1

14 0 0
                                    

First day ko ngayon. First day of college. Pinaghandaan ko to. Nagpuyat ako para magbasa ng mga tips for first day and ano ang dapat gawin at dalhin. Kaso nakalimutan ko ang pinakamahalaga..

Ang matulog at magising ng maaga. 

10:30AM ang start ng class ko. Filipino ang subject na yon .

10:21 na at pababa palang ako ng jeep. Nananalangin na sana tulungan ako ng lahat ng bathala at magkaron ng super powers at makalipad dahil 6th floor pa ang tatahakin ko.

"Oh stop & shop na. Stop & shop!! "

Sigaw nung driver. Mabuti nalang at nandito ako sa bandang dulo ng jeep marami pa naman itong sakay at pahirapan bumaba pag nasa harap ka.Kabababa ko lang nang bumulaga sakin ang isang matinding headbutt. Masarap magmura sa sitwasyong ito pero mas inuna kong ininda ang sakit na nararamdaman ko dahil napahilata ako sa kalsada. Isabay mo pa ang pag andar ng jeep at pagusok ng mala black forest na tambutso.

Whoo. Sarap. Isang tagay nga ng zonrox jan. Samahan mo na ng bubog.

Pinalibutan na kami ng tao dahil wala eh . Sikat kami. 

Hanggang sa matauhan ako dahil hindi pa bumabangon tong hinayupak na to . MALELATE NA KO !!!

Naheadbutt na nga ako , namolestya pa ng isang manyakis. Itinulak ko siya at sinipa ang kanyang treasure . Sabay takbo. Linalakbay ko ang teresa street kasabay ang iba na kumakaripas din sa pagtakbo. 

At kung sineswerte nga naman. 

Engkkkk engkkk 

Dadaan pa ang tren na ito. Waw. Nabinyagan na ako, first day palang.

Pagkataas na pagkataas ng harang ay kumaripas na kagad ako sa pagtakbo. Hinarang naman ako ng lady guard.Pinituhan nya ako nang bonggang bngga.

Ay teh. Face to face na tayo pipito kapa.

"Kotse ka ba?"

"Ay nako ate guard malelate na ako sa first subject ko. Wala akong time sa pick-up mo. Hayst sge na nga. Bakit?"

"Ke bata bata pa nire e puro kalokohanang alam.Dili ako ang pick up sa imo. Tinatanong ko lang kung kotse ka dahil dyan sa dadaan sa pasukan ng sasakyan. Aba'y ayun nene oh. Don ka pumasok sa entrance hane?"  

Napakamooooooot nalang ako sa ulo ko. Nako naman. Umariba na naman ang pagkaassuming ko. 

"Sorry po!!"

..................

Pagdating ko sa room ay may iilang tao palang. Huh? E 10:48 na sa relo ko. Umup ako sa pinakaunang nakita kong upuan at nagiisip kung magtatanong ba ako sa kaklase ko kung bakit wala pang Prof. 

"Ahm. Hi ako nga pala si Zyril."

Nilapitan ako ng isang babae. Mmm. Maganda siya, morena at may blue na streak sa buhok. Halatang dancer.

"Ah Hi!. Hyena nga pala." 

"Yes. okay ah. Friends na tayo!!!!"

"Okay!!"

"Bat ka nga pala nandito?"

"Ha? Eh diba may klase tayo?"

"Ahhhhhh. Alam mo kasi friend. Dumaan yung checker kanina sabi niya wala tayong prof. Pati yung second subject daw wala din."

"HA?! Ano ba naman yan."

"Hindi mo ba pinost yung number mo sa group?"

"Hindi eh."

"Kaya naman pala eh. NagGM kasi sila. Kaya ayun onti lang yung nandito ngayon."

Arghhhhhh. Kayamot. Inaksaya ko ang pawis ko. Nahalata ata ni Zyril na naiinis ako.

"FRIEND!! Okay lang yan. Welcome to College!!!!!!!!!!!!!!"

Matinding pagwelcome talaga to. Hayy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JeepzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon