Patawad, kung ako'y lalayo:
Patawad, kung ako ma'y susuko;
Patawad, kung kita'y nabigo;
Patawad, kung pintig ng puso ko'y nagbago;
Hindi ko naman nais na ikaw ay saktan;
Ngunit, mas ayokong hawakan ka ng alangan;
Mas gugustuhin ko pang makita kang lumuha;
Kesa sa isang kasinungalinga'y ikaw ay masaya.
Patawad, kung ang pag-ibig ko sayo'y nabigo;
Patawad, kung sigaw ng puso ko'y nagbago;
Patawad, hindi ko naman ninais 'to;
Patawad, sa paglisan ko sa buhay mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/4982328-288-ke3a70e.jpg)
BINABASA MO ANG
poems
Poetrythis is just a collection of my written poems, nothing more. just wanna share it though.