Tinta Sa Papel Ni Pedro

82 1 0
                                    

AUTHOR'S NOTE: Ito po ay story na pinagawa sa amin noong fourth year high school pa kame sa Claret School of Zamboanga City. Ito ay ang story ng reunion ng section namin, IV-St. Peter, after ten to fifteen years.

PS: I hope you'll play the song since the story is inspired by it. :)

_______________________________________________________

“Thank you and Goodbye!”

Eto ang mga salitang naghudyat na kami ay paalis na sa eskwelahang kumupkop sa amin ng labindalawang taon. Matagal na panahon na ang nagdaan ngunit alalang-alala ko pa ang gabi ng aming graduation. Alalang-alala ko pa nung kami’y papasok pa lang ng gym, nagmamartsa. Kitang-kita sa mata ng bawat isa na masaya sila dahil tapos na, para sa karamihan, ang kanilang pasakit na matapos at ipasa ang kanilang term paper. Para naman sa iilan, tapos na ang kanilang karumaldumal na taon sa aming eskwelahan. Basta! Masaya ang lahat.

Sa unang tingin ay masaya ang lahat. Ngunit sa likod ng bawat ngiti ay ang puso’t isipan na malungkot. Sa mata ang aking mga kaklase ay halatang anumang oras ay papatak na ang mga luha. Alam ko ang kanilang nararamdaman, dahil ako rin ay nalulungkot sa napipintong pagpapaalam. Dati ay masaya ako dahil gagraduate na kami, ngunit ewan ko ba kung bakit ngayon, parang nagbabacklash ang lahat.

Nang matapos ang seremonya, sinalubong namin ang isa’t-isa ng mainit na yakapan, autographs, picture taking at maraming pang-iba. At sa huli ay nagpaalam na. Totoong halu-halo ang emosyon ko ng gabing iyon. ‘Di ko nga namalayan na pumapatak na pala ang aking mga luha na di nagtagal ay para bang nagbabadya ng signal number four sa dami.

Asus madrama! Kung alam ko lang naalala ko lang iyon dahil…wala lang, trip ko lang siguro balikan ang nakaraan. Pero ‘wag mong ismolin ang trip ko! Dahil sa trip kong iyon, may naalala ako.

Rewind.

Dalawang araw na ang nakakaraan nang matanggap ko ang magandang balita na hatid hindi ng bibilya kundi ng FACEBOOK!

CHARUT!

Modern na talaga ano? Noong unang panahon naalala ko pa ang pari na nagwiwikang, “ang magandang balita mula sa bibliya na nanggaling sa libro ni…”. Dati iyon.

Ngayon?

Aha! Maglog-in ka lang sa Facebook account mo, at voila! Tatambang na sayo ang sangkatutak na notifications na hatid ay balita (paminsan pa nga ay tsismis!).

Ayun…naglog-in ako sa facebook account ko. Tinignan ang aking notifications ng biglang…WWAAANNNGG! Alam kong may dumaan ngunit binale wala ko lang ito. Nagpatuloy ako sa pagche-chek ng aking mga balita/tsismis. Ngunit…WWAAANNNNGG! Dumaan nanaman. Alam kong hindi ito multo dahil una, di gumagawa ng sound effects ang mga multo ano (‘wag mong sabihin na modern na rin ang mga GHOST ngayon?) at pangalawa, hindi tumatayo ang aking mga balahibo.

Doon…doon sa aking dingding ay may isang insekto na akal ko ay makikita ko lang sa aking drawing book noong ako’y grade one pa lang. Dati kasi pag ako ay gumuguhit ng aso, ‘di ko mapigilan na gumuhit ng aso na mukhang ipis.

Ayun…walang pakundangan ko itong tinorture na para bang naulit muli ang trojan wars sa pagitan ng tao at ipis sa dingding. Ngunit, sa huli ay kinailangan kong magpasalamat sa ipis na iyon dahil kung hindi…hindi ko mababsa ang notification na ito: CLASS REUNION

Sa sobrang saya ay kulang na lang pagsindihan ko ng kandila ang labi ng ipis na para bang ginahasa sa bangketa. ‘Di agad ako nakatulog ng gabing iyon. Hinihintay na sana dumating na ang bukas, ang araw pagkatapos ng bukas at ang araw pagkatapos ng bukas ng bukas.

Ano na kaya ang itchura ng aking mga kaklase? May nagbago kaya sa kanila matapos ang maraming taon na kami ay ‘di nagkita? Naaalala ko pa noon noong sabay-sabay kaming nangarap at binuo ang aming mga pangarap sa buhay. Meron sa amin na gustong maging doctor, engineer, chemist, physicist, computer literate, etc…

Tinta Sa Papel Ni PedroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon