Hindi kita kilala at lalo namang hindi mo rin ako kilala. Ni pangalan mo ay hindi ko alam.
Nagustuhan kita... at masaklap pa nun' nasaktan mo ako.. ng hindi mo alam.****
Ako si Sabrina simpleng tao lang ako, palakaibigan,palangiti. At masasabi kong wala akong problema maayos ang pamumuhay namin ng pamilya ko masaya kami, may mga kaibigan ako, mabait na amo at mga kasamahan sa pinagtatrabahohan ko. Lovelife? wala pa ako nun' kaya hindi ko pinoproblema yan.. At hindi rin ako nag hahanap kasi kusang dumadating yan. Yun ang paniniwala ko pagdating sa Love. Hindi minamadali, dahil pag minadali mo, magkakaproblema ka lang. At yun ang iniiwasan ko, hanggat maaari ayoko ng problema, dahil mahina ako doon. Kung anong lakas ko sa mga bagay-bagay, kabaliktaran yun sa paglutas ng problema...mahina ako sa gano'n bagay. Dahil takot akong masaktan.
Isang araw, pag pasok ko sa trabaho ko as ussual may isang rosas na naman sa table ko. Oopps..bago ka magreact, di porket sinabi kong wala akong lovelife ehh wala na akong manliligaw. Hehe sa ganda ko ba na ito.
"Goodmorning Sab." si Cj katrabaho ko, na masugid kong manliligaw.. Gwapo sya,mabait at napaka'lakas ng sense of humor.. na gustong gusto ko sa isang tao.. Pero hindi nya mapukaw ang puso ko, dahil siguro ang gusto ko lang ay maging kaibigan sya. Binasted ko na sya noon pa lang, pero wala ehh makulit,bayae sya! haha
"Same to you best!." masayang bati ko sa at kanya.. Best.yan ang tawag ko sa kanya nuong una tutol na tutol sya dahil ang sama daw pakinggan nililigawan daw nya ako pero Best ang tawag ko sa kanya. pero kalaunan wala'na rin syang nagawa eto lang lagi nyang sinasabi pag tinatawag ko syang Best...
"Wag ka ngang magmura Sab, agang aga ehh!" haha.. diba?
Nagsimula na kaming mag trabaho.. Isa akong Graphic Artist sa isang Film Developer.
Ganun' lang routine ko araw-araw..masaya dahil hindi nawawala sa amin ang biruan.
****
Hanggang sa isang araw, bago ako makapasok sa loob.. May nakasalubong akong isang lalaki, nagkatinginan kami. Hindi ko alam pero may iba akong naramdaman. Para akong nakuryente na ewan. Hinabol ko sya ng tingen, tanging likod na lang nya ang nakikita ko. Bakit kaya ganoon.. Haiyyst!! makapasok na nga. Dumaan ang maghapon ko ng ganun parin,masaya.
Kinabukasan nagkakagulo sa Shop, akala ko naman kung ano na nangyayari yun pala nililipat lang yung mga pwesto ng mga upuan at lamesa namin. Ayos napaganda ang pwesto ko. bwahaha!
Nasa tapat ako ng Aircon, at dahil makaLamig ako ay walang kaso sa akin yun.. Kaya lang malapit ako sa pintuan kaya't kitanga-kita ko ang labas.
At dahil nga dun, hindi ko inaasan na makikita ko ulit yung lalaki kahapon.. Tulad kahapon may naramdaman na naman akong kakaiba, biglang nagkatinginan na naman kami.. Dali dali kong inalis yung tingen ko sa kanya. Para akong tanga na pakiramdam ko pinagpapawisan ako pero naka Aircon naman dito. Nakakaloka!
Sa sumunod na araw hindi na ako nag taka ng makita ko na naman sya. Lagi naman ganun magkakasalubungan kami, magkakatinginan. Nalaman ko rin na boarding house pala yung tapat nung Shop namin, na dun sya nakatira. Paano ko nalaman? Syempre lagi syang lumalabas at pumapasok doon.. Hindi ako stalker huh, Lagi ko lang talagang nakikita..
May isang araw na hindi ko sya nakita.. Ewan pero maghapon ko syang hinhanap, lagi lang akong nakatingen sa labas. Pero nabigo ako, walang Sya na nagpakita.. Maniwala man kayo o hindi para akong magkakasakit noong araw na yun.
YOU ARE READING
Stranger (One Shot)
Short StoryHindi kita kilala at lalo namang hindi mo rin ako kilala. Ni pangalan mo ay hindi ko alam. Nagustuhan kita... at masaklap pa nun' nasaktan mo ako.. ng hindi mo alam.