It was just a month nung nagpropose si Daniel kay Liza. Sobrang saya niya nun kasi Daniel thought that she was the one for her. At mukhang wala nang makakapag bago ng isip niya. Ngumingisi siya ng parang baliw kasi hindi na niya mapigilan ang excitement niya.
"Liza, will you be my girlfriend?"
"Im sorry, Daniel. Totally, there's no one. It's just.. hindi pa ako ready."
Then boom. He was all in pain, halos hindi na siya makatahan. Naawa ako kay Daniel. Sinakripisyo niya halos lahat, di siya nakapag try out sa varsities this year dahil kailangan niya pang ihatid sa kanila si Liza, di siya nakapunta sa reunion nilang magpipinsan dahil lalabas sila sa Mall, halos di na nga ako napansin nun eh. Nakikita niya lang ako kapag nagkukulang siya sa kopya ng homework, lalo na kapag nakakalimutan niyang bilhan si Liza ng Bulaklak.
Ngayon, habang nasa klase kami naguusap kami ni Daniel. Kung ano anong bagay ang pinagsasasabi ni Daniel.. Sinasabi niya yan sa akin almost everyday in 5 months na magkasama kami sa klase palagi.
"Alam mo kanina, habang papasok si Liza, parang may.. Anghel na bumaba mula sa langit!" sabi niya ng may Over Acting. "Ows, talaga lang ha?" Sawang sawa na ako sa mga pinagsasasabi nito, ito na yung nth time na binanggit niya sa akin 'to. As the subject goes on, ang nagiisang topic lang niya sa akin ay si Liza. Di na ako nakinig sa kanya nun kasi alam ko na lahat ng sinasabi niya kasi palagi niyang nababanggit yun.
Nung natapos na ang subject, dalidali akong lumabas at pumunta sa next subject namin kahit putak pa ng putak si Daniel. "Bes, ano ba? Nagsasalita pa ako eh!" Tumigil ako at hinintay siya para pakinggan nanaman ang mga bagay na matagal ko nang narinig at nalaman. Kwela akong bestfriend, sobrang bait ko at napaka maintindihin. Kaya sa sobrang bait at maintindihin ko, madalas akong nafrie-friendzone. Pero tanggap ko. Lalo na pagdating kay Daniel. Oo, mahal ko si Daniel. Hindi ko sinasadyang mahulog sa kanya, one day nalaman ko nalang na yun nga. Isa lang naman ang tanong ko sa sarili ko. Yun ay kung bakit siya pa ang napili ko, kahit alam kong wala nang possibility na mahalin niya akong pabalik.
PE ang subject namin ngayon, kadalasan ang PE namin, konting discussion lang tapos sabogsabog na ulit kami sa campus. Katulad ngayon. Pero para sa akin, ang PE ko, madalas nagkkwentuhan kami on the same thing. With the same person.
"Oh, so yun nga, Bes.." panimula niya sa akin. "Tama na, Deej. Ilang libong beses ko nang narinig yang mga pamumuri mo kay Liza. Kaya tama na, okay?!" sabay walkout. Di naman niya kailangan ipamukha na mahal niya si Liza, mas mukhang anghel, mas maganda, mas matangkad, mas maputi ang tuhod, mas mabait (supladita kasi ako kung minsan) at di hamak na mas mabait na kaibigan siya. Oo, aminado akong wala ako ng mga yun, o kaya naman meron ako ng mga yun, pero mas lamang siya.
"Kath, huy! Bes! Besfren!" tawag niya sa akin habang tumatakbo. Mayamaya, naabutan niya na ako sabay kapit sa braso ko, tapos biglang may mga lanjong luha na nagsisimulang mamuo sa mata ko. Leche. =.= "Yan! :)" tapos lumapit siya sa akin. "Yan ka nanaman, Ms. Walkout queen eh!" sabay sabi niya na halatang sinusubukan akong patawanin.
"Deej, ayoko na. Pagod na pagod na akong makinig sa paulit-ulit mong mga kwento tungkol sa kanya." pinipilit kong tanggalin ang mga kamay niyang nakakapit sa akin, pero bigla niyang hinigpitan at napaharap ako sa kanya. Tapos saka niya na ako binitawan. "A-anong ibig mong sabihin?" sabi niya looking worried.
"Sobra na Daniel, tama na." sabi ko habang humahagulhol. "Anong ibig mong sabihin?!" "DANIEL NASASAKTAN NA AKO! Sa tuwi nalang tayong magkasama, palagi nalang si Liza ang pinaguusapan! At nasasaktan ako kasi wala ka nang ibang inisip kundi siya! DANIEL MAHAL KITA ALAM MO BA YUN?!" Sabay takbo ko. Wala na siyang nasabi nun habang nagsasalita ako. Alam kong iisa lang naman ang mahal niya eh, at si Liza LANG yun at wala nang iba. Habang buhay na akong friendzoned sa mga taong katulad niya.

BINABASA MO ANG
We Could Happen (KathNiel)
FanfictionAko si Kath. Ako yung tipong nagmamahal pero madalas nafri-friendzone. Hindi ko inakala na.. We Could Happen pala at mahal rin pala ako ng taong akala kong hindi ako kayang mahalin pabalik. Akala ko, hanggang pagkakaibigan nalang ang kayang ibigay n...