Chapter 1 - Buhay Estudyante

51 6 4
                                    

The Fatal Move (Chapter 1)

"Genius Is 1% Inspiration and 99% Aspiration" ~Thomas Alva Edison

"Hi mga tropa pips!"

.

Bati ko sa mga kaklase ko dati sa school canteen na pinag tatambayan namin noon bago magsimula ang Flag Ceremony. At tila'y wala pa rin silang pinagbago. Ganon parin ang itsura; ang height, parang nagbago, konti nga lang.. hehehe..

Teka.. Parang may nakalimutan ako..

"Hoy Mark ang ingay mo naman. Ang aga-aga pa para ibuhos ang energy mo."

Saway sa akin ng mga kaklase ko.

"Wow.. Sabay pa talaga kayong lahat?" Angal ko naman .. hehehe.

.

Oo nga pala.. Ako si Mark, Mark Winner.. Hahahah. Mark Manalo po, at your service ^_^ (Ang corny ng author noh? hahahah :D )

Haaaayy. Sawakas at medyo kumpleto pa ang batch namin. Yung iba kasi nagsilipatan na ng school at ang natitira ay matitibay. Para sa iyong kaalaman, ang batch namin ang may PINAKA maingay at magulo. Hmmmmm, sino na naman kaya ang bago naming mga kaklase? May babae kaya? Hahahaha :P. Isha-share ko lang ha.. Last time ang mga transferee namin ay puro lalake, pwera lang sa isa.. Transgender daw? Anyways, hndi na dapat nating pag-usapan pa yan.. At isa pa ..

.

*Riiiiiiiiiiiiingggggg*

Yes! Flag Ceremony na. Yehey!(parang ako lang ata ang masaya ah..) Saan naman kaya kami pipila? Sana doon sa may malapit na electric fan. Ang init kasi eh..

"Oh Mark.. Hawakan mo ito." Utos sa akin ng palaka, este guidance councilor/Student Adviser ng aming school.

"Okay po!" Sagot ko naman sabay kuha ng cardboard na may nakasulat..

Grade 8 - HUMILITY

Yup.. Iyan ang section ko.

.

Okay.. lets fast forward para hindi gaanong ka boring ang kwento ko. Pagkatapos ng Flag Ceremony, bumati at nag announce ang aming Principal sa amin. Mga events na darating at location ng aming rooms. At wow, akalain mo nga naman, ang room lang naman namin ay nasa 4th floor. Which means kailangan naming umakyat sa bundok na iyon para makapasok. Bakit nga ba hindi uso ang elevator dito? Anyways, may napansin ako. Mga Bagong kaklase. Dalawang lalake at dalawang babae? Sa wakas! May babaeng transferee. At iyon, as expected, ung mga kaklase ko mag iingay at mag kwekwentuhan tungkol sa bakasyon nila. At ako naman, nagtanong lang sa tropa ko kung ano nangyari at naghintay na lang ako na matapos ang orientation namin.. Nag elect na rin ng mga officers sa room.

.

...

"Mark! Ano laro tayo?"

Tanong sa akin ng ka tropa ko. Uwian na kasi kaya sige gala ang mga kaklase ko at yung iba naman diretso uwi. First day of class kasi ehh, kaya hindi muna ako maglalaro..

"Pre, pass muna ako. Siguro sa susunod na araw na lang."

"Geh pre. Adios."

"Adios Amigo!"

Hahaha.. Ganin kami mag paalam, italyano..

.

Anyway, meron pa pala akong sasabihin bago magtapos ang unang araw. Ang kakaiba kong background. Isa po akong Bampira.. :E

Joke lang.. Maniwala man kayo o hindi, ako po ay isang matalinong estudyante. I act responsible in class, help others in lessons and some sort of lazy man. Yup, english yan para cool ^_^. Anyways, ito na po ang unang araw ng klase.. Klase ng Saya,Takot,Kalokohan at Pagmamahal..

.....

[A/N]

Hi guys ^_^ ito na po ang aking unang chapter.. Sana po magustuhan ninyo.. Dont forget to leave a vote and comment about my 'comeback' story in wattpad.. Tnx and God Bless..

One more thing.. some of my story was placed here.. Totoo po ang iba, kayo na lang po ang humusga at kumalitis ^_^ xD Bye..

~x_RelentLessKiller_x


The Fatal MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon