Love Birds

7 0 0
                                    

Para sa mga couple please kontrolin nyo yung sarili nyo.

Yung pag nasa public place kayo kaylangan nyo pa bang magyakapan,magkilitian,maghalikan etc. Hindi ba pwedeng gawin nyo yan pag kayo na lang dalawa,gusto nyo pa ba yung may nakakakita sa inyong ginagawa nyo yan yung tipong "Hoy tingnan nyo kami nagyayKapan kami oh tingnan nyo,ang saya-saya may nanunuod samin sige pa yakap pa!"

Lalo naman pag nasa bahay kayo tapos nandyan yung Nanay,Tatay,Tita,Tito,Pinsan at Kapatid dapat behave kayo huwag nyo na antaying sawayin pa kayo kung maaari Mahiya kayo.Kontrolin nyo yung sarili nyo may oras para dyan at may tamang lugar para dyan.

Hindi naman sa pinapakelaman ko kayo pero pa rin sa inyo yan.

Nung Third Year Highschool ako alam nyo na shock ako sa nakita ko,dahil sa bandang likuran ako nakaupo dito madalas may kaganapan,kinalabit ako nung katabi ko paglingon ko yung classmate kong babae na matalino pa naman nakikipaghalikan dun sa kaklase kong lalaking pasaway,hindi ko makalalimutan yun kasi yun yung first time na nakakita ako ng naghahalikan ng ganun ,hindi kasi normal na smack lang yung matagal ang dami nga naming nakakita eh basta ang nasa isip ko nun eew kadiri hahaha! At dahil nga sa maraming nakakita nakarating sa advicer namin yung pinaggagawa nila kaya ayun pinatawag sila sa faculty at di ko na alam yung nangyari.Nasundan pa nga eh kaso hindi na kiss yung nakita nagyayakapan sila sa may corridor eh saktong dumadaan yung guidance councilor ayun patawag sila sa office.

Kung marunong lang sana tayong dumisiplina sa sarili natin,alam kong mahirap gawin pero sana kahit papano subukan nating gawin para satin naman yun eh.Minsan kasi wala na tayong pakialam bast ginagawa lang natin yung gusto natin bahala na kung anong sabihin nila buhay mo yan eh WALA SILANG PAKIELAM pero isipin natin yung tama at mali na ginagawa natin.

Maging proud ka kung mabuti o tama yung ginagawa mo.

AN: Salamat sa pagbasa mo sana makatulong ako.

Kung gusto no ng payo bukas ang message ko para sayo. :)

Payo Ni JenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon