Busy Monday at school...
Projects everywhere! >.<
Exam na kasi next week. Pero sa totoo lang 3rd periodical pa lang to. Ganito talaga pag 4th year paano pa kaya pag finals na. lalo na siguro kung inabutan kami nung k-12 thing na yun.
Pero pag natapos naman to at ang exam. Grabe! Heaven. 3 weeks yata kaming walang klase. because of the academy days, intramuals and other programs. Hell week to heaven week pala ito. HAHA!
Karamihan ng projects namin puro drawings or something na may arts. Ganito ang gusto ko bentang benta ang talent ko sa mga projects ko. Kumpleto ako sa gamit. pero hinid porket kumpleto ako sa gamit panggawa ng mga projects lugi ako sa hiraman ng mga classmates ko. Pero nagkakamali sila, hindi naman sa madamot ako. ayoko lang pinapahiram ang gamit ko lalo na sa hindi marunong mag-ingat at magpaalam. siguro friends and other close ko na classmates ko lang ang malalakas ang loob na makahiram sa akin ng mga ito. Kasi kung hindi ko sila ka-close. alam nilang sigaw ang aabutin nila sakin.
Patapos na ako sa ginagawa ko ng...
" Janelle! " -tawag ni cay sakin with matching kalabit.
" WHAAAT? "
" Kailangan nakasigaw? " -cay
" Kasi naman nakita mong busy dito e. tawag ng tawag at kalabit ka ng kalabit dyan. "
" Eh kasi eto ding si andrew kalabit ng kalabit sakin. Peram daw ng color pencils mo? " -cay
Si cay, classmate ko. ka-close ko to. kasi since gr. 4 classmate ko siya.
Lumapit si andrew sakin at hinila yung isang upuan. tsaka nya inilagay sa tapat ko at duon sia umupo.
" Janelle? Peram ako waa? " -Andrew
" Tsss. May magagawa pa ba ko? eh andyan ka na at hawak mo na! "
" Haha. Thank you! " -Andrew
" Janee! Tapos ka na ba dyan? Tara Recess na tayo! " -sigaw ni frae. isa kong kaibigan.
Ako din nga pala si janee. ( JEY-NI ) ganyan ipronounce. mga kaibigan ko lang tumatawag sakin nyan.
" Ayan na! Wait lang! "
" Hoy! Andrew! Magre-recess lang ako ha? Wag na wag kang magpapahiram nyan ha? "
" Oo! Damot mo! " -Andrew
" Sino madamot? Akin na nga yan? "
"Joke lang. Eto naman napakasungit! " -Andrew
" Ewan ko sayo. "
Sa cafeteria.
" Janee! si Harry ba yun? " -dane
" Ha? asan? "
" Ayun oh! " -sabi naman ni rox. sabay turo kay harry gamit ang nguso nya.
" Nguso mo naman rox! Haha. " -frae
" Teka? Sino yung kasama nya? " -jam
" Si Ayla ba yun? " -frae
" Oo nga no? Sila na kaya? Ouch naman. no Janee? " -dane
" Wala akong pake! Sapak dane? You want? "
" Kalma! Bitter mo te! " -dane
" May maibi-bitter ba ko? "
Nakakainis tong mga 'to. imbes na icheer-up ako at huwag ng ipaalala yun. eto sila pilit saking pinapaalala!
Btw, si harry nga pala ay ang ex boyfriend ko? Pero hindi ko alam kung ituturing ko syang ex boyfriend.