Kabanata I

37 4 0
                                    

Reach's POV

Walang forever.

Wala naman talaga diba? Siyempre except kay God. Pero sa magkakasintahan? Lalo na yung mga magsyota na nasa kindergarten/elementary/high school palang. Like, err. Hindi pa nga nagamit ng whisper umaalembong na. Nakakaloka.

May mga tawagan pang bhie, mhine, sweety pie, honey,at kung anu-ano pang checheburecheng matamis na pagkain. Buti nga wala pang nagtatawagan na Leche at Flan, Sapin at sapin, Kutsinta, Biko at iba pang kakanin. Dahil kung meron na, nako. Baka katapusan na talaga natin.

"Reach! Kanina pa kita hinahanap. Tara na!" Tumayo na ko mula sa pagkakaupo ko sa swing at pumunta na sa Bus # 5

"Okay, uhm kumpleto na ba lahat?" Tanong nung tour guide na nasa harapan namin

Obviously, where on a educational daw na trip to Tagaytay. And kakatapos lang namin puntahan yung picnic grove kung saan tanaw na tanaw mo ang view ng Taal Volcano.

Nagsimula na kaming bumiyahe papunta naman sa People's Park in the Sky. Maganda raw dun. Romantic daw. Jusko, as if I know puro nagbobolahang lovers kunwari lang ang mga nandun. -.-

"So guys, nandito na tayo sa People's Park In the sky. So pwede na kayong bumaba at gumala. You can also buy souvenirs..." hindi ko na pinansin yung iba pang pinuputak ni Kuya Tour Guide. Bumaba na ako kasama 'tong seatmate ko sa bus na si Lynne.

"Oh ba't nakabusangot nanaman 'yang mukha mo? Paaliwalasin mo naman kahit konti." Nagpeke naman ako ng ngiti.

"Okay na ba?" Sarkastiko kong sabi.

"Psh. As if I know kaya ayaw mo dito ay dahil sa mga yan" tinuro niya naman yung lovers kunwari na nagsusubuan ng ice cream, nagshashare ng softdrinks, may binibigay na flowers and chocolates at kung ano-ano pang kacheesyhan at kakornihan. Nagpoker face lang ako at nagpunta dun sa may parang grills. Nagpaalam naman siya na mag-CR.

Hay. Ang sarap pala ng hangin dito. Nakakatanggal stress.

"Hi." Napatingin naman ako sa gawing kaliwa ko. Nakakaloka 'tong si Kuya ha. Basta basta nasulpot. 'Pag ako nahulog dito sa grills nang dahil sa pagkagulat sa kanya, nako.

Tinanguan ko siya. Mukha naman siyang harmless kahit papano. Nakita kong nakapang-PE din siya ng school namin. And his ID lace is Blue. So obviously, he's in Grade 9. Mas matanda ng isang taon sakin.

"Reach! Lika na! Aalis na yung bus oh!" Nagbye naman ako kay Kuya. Bastos naman tignan kung iiwanan ko nalang siya dun basta. Nag-Hi na nga yung tao sa'yo eh. Privilege kaya yun. Haha chos. XD

"Reach, sino yung hot guy na kausap mo kanina? Cru--"

"Hep! Wag mo nang ituloy kung ano man yang sasabihin mo. Nope. Hindi ang sagot ko diyan. Nag-hi lang siya, tinanguan ko siya, dumating ka, nagbabye ako sa kanya, TAPOS." Nagsmirk naman siya.

"What? Do I look like I'm just fooling you?" Hindi ko na lamang siya pinansin at naglagay nalang ng headphones sa tenga ko.

NP: Tadhana by Up Dharma Down

Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo..

Nga pala, nakita ko ID niya...

Parang minsan lang na nagdugtong..
Damang-dama na ang ugong nito..

S.Y. 2015-2016

Di pa ba sapat ang sakit at lahat?
Na hinding-hindi ko ipararanas sa'yo

Grade 9-D

Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pagsinta..

Kian Marco G. Perez

Ba't di papatulan?
Ang pagsuyong nagkulang?
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran..

"Huy! Tama na ang pagdadaydream mo diyan. Bababa na tayo."

××

Hayahay. Kapagod din pala. Phew.

Wala sila Mommy ngayon. Ang alam ko nag-Baguio ata sila. Sinasama nga ako pero, I just don't want to. Parang di ko siya feel.

Makapagcheck nga muna ng FB.

5 friend requests
27 messages
36 notifications

Una kong chineck ay yung notifs. ko

Usually, puro FL lang. Nothing new.

Tinignan ko naman messages ko.

Psh. Halos lahat naman sa group chat ng 8-B

Lastly, I checked my friend requests.

Frey Chloe Vera      accept | ignore
2 mutual friends

Nicaella Jane Tan   accept | ignore
12 mutual friends

Inaccept ko ang unang dalawang nagpapa-add sakin. They're my club mates at English Club.

Ivan Roel Campet    accept | ignore

Zach Mariano           accept | ignore
1 mutual friend

Psh. Sino ba 'tong mga 'to? Ignore.

Napatigil ako nang makita ko ang isang friend request.

Kian Marco Perez      accept | ignore
29 mutual friends

Nung una, nag-aalinlangan pa ko kung iaaccept ko ba siya or what. Pero napagisip-isip ko na... iACCEPT siya. Baka gusto lang niya makipagfriends. Mukha naman siyang mabait.

1 message

Nagpop-out naman yung messenger heads ko.. I clicked it to see who's chatting me..

Kian Marco Perez
Active Now

Siya<= Hello. Salamat sa pag-accept :)

O diba sabi ko sainyo mabait eh.

Sige. Welcome. ;) => Ako

Naglog-out na ko dahil baka mapagalitan nanaman ako ni Mommy. Ayaw niya kasi akong magsocial media masyado. Magfocus lang daw muna ko sa studies.

Kaya nga di ako naniniwala sa love na yan. Para sakin sakit lang yan sa ulo at sa puso. Para sakin kapag nagmahal ka, para ka lang naghanap ng malaking bato na ipupukpok mo sa ulo mo.

Lalim ba? Sorry na. Wala kong pinanghuhugutan ah. Wag malisyosa masyado. NBSB ako noh. Halata ba? O halatang halata dahil sa kabitteran ko? x)

××

Nagising ako sa lakas ng alarm ko. =_= tch. Inaantok pa yung tao eh. Panira.

Bumangon na ko at ginawa ang morning rituals ko.

And as usual pagkababa ko nakapaghain na si Ate Gia ng almusal.

"Good morning ate. May pasok ka ba today?" Kasalukuyan kong nilalagyan ng sinangag yung plato ko.

"Day-off ko today. Gagala ako mamaya. Wanna come?" Sumubo ako ng isang kutsarang sinangag na may hotdog at itlog bago ko sagutin  si Ate.

"asdfgzvhdibahhabsh--" kasalukuyan kasi akong nanguya.

"Ubusin mo nga muna yang nasa bibig mo bago ka sumagot." Nilunok ko muna yung kinain ko before I started talking.

"Gusto ko sana kaso baka magalit si Mo--" she cut me off.

"Ah osige. Gets ko na.." humigop ako ng kape bago tuluyang tahakin ang eskwelahan.

××

#CrutoryaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon