Neighbor

13 0 0
                                    

In my school there is a Prince. Lyndon Carella of class 2B. Halos lahat na ata ng nag aaral sa school na ito kilala siya at gusting gusto siya. Kesyo ang cool niya, looks so mature, leader of all the boys in class at ito pa ang matindi may wicked eye candy daw siya. Mga pakulo talaga ng mga kababaihan dito.

And speaking of the devil paakyat na siya ng floor namin. Inabangan ko talaga siya dito dahil sa ginawa niya sa bestfriend ko. Since nasa tapat ako ng hagdan hinarang ko ang isang paa ko sa pader para hindi siya makadaan.

"Liana Mendez from 2D." Nag pause ako sandali at tinignan siya ng matalim.

"Bestfriend of Karen Cruz, Who confessed her feeling to you a week ago." Tuloy kong sabi habang nakatingin parin sa kanya at nakaharang parin ang paa ko.

Natahimik siya at binaling ang tingin sa ibang direksyon na parang iniisip kung sino at ano yung sinasabi ko. Sa sobrang tagal mag isip nainis na ako kaya binigyan ko na siya ng clue.

"I'll only be disgusted if you hand something like that to me." Ginaya ko yung sinabi niya sa bestfriend ko baka sakaling maalala niya.

"Do you have any idea how much courage it took her to express her feelings?" Tuloy tuloy ko pang sabi sa kanya.

"Ah... so that's what you're talking about." Walang emosyong sabi niya.

"Wouldn't it be fine to at least be friends with her?" Pagkasabing pagkasabi ko non nagulat ako ng hawakan niya ung nakataas kong binti at umakbay sa balikat ko.

"Nakakainis." Huh?

"Ang sakit mo sa mata." Teka ano daw? Tumalikod na siya akala ko aalis na pero naq salita pa siya.

"Im not interested." Sabi niya habang nakatalikod

"And that also applies to you." Nagulat ulit ako kasi this time nakatingin na siya sakin. Hindi na ako nakapagsalita at pinanood ko nalang siyang maglakad palayo.

Uwian

"Ganyan ba talaga yang Lyndon na yan?"

"Nakakainit ng ulo."

"Wala siyang puso."

Protesta ko kay Karen habang naglalakad pauwi.

"Hindi mo kailangan magalit ng ganyan Liana." - Karen

"Pero Karen hindi bat ikaw ang dapat mas magalit?" Sagot ko naman sa kanya. Kasi hello totoo naman nakakainis yung taong yun.

"Wala naman na akong paki tungkol doon e." Napatingin ako sa kanya. Mukha naman siyang ok at hindi na nga iniintindi yun.

"Well if that's fine with you, then it's alright." Sabi ko nalang habang tinitignan yung brochure na hawak ko.

"Nga pala hindi ka ba mag drop by sa supermarket? Sale sila ngayon." Shoot oo nga pala nakalimutan ko kailangan kong humabol sa oras.

"Hindi kita masasamahan ngayon. Ok lang ba kung ikaw lang mag isa?" - Karen

"Ok lang may next time pa naman e." Alam kong masakit parin sa kanya ang nangyari kaya naiintindihan ko kung hindi siya makakasama.

"Basta ipagluluto mo ako pag pumunta ako sa apartment mo ah." - Karen

"Oo ba." Sabi ko tapos nag beso na kaming dalawa. Well we used to do that pag nag kikita kami at pag maghihiwalay na.

"Liana." Napalingon ako ng tawagin ako niya ako. Inantay ko lang siyang magsalita.

"Thanks for everything." Ahhh ang sweet talaga ng bestfriend ko. Dali dali akong pumunta sa kanya at sempre niyakap siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Close RangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon