440 20 7
                                    

W.A.Y: One Shot #3:

Pagkatapos din ng Araw na yun ay hindi na muli nakatanggap ng Text Si Shane kay Schoolmate ang alam niya ay magkikita na sila after class sa Field.

"Shane??" Nakatingin na naman si Gab sa Kaibigang tulala, kasalukuyang naglalakad na sila sa Hallway dahil tapos na ang Klase. Tinapik tapik ni Gab si Shane sa braso at lumingon naman ito.

"bakit?" nagtatakang lumingon ito kay Gab.

"kanina ka pa tulala Jan girl.. ano bang iniisip mo?? si Kent ba??"

"Hindi noh, bakit? sa tingin mo siya at siya nalang ang kailangan kong isipin?"

"Hey, ang drama nito. simple lang tanong ko shane." Ginulo ni Gab ang Mahabang buhok nito at sabay tumakbo na agad naman hinabol ni Shane.

"Siraulo ka talaga!" tumatakbo sila habang naguusap at nagtatawanan sa Campus.

"Praning ka naman, sige na uuwi na ko. May Ka-eyeball ka pa diba?" pang asar na sabi ni Gab habang paatras na naglalakad.

"Eyeball ka jan,"

"Talaga naman eh, ano tawag mo dun? Hahah xD Bye!" Huminto si Shane sa pagsunod sa kaibigan ng bigla itong magpaalam at kumaway.

"Ingat ka!"

"Ikaw din!" Hanggang sa di na natanaw ni Shane ang Kaibigan, Tumalikod si Shane at nagsimula ng maglakad papuntang Field ng school. May halong kaba siyang nararamdaman na hindi niya alam kong bakit.Good Guy naman sana siya.

Nakarating siya ng Field ng 6:45 pm, 15 minites before 7:00 pm ang eksaktong oras ng pagkikita nila ni Schoolmate, di naman nawawalan ng tao sa field kahit na Gabe dahil madalas inaabot hanggang 8:00 pm ang practice ng Varsity Football nila.

"15 minutes pa." Umupo si Shane sa Blecher at inilagay ang Bag sa harapan niya at niyakap.

"Saan ka ba kasi pupunta?" Nagtatakang tinanong ni Leo ang Kaibigang si Kent habang palakad na sila palabas ng Locker room, nilingon siya ni Kent at sumagot.

"Aayain ko na yung Kadate ko sa Prom." nagulat si Leo sa narinig, wala naman kasi siyang alam na may aayain pala ito sa prom dahil alam niyang masungit ito sa mga babae.

"S-sino?" humarang si Leo sa daanan ng Kaibigan upang pahintuin ito at kulitin.

"Umuwi ka!" natawang nilagpasan ni Kent ang Kaibigan habang hawak ang Phone niya sa Kaliwang kamay.

"Hey!" Kumaway si Kent na hindi lumilingon.

"Can you give me her phone number?" Hindi alam ni Kent kung bakit gumawa siya ng paraan para makuha ang number ni Shane pagkatapos ng nangyare sa Cafeteria. Ofcourse umabot ng One week bago niya maisipan ng tuluyang desisyon.

Alam niyang di siya nito gusto, pero hindi niya lubos na maisip kong bakit ba niya ito nakikita sa lahat ng lugar na pinupunatahan niya sa School nila. ini-Stalked niya ko pero nagsinungaling siya when I asked na if may gusto siya sakin that day in Cafeteria?

Alam niyang Lagi itong tumitingin sa kanya sa kalayuan, nagkakataong pag tumitingin siya dito ay nasa iba na ang tingin ni Shane.

"Go Kent!!!" kahit sa Basketball try-out ay alam niyang nandoon ito, Alam ni Kent ang Kulay ng Bag ni Shane dahil madalas ay ito ang ginagamit nitong pangtakip sa mukha niya upang di siya makita.

"Para kang may laging hinahanap?" napapansin din ni Leo kapag nasa Library, Gym, Field, & Campus ay panay lingon nito na wari'y may hinahanap.

Andito kaya siya? Nasanay si Kent sa presensiya ni Shane kahit sa malayuan niya lang ito natatanaw, sa bawat oras ay sa tingin niya ay may nakatingin sa kanyang nagngangalang Shane.

"Yup! mahal na mahal~ ^^ " Di niya mapigilang pakawalan ang nahihiyang ngiti sa kanya ng mareceive niya ito kay Shane, di niya nagawang magreply sa gabing yun dahil sa sobrang sayang naramdaman that night niya narin nalaman na Gusto na niya si Shane.

Napatingin si Shane sa Relong nasa kanang kamay niya saktong 6:59 pm pagkatingin niya rito. Napakawala siya ng malalim na paghinga dahil ramdam niya ang lamig dahil sa malakas na hangin.

Natanaw ni Kent ang Babaeng mag-isa sa Bleacher habang yakap yakap nito ang Bag, napangiti siya habang lumalapit sa kinaroroonan nito.

"Ang tagal naman niya, hindi niya dapat pinaghihintay ang babae." inis na sinabi ito ni Shane habang nakatingin sa mga tao sa Field. hanggang sa may maramdaman siyang may pumatong na tela sa mga balikat niya. Agad siyang napatayo at lumingon.

"A-ahh.. b-ba--"

"Akala ko wala kapa." Inayos ni Kent ang pagpatong ng jacket niya sa Balikat ni Shane, Habang si Shane naman ay tulala na nakatingin kay Kent.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Umupo si Kent sa tabing bleacher na inupuan ni Shane.

"K-kent." kinakabahang sinabi ni Shane ang pangalan nito pero hinila siya ni Kent para paupuin sa upuan na katabi niya.

"So.. Di mo ko Crush? kasi Love na Love mo na ko." Tumingin ito direct sa mga mata ni Shane, Pangalawang beses na malapitang tingin.

"Ikaw si.." Di malaman ni Shane kong anong pwedeng itanong oo sabihin dito dahil naguguluhan siya sa mga nangyayare.

"Wag ka na ngang magsalita, Ako na lang magtatanong. Oo at Hindi lang tamang sagot."

"Ha?"

"Gusto mo talaga ko diba?"

Dug.Dug.Dug.Dug.Dug Napahawak si Shane sa Dibdib niya kong saan naka pwesto ang puso nito, pinakiramdaman ang bawat pag pintig. Habang si Kent ay nakatingin sa kanya at hinihintay ang pag 'Oo' nito.

"O-Oo."

"kasalanan mo kaya, Ako din nag kagusto sayo" Inilapit ni Kent ang mga Labi nito sa labi ng babaeng nasa harap niya, Passionate kiss ang ibinigay niya kay Shane.Napahawak sa mga labi si Shane at kala mo luluwa na ang mata dahil sa gulat.

"Ito ang last, Oo or Hindi lang ang Answer." Napapikit si Shane dahil sa paglapit na naman ng mukha nito sa kanya, ang inaakala niyang Second kiss ay isang bulong lang pala.

"Can you be my Prom date?"

-END-

Who Are You? :One shotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon