Who Are You?

797 10 0
                                    

W.A.Y: One Shot #1:

Kakalabas lang ni Shane galing Wash Room dahil nagpalit siya ng Uniform niya dahil kakatapos lang P.E. subject nila. Biglang tumunog ang Phone niya mula sa Bag na nakasabit sa balikat niya sinagot niya ito habang inaayos ang ribbon sa Blouse niya at naglalakad sa hall way.

/Shane, pumunta ka na dito dali!!!/

Iti-next ni Gab ang Kaibigang si Shane, nasa Gym siya para manood ng Try-out nag Basket ball sa school nila at Hinihintay si Shane dahil nagpalit nga ito ng Damit. Di mapakali si Gab sa upuan niya dahil sa pagsisigurado na hindi pa huli si Shane sa panonood ng Try-out.

"Nasaan na ba yung babaeng yun?, mamaya mag-start na. baka di pa niya makita si Kent."

Sa Kabilang banda naman ay nagmadali ng tumakbo si Shane dahil nasa Kabila pa ang Gym ng School nila, Panay tunog na ng Phone niya dahil sa mga text ng Kaibigan na hindi naman niya magawang mareply-an dahil kakawala lang ng load niya kaninang Break time.

"Siguradong makukuha ka sa Try-out Bro!" tinapik ni Leo si Kent habang patungo na sila sa Gym, Kakagaling lang nila sa Locker Room dahil nagpalit sila ng Jersey.

"Excuse!" Napaatras sila ng may Babaeng Tumatakbo at hindi manlang lumingon, Napalingon sila Kent and Leo sa Babaeng dumaan sa harap nila na medyo malayo na dahil mukhang nagmamadali ito.

"Si Shane yun diba? Yung may Crush sayo." Itinuro ni Leo si Shane na kasulukuyang tinatanaw ni Kent.

"Hmm.. Di ko alam." Umakto si Kent na hindi kilala ang Shane na tinutukoy ng kaibigan. Kahit na tandang tanda niyang si Shane ang unang nagsabing ayaw sa kanya nito.

"Bumili ka ng Tubig, mauna na ko sa Gym." tumango si Leo sa kaibigan at tumungo sa direksyon ng Cafeteria, Inayos ni Kent ang pagkasabit ng Bag niya sa Balikat at pinagpatuloy ang paglalakad patungong Try-out.

"Di pa nagsisimula?" Hingal na Hingal si Shane na umupo sa bleacher katabi ng Kaibigan habang yakap ang Bag niya. Tumango si Gab bilang sagot ng hindi tumitingin sa kaibigan dahil napako ang mga mata niya sa lalaking kakapasok lang ng Gym.

"Shane! andyan na si Kent!!!" kasabay nun ang malakas na sigawan ng mga katabi nilang Babae. Maraming nakakakilala kay Kent dahil napaka attractive nit sa mga mata ng babae, may mga malalim na mata, matangos na ilong, at manipis na Labi.

Napalingon si Kent sa direksyon ng mga babae ng magsimulang magtilian ang mga ito, Agad namang napayuko si Shane ng mapansin niyang lumingon ito. Hinarang ni Shane ang Bag sa kanyang mukha para hindi siya makita nito.

"Pumila na ang magtra-try out!! magsisimula na!" Naalis lang ang tingin ni Kent sa mga babae sa bleachers ng marinig niya iyon dahil kailangan na niyang pumila,

"Goodluck Bro!" tumango si Kent sa kaibigan na kakadating lang mula sa cafeteria at may dalang Mineral water, Inilapag niya ang Bag niya at nagsimulang mag-warm up.

"Wag ka na ngang magtakip, magsisimula na oh!" Hinila ni Gab ang bag sa mukha ng kaibigan, sinilip naman ni Shane si Kent sa may Court at nakitang nag wa-warm up na ito.

"Go kent kaya mo yan.." Mahinang bumulong si Shane para kay Kent ng suporta niya para dito habang ang iba ay todo sigaw ng pangalan ni Kent para suportahan ito.

"May Fans club agad ang mokong." natatawang lumingon si Gab sa Kaibigang naka tingin sa malayo at ang lalim ng iniisip. In Love talaga siya kay Kent. Binalik nalang ni Gab ang mga tingin para manood.

Napasimangot si Shane dahil hindi niya magawa ang ipagsigawan ang pangalan ni Kent dahil nahihiya siya dito nung simula ng nangyare sa Cafeteria.

"Excited na ko sa Prom!!" Makikitang ang excitement ni Gab sa mukha niya dahil sa nalalapit na Prom sa School. Nakatingin lang si Shane sa Kaibigan dahil magkaharap lang sila sa lamesa uminom si Shane sa Juice na nasa tabi ng Lunch box niya.

Who Are You? :One shotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon