ko na naituloy yung sasabihin ko dahil sa lungkot.

"Na wala kang pagasa? Na baka may gusto syang iba? Di ba pwede meron kang pagasa at ikaw ang gusto nya?" Tinaasan nya ako ng kilay.

"Ewan.." Tinignan ko ang mga kamay ko. May pagasa nga ba ako sakanya?

"Alam mo Kristine. Try mong wag umasa sakanya at humanap ng bago mong prince charming. Malay mo hindi talaga sya yung 'Destiny' mo." Sabi ni Harby.

"Oo nga!" Pagsangayon ni Juliann. "Alam mo may punto si Babes. Bakit hindi ka maghanap ng bagong prince charming mo?" Aniya.

"Ayoko. Pagod na nga akong umasa kay John, aasa pa kaya sa iba?" Tinaasan ko sila ng kilay.

"Malay mo may iba pala. Baka nandyan lang sya sa tabi tabi." Tinaasan din niya ako ng kilay.

"Malay." Diin ko.

"Bakit? Hanggang ngayon ba gusto mo sya parin hanggang sa huli?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IYFTTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon