Tungkol sa Forever

11 1 0
                                    

Malamang marami sa inyo umay na sa forever na topic,pero sana basahin nyo pa rin ang opinyon ko baka makatulong.

"MAY FOREVER"

Para sa akin meron basta maniwala ka lang :)

Sa panahon ngayon pag sinabi mong forever agad-agad na ang tinutukoy mo ay ang taong mahal mo.

Yung iba sinasabing walang forever kasi iniwan sila ng mahal nila,yung iba naman hindi pa nagkakaboyfriend o girlfriend,at yung iba naman may gusto pero may iba namang gusto yung gusto nila.

Yung iba pilosopo,Walang Forever kasi lahat ng tao namamatay kaya walang forever.(aray linya ko yun eh!)

Kanya-kanya tayong dahilan eh.

Ganun pa man,maniwala ka pa rin na may forever,para magkaroon ka ng forever.

Kahit na iniwan ka niya.
Kahit na niloko ka nya.
Kahit na pinaasa ka nya.
Kahit na lahat ng tao mamatay
Kahit na hindi ka crush ng crush mo.
Kahit na may bago na agad syang gf/bf samantalang kakabreak nyo lang.
Kahit na natanggal ka sa trabaho mo.
Kahit na lagi kang pinagagalitan ng Mama at Papa mo.
Etc.

Isipin mo lahat ng bagay may dahilan kung bakit nangyayari yun,ang mahalaga natuto ka.

Huwag kang umiyak kung iniwan ka nya dapat magpasalamat ka pa kasi nalaman mong ganun sya,
na iiwan ka lang nya matapos ang lahat,magpasalamat ka na lang at magmove-on para matapos na.Para pag may bagong dumating handa ka na para sa Forever mo.


AN: Maraming salamat dahil binasa mo ang unang pahinang isinulat ko sana makatulong ako kahit papano.

Maaari kang magmensahe sa akin kung gusto mo ng payo.
:)


Kay God May Forever,maniwala ka sa kanya. :)

Payo Ni JenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon