Bitter Sweet
3rd year high school na ko ngayon. Kinakabahan akong pumasok. Baka kasi pagnakita ko na naman siya bumalik yung sakit at pagmamahal ko para sakanya. Haays bakit kasi grabe ko siyang minahal.
Flashback:
=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-
From: Babe <3
Are you free this afternoon? Mga 2pm, kita tayo sa 7 eleven.
=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-
Naexcite naman ako bigla kaya nireplyan ko agad siya. Miss na miss ko na kasi siya. Pano bihira lang kami magkita ngayon dahil summer break. =_=
Sa 7 eleven:
Pagdating ko nakita ko siyang nakaupo na. May dalawang hotdog sandwich at slurpee na sa mesa. Lumapit agad ako sakanya. :D
“Kain muna tayo bago ko sabihin sayo kung bakit tayo nandito.” Kinabahan ako sa sinabi niyang yun. Ano kaya ang gumugulo sakanya. :/
Pagkatapos naming kumain tinanong ko agad siya kung ano yun. At lumabas sa bibig niya ang pinakamasakit na mga salitang narinig ko..
“Tapusin na natin to. Hindi na kita mahal. May iba na ako. Sawang sawa na ako sa ugali mo.”
End of flashback
Yan ang nangyari month ago. Ang una kong heartbreak.
Sa school:
Pumapasok pa lang ako sa gate ng school ay nakita ko na ang mga tropa ko na papalapit sakin. Niyakap nila ako at isa isang nagbeso beso.
“Miccah anong nangyari sainyo ni Micho? Totoo ba na wala na kayo? Kinocontact ka namin kaso patay naman phone mo. Resbakan ko na ba?” Si Anna, isa sa mga bestfriend ko. Siya ang pinakamatapang sa aming lahat. Yari sakanya ang mga nananakit at umaaway sa aming tatlo.