Mahal Kita Effort!! [One Shot]

2.5K 107 78
                                    

Dedicated kay ate yhel kasi IDOL ko sya ^_^ I really liked her stories :D

[Yung graphic sa multimedia, entry ko yan sa isang game na sinalihan ko at ako ang nanalo. Haha XD]

---

"Hoy Madison Angeles Fuentebellaaaaaaaa...!!!" sigaw ni Rica sa harap ng kaliwang tenga ko na syang nagpabalik sa'king diwa.

"Ano ba, Rica?! Hindi ako bingi! Di mo na kailangang isigaw sa tenga ko ang buong pangalan ko ng pagkalakas-lakas! " balik sigaw ko sa kanya.

"Eh pano ba naman, kanina pa ako salita ng salita dito eh hindi mo naman pala ako pinapakinggan!" sigaw nya ulit.

Bigla akong natahimik , naalala ko na naman kasi yung iniisip ko kanina. "Sorry." yan nalang ang nasabi ko.

"Ano ba kasi'ng iniisip mo dyan? Di ka pa ba nalulunod?" malumanay na nyang tanong sakin.

"Huh?! Bakit naman ako malulunod?" tanong ko na bakas sa mukha ang malaking question mark (?)

"Eh kasi mukhang ang lalim lalim ng iniisip mo dyan at natutulala ka nalang bigla." aniya.

Malalim na buntong hininga lang ang isinagot ko sa kanya. Wala ako sa mood para patulan yung joke nya dahil pag nagkataon, binatukan ko na sya.

"Lalim ah? Mukhang may pinanghuhugutan, daming carbondioxide na nilabas eh. Common! spill it out Mads. Alam kong may pagkashunga ako minsan pero alam mong handa akong makinig sa lahat ng mga hinaing na meron ka sa pang araw-araw na pamumuhay mo dito sa daigdig." mahabang sabi nya saka ako nginitian.

"UWAAAAA T____T" iyak ko na walang luha, sabay yakap sa kanya. "BFF talaga kita, kaya mahal na mahal kita eh." sabi ko. Totoo yung sinabi nya, may pagkabaliw man yan pero asahan mo na sa mo na sa oras ng problema, laging andyan yan pra tulungan ka.

Napagpasyahan namin na tumambay muna sa harap ng Administration Office kung saan may mga bench na pwede nyong upuan.

At yun nga, sinabi ko na sa kanya kung ano yung gumugulo sa isip ko. At ang magaling kong BFF ay wala man lang sinabi pagkatapos kong sabihin sa kanya, talagang nakinig nga lang talaga siya >.< pero ayos na din, atleast, gumaan kahit papaano ang nararamdaman ko.

Habang tumatambay kami dun, naramdaman kong nagvibrate yung phone ko na tanda na may nagtext sa'kin. Agad ko naman itong kinuha at tinignan kung sino ang ngatext. Siya pla.

"Saan ka?" text nya.

"Andito ako sa harap ng Administration Office." reply ko at agad itong ibinalik sa'king bulsa. Di na rin naman kasi yun magrereply.

"Sino yon?" tanong ni Rica.

"Si Kurt." simpleng sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"Ganun ba? Sige, una na ako at alam kong papunta na yon dito." paalam nya saka tumayo at nagsimula ng lumakad palayo.

"Bye! Ingat BFF!" paalam ko din.

Huminto sya at humarap ulit sakin, "sundin mo kung ano ang magpapasaya sayo. Hindi masamang sumugal paminsan-minsan ^_^ " saka sya nagpatuloy sa kanyang paglalaakad.

"I will! Salamat BFF!" nakangiti kong sigaw sa kanya kahit na di nya ako nakikita kase nga nakatalikod na sya.

Ilang sandali nga lamang at dumating na yung hinhintay ko. 

"Mag-isa ka lang?" tanong nya habang kinukuha sa tabi ko yung mga libro ko. Tumayo na din ako.

"Hindi. Kasama ko si Rica kanina kaso umuwi na sya nung nagtext ka." sabi ko.

Mahal Kita Effort!! [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon